Bulletproof 6

215 14 0
                                    

"Sigurado talaga ako Noona nagpasagasa ka para mapansin ka ng Manager nila no!"

Sabi ni Jihyun. Binatukan ko nga. Tatlong araw na siyang ganyan keso ang tanga ko daw dahil nakalimutan kung may ticket ang fansigning keso magpapakamatay na nga lang sa kalsada dapat daw sa tubig ako o baka daw sinundan ko ang Manager ng Bangtan para magpasagasa.
Oo mahal ko ang Bangtan pero hindi naman aabot sa point na ibuwis ko na buhay ko no! Makikita ko muna sila bago ako mawala

"Noona? Tinawagan kana??"

Bigla akong napahinto sa pagluluto. Hindi pa ako tinatawagan ni Mr. Kim! Pumupunta ako sa fansign kaso hindi talaga umaayon si tadhana nauubusan talaga ako. Wala eh. Nalate ako kahapon sa pagbili ng ticket eh kasi naman nawala ako. Itong Jihyun kasi hindi ako sinamahan keso may school sila. Hindi ko alam kung nag aaral ba talaga to eh para naman kasing tambay to.

"Hindi ka tinawagan no. Niloloko ka lang nun."

Sabay tawa nito. Inirapan ko nga. I'm actually in the verge of acting crazy outside the BIGHIT kung hindi pa tatawag si Mr. Kim!

Nilagay ko ang niluluto ko sa glass table. Yung isa naman kanina pa lumalafangs. Napatingin ako ng biglang tumunog ang phone ko. Nagkatinginan kami ni Jihyun at nagtakbuhan kung saan ang phone ko. Si Jihyun ang nakakuha ng phone kaya pilit ko itong inaagaw.

"Ba't unknown?"

Binatukan ko nga at kinuha ang phone ko.

"Eh ikaw ba alam mo ang number ng BigHit."

"Hindi."

Sagot nito. Inirapan ko nga.

"See? You don't even know it."

"Sige na sagutin mo na."

Huminga ako ng malalim. Kinakabahan baka hindi si Mr.Kim. Pero wala naman kaing ibang tao na nakakaalam ng number ko. Sinagot ko na ito.

"Yoeboseyo?"

"Ava si Mr. Kim ito. Pumunta kang BigHit bukas."

Pagkatapos inend niya na ang call. Hindi ako makapaniwala.

"Ahhhhhhhh pupunta akong BigHit bukas!!! Ahhhhhhh"

Para na akong baliw tatalon talon.

"Akala ko talaga nababaliw ka na nung sinabi mong nakita mo si Mr. Kim kala ko gawa-gawa mo lang."

Sabi nito na parang hindi makapaniwala. Tumakbo ako sa kanya para batukan pero ayun nang makita akong papunta sa kanya kumaripas na ng takbo sa kusina. Aba tong batang to!

Pabagsak akong umupo sa sofa ng nakangiti. Sa wakas makikita ko na sila.

"Hoy kakain kaba o hindi? Uubusin ko na to!"

Sigaw naman ni Jihyun na dahilan para tumayo ako at pumunta ng kusina. Kaya hindi nagiging katulad ni Jungkook eh parating kumakain.

Kinabukasan puyat akong gumising dahil sa kakaisip dahilan para magmadali akong maligo at magluto.

"Noona ba't kaba nagmamadali eh hindi ka naman sinabihan kung anong oras ka pupunta!"

Nagpatuloy lang ako sa pagluluto.

"Noona? Yan ang susuotin mo? Ang lamig kaya sa labas."

Tiningnan ko suot ko. Okay naman ah.

"Huh? Problema mo sa suot ko eh sa korean drama nga pinapanuod ko hindi nga umaabot sa tuhod yung suot nila."

"Noona tiis ganda ang tawag nun. Ba't kaba kasi nanunuod ng drama. Subukan mong eopen yung bintana ewan ko lang kung kaya mo ang lamig."

Binigay ko sa kanya ang sandok na ginamit ko sa pagluluto at pumunta sa bintana binuksan ko ito at susme ang lamig nga. Pano ba nila natitiis ang lamig sa korean drama.

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now