Bulletproof 43

152 9 1
                                    

Nagkakagulo kami ngayon. Since comeback na ng Bangtan they have to performed in the different music shows to promote their latest album and to win trophies which proves that the album is successful. And ofcourse they can't win without the ARMYs help by voting. And i'm here using another account to promote them and vote.

"Ava! Kompleto na ba ang lahat?"

Tanong ni Manager Joon dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Opo Manager nim!"

Simula ng naka uwi kami dito hindi na ako sinusungitan ni Manager though nandiyan pa rin yung pagiging strikta at perfectionist niya pagdating sa Bangtan. Nginitian ako nito bago tumingin sa relo niya.

"Ava nacheck mo ba yung mga damit nasusuotin ng Bangtan?"

Tanong sa akin ni Manager Kim. Hindi ito mapakali. Tumawa ako.

"Oo nacheck ko na lahat."

Tumingin ito sa relo niya. Madaling araw palang nasa BigHit na kami.

"Nasaan na ba ang Bangtan?"

Tanong nito at nagpabalik balik ng lakad.

"Kailangan natin pumunta doon ng maaga since mag fi-filming pa sila!"

Kailangan kasing pumunta sa show ng maaga kasi magfifilm pa. At hindi lañg naman kasi sila ang e fi-film madami pang idols.

"Unnie. Sinuot mo na pala yung bigay ko sayo."

Nakangiting lumapit sa akin si Rin at inayos yung bennie. Ngumiti ako at inayos rin ang buhok niya.

"Wala pa ba ang Bangtan Manager?"

Tanong ni Rin kay Manager Kim. Kukunin sana ni Manager Kim ang phone niya ng biglang pumasok si Hoseok.

"Hoseok!!!"

Sigaw ko. Ngumiti ito sa akin at lumapit.

"Good morning."

"Magandang umaga rin."

Sabi nito at inakbayan ako.

"Nasaan na ang iba?!"

Tanong ni Manager Kim. Tumawa si Hoseok at binigyan ng yakap si Manager. Nakarinig ako ng ingay.

"Hey! Hey!"

Sigaw ni Taehyung habang tinataas ang kamay. Nakasunod sa kanya si Jimin at Jungkook. I even saw Jimin yawn. Pumasok naman si Namjoon, Jin at Yoongi.

"Ava-chi."

Lumapit si Taehyung sa akin. Kay aga-aga ang hyper.

"Ava-chi pahingi ng tubig."

Napakunot ang noo ko. Binigay ko sa kanya ang pink tumbler ko pagkatapos ay uminom siya. Nakangiti itong binalik sa akin ang tumbler.

"Tae-ssi may tubig tayo."

Sulpot bigla ni Jimin at binigay kay Taehyung ang tumbler. Tumingin si Jimin sa akin. Ngumiti ito bigla at tinuro ang ulo niya. Nanlaki ang mata ko. Oh shoot nakalimutan kong magkatulad kami ng bennie. Agad ko itong tinanggal.

"So-sorry."

Sabi ko at tinago sa likod ang bennie. Biglang nag iba ang mukha ni Jimin. Nakatingin lamang sa amin si Taehyung. Hindi ko malaman kung naiinis ba o na ano si Jimin. Hindi ko talaga siya maintindihan. Lumapit ito bigla sa akin dahilan ng konti nalang eh magkakadikit na kami. Nagulat ako ng may biglang kumuha sa bennie ko.

"Eh?"

Tinaas ito ni Jimin at iniikot niya sa kamay niya habang naka smirk. Actually hindi gaanong parehas yung design ng bennie namin magkaparihas sila ng kulay pero konti lang yung kaparehas parang naging boy version lang yung sa kanya.

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now