Bulletproof 33 PT. 2

155 12 1
                                    


Pagkatapos kung ayusin ang mga papel hinatid ko na ito kay Manager Joon. Napangiti ako ng makita kong kasama ni Manager Kim si Manager Joon at mukhang may pinag uusapan sila. Nakita kung parang nahihiya si Manager Joon kay Manager Kim. Just as I thought malambot si Manager Joon pagdating kay Mr. Kim.

"Ah Manager Joon nandito na pala yung mga papel na sinasabi mo."

Sabi ko. Nakangiti itong tumingin sa akin. Wait? Did she just smile at me? Akala ko mag-susungit ito.

"Uy Ava! Kompleto ba yan? Akin na."

Masaya nitong sabi. Tulala kong binigay yung papel. Napatingin ako kay Manager Kim nagkibit balikat lamang ito. Nginitian ko siya at tiningnan si Manager Joon na busy na nakatingin sa mga papel tapos balik ulit sa kanya. Napatawa ako ng biglang sumingkit ang mga mata nito.

"May end year party mamaya. Pumunta ka kasi pupunta ang Bangtan mamaya."

Nakita kung tumaas ang ulo ni Manager Joon at tiningnan kami.

"Hindi uuwi ang Bangtan?"

Litong tanong ni Manager Joon.

"Umuwi na daw sila noong pasko. Gusto nilang mag new year ng magkasama."

Sabi ni Manager Kim at nagkibit balikat. Nakita kung nalilito si Manager Joon at habang tumatagal parang umiiba ang timpla ng mukha niya. Okay ano ba kasi ang sinabi ni Manager Kim bakit biglang na disappoint ito.

"Ano sasama kaba?"

Tanong ni Manager Kim. Kasamang mag New Year ang Bangtan? OFCOURSE! Hindi ko palalagpasin ang ito! Nakangiti akong tumango kay Manager Kim.

"Trabahuin mo na ang natitirang trabaho mo para makauwi ka na at makapagpahinga."

Masungit na sabi ni Manager Joon. Okay ano na Manager Kim ano ginawa mo kay Manager-nim?

"Oo magpupuyat tayo mamaya."

Masayang sabi ni Manager Kim. Ah Manager Kim ayusin mo muna si Manager Joon. Nag aalanganin akong tumango kay Manager Kim bago tumalikod.

"Ememessege ko nalang mamaya ang address."

Sigaw nito bago ko isinira ang pinto. Feeling ko talaga may lumalabas na itim na aura sa katawan ni Manager Joon. Napahinga ako ng maluwang.

"Kakatakot."

Sabi ko at naglakad. Nakita ko sa may office ang Bangtan. Nagkakagulo sila sa isang camera. I think they are recording for VLive or Bangtan Bomb. Naglakad ako muli. They are greeting Happy New Year to all ARMY's.

"Matingnan nga yun mamaya."

Sabi ko at naglakad ulit. Nagmadali kong ginawa ang mga trabaho ko. Well konti lang naman trabaho ko eh kasi naman si Manager Joon kapag may pinagawang trabaho dapat madaliin kaya heto ako konti nalang natira. Okay na rin para makapagpahinga ako.

"Saan nga pala nalagay yung mga files? Kailangan kasi yun ni Manager-nim."

Tiningnan ako ng katrabaho ko at nagmadaling tinuro ang mga cabinet. Nagmamadali rin siguro para makapaghanda mamaya.

"Ava Unnie!"

Napataas ang ulo ko at tiningnan kung sino ang tumawag sa akin. She wore a royal blue casual dress that makes her look cute and her usual ponytail hair with a curly style at the tip of her hair. A wide smile plastered to her face.

"Rin? Bakit ka nandito? Wala namang filming ngayon ah."

Nagtatakang sabi ko. Lumapit sa akin at inangat ang isang paper bag. Kinuha ko ito at tiningnan kung ano ang nasa loob.

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now