Bulletproof 44

184 9 4
                                        

"Noona!"

"Noona!"

"Ava Corell!"

Napatingin ako kay Jihyun. Nagulat pa ako. Eh kasi akala ko si Jimin. Kamukha kasi sila kapag nakasunglasses.

"Ano trip mo hah?"

Tumingin ito sa akin na parang may kasalanan ako. Tinaasan ko siya ng kilay tapos tingin ulit sa TV at umupo ng maayos habang inangat ko ang dalawang paa ko sa sofa.

"Noona!"

Ano ba trip nitong isa? Pinakain ko na siya ano pa ba gusto ng batang to? Kasing kulit din siya ng kuya niya ah. Kahit nakaharap ako sa TV parang hindi pa rin ako nanunuod kasi yung iniisip ko nakatuon sa iba.

"Bakit kaba tumitingin sa iba?"

At mas lumapit pa ito sa akin. Konti nalang kapag gumalaw ako ng konti siguradong doon mapupunta ang lahat.

"Ava."

Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya. Pangalawang beses pa lang niya akong tinawag sa pangalan ko.

"Sa akin-"

Napatingin kaming dalawa dahil sa biglang kumalabog ang pinto. Nanlaki ang mata ko ng may makita akong babaeng pumasok galing sa exit. She was wearing a black leather shorts, a black turtle neck inside her ripped denim jacket with a black timberland shoes. Nanlaki ang mata ko ng tinuro niya kami habang yung isang kamay niya nasa bibig. Sinubukan kong itulak si Jimin palayo sa akin pero sadyang masyadong maliit ang braso ko kompara sa katawan niya.

"Te-teka!"

Sabi ng babae. Si Jimin naman walang reaksyon na nakatingin sa babae. Hindi to pwede! HINDI TALAGA PWEDE! Malaking issue to kapag kumalat!! Jimin umalis ka na!! Ava isip ng paraan. Oo mag isip ka ng palusot-. Napahinto ako ng lumapit ang babae sa amin. Si Jimin hindi pa rin gumagalaw pero yung mukha niya nagtatakang tumingin sa babae.

"Ba't may ganito ka?"

Tanong ng babae habang nakatingin sa bracelet na suot ni Jimin. Ito yung bracelet na bigay ng BigHit para sa concept niya. Tinaas ng babae ang kamay niya at pinakita sa amin ang magkatulad na bracelet. Nakangiti ang babae. Singkit ang mga mata nito, kapag ngumiti, sigurado akong nawawala rin ang mga mata nito katulad ni Jimin. She's so pretty and innocent.

"Magkatulad tayo oh!"

Sabi niya. Biglang tumingin si Jimin sa akin tela walang pakealam doon sa nagsasalita. Napakunot ang noo ng babae. Tumingin ako sa babae.

"Mianhae. Pasensya na talaga. May ano-ano lang siya ahmmm.."

Nagpout lang yung babae. Hindi man lang siya nagtanong sa awkward naming posisyon. She looks so innocent. Tiningnan ulit niya ang bracelet ni Jimin at ngumiti bago umalis na parang walang nangyari. Napahinga ako ng maluwang.

"Jimin umayos ka."

Naramdaman kong napahinto ito. Tiningnan ko siya. Nanlaki ang mata niya at umayos ng tayo. Humawak ito sa batok niya.

"Ano ba ang ginagawa mo?! Ganun ka ba magtanong? Pano kung may ibang taong nakakita? Paano kong iba yung pagkakaintindi nila? Siguradong-"

Tumawa ito ng malakas. Humawak pa ito sa tiyan niya. Yung mata niya halos mawala na.

"YAH!!"

Sigaw ko. Langye Ava papagalitan ka ng ibang ARMYs niyan! Sigawan ba naman si Jimin. Napabuga ako ng hangin. I can't believe this! Tumatawa pa rin ito though his trying his best to stop from laughing kaso pagtumingin siya sa akin natatawa siya. Sige gawin mo pa akong clown!

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now