Bulletproof 29

145 11 1
                                    

"Ava-chi! Sigurado ka bang dito ang apartment mo? Para kasi-"

"Ito na!"

Sabi ko sa lahat. Tahimik silang lahat na nakatingin sa labas ng apartment. Nagpumilit silang ihatid nalang daw ako pauwi. Ofcourse I decline first! Kasi naman maayos na ako at kailangan rin nila ng pahinga. Pero wala talaga eh. Mas matigas pa sila kay Yoongi na halos kaladkarin na palabas ng Hospital dahil ayaw na umalis sa hospital bed kasi gusto niyang matulog. Pero ngayon mukhang gising na gising na siya.

"Bakit ganyan mga mukha niyo?"

Nakatingin sila sa akin na nakanga-nga. Tinikom nila ito at nagsitinginan.

"So you stay here?"

Napakunot ang noo ko ng tinanong iyon ni Namjoon. Tumango ako bilang sagot.

"Yes. I stay here. Waeyo? (why?)"

Hindi sumagot si Namjoon at nagtinginan ulit sila. Ah ano bababa na nga po pala ako.

"Ah kamsahamnida sa paghatid sa akin."

Sabi ko at hahawakan ko sana ang door kaso na unahan na ako ni Jimin at binuksan niya ito. Nang makalabas ako ramdam ko agad ang lamig ng gabi. Buti nabilhan ako ni Mr. Kim ng jacket isa sa mga dala niya nung pumunta siya sa hospital. Napatingin ako sa lahat na nasa loob pa ng van at nag bow. Nagulat ako ng biglang lumabas si Taehyung at tumayo ito sa harapan ko.

"Ah Ava-chi! Pwede pahiram ng C.R?"

Pinalo naman siya sa balikat ni Jin at pinanlakihan ito ng mata. Pero nakita ko namang may binulong si Namjoon tapos nakisingit na si Hoseok tapos tumingin sila kay Jimin. Ano ba nangyayari sa mga to?

"Hyung naman eh! Sa gusto ko na talagang gumamit."

Inisip ko kung anong meron sa loob ng apartment. Wala akong poster ng BTS kasi iniwan ko ito sa bansa namin. Wala namang kahina-hinala sa room ko. So I think it's safe. Well except sa bedroom ko na may merch doon tulad ng BTS notebooks at lalo na sa lappy ko madami silang picture doon. Hindi naman siguro sila papasok doon. SO IT'S SAFE AVA! IT'S SAFE! Safe nga ba??

"Ah kailangan na ba talaga?"

Tumango ito at nakita ko namang tumango yung mga ka members niya na nasa loob ng van. Diba kanina ayaw ni-. OKAY?

"Tara! Pero isuot niyo muna ang mask niyo at cap!"

At agad nilang kinuha ang cap nila. Ako pa ang naglagay kay Taehyung ng cap at mask niya.

"Teka ako ang ma una!"

Patigil ko sa kanila sa may labas ng glass door. Pagtingin ko na walang tao ay pumasok na kami. Para kaming mga agent nito. Tago doon tago dito feel na feel naman ng mga kasama ko na nasa pelikula kami.

"Ava! Iha!"

Napatigil kami sa pagtago ng may biglang tumawag. Oh no!

"Ah ha-ha hello po."

Awkward kung bow at ngiti. Agad akong niyakap ng matanda.

"Ano kaba? Saan kaba nagsuot?! Muntik na kaming tumawag ni-"

Tumingin ito sa likod ko. Napapikit ako patay na. Pero ngumiti ulit ako.

"Ah mga kaibigan ko nga po pala~"

Sabi ko na malawak ang ngiti. Nakatingin pa rin ito sa likod ko at sumingkit pa ang mata nito at biglang lumaki. Napatingin ako sa likod. Maayos naman sila ni hindi nga halos makita mukha nila.

"AHEM! Sige iha bukas na tayo mag usap. Mukhang pagod ka. Pahinga ka muna. At ingat kayo mga iho."

Nagbow ako bago ito tumalikod sa akin. Tumingin ito ulit sa akin na naka ngiti at kumaway pa. Nagbow ulit ako. Tiningnan ko ang likod ko at ganun pa rin yung itsura nila.

"Muntik na yun ah!"

Nang nakarating kami sa room ko napatigil muna kami dahil hinahanap ko pa sa backpack ang susi ko. Napatingin ako Bangtan na iisang room lamang ang tiningnan.

"Hindi ko yan room. Ito yung akin."

Sabi ko at balik ulit sa paghahanap. Pero ng hinawakan ito ni Jimin ay bukas ito. WAIT? Nakalock to ah! Nagkatinginan kami ni Jimin. I hold the door knob at pinalayo ko sila ng konti. Pilit pa akong pinaalis ni Jimin at sumenyas ito ng tumahimik. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya tumabi ito.

"Asan na ba kasi si Ava Noona?!"

Rinig kong nasa loob! Teka Jihyun?

"Jihyun?"

Tawag ko at agad kong nakita siya nakatayo sa harap ng TV. Tumingin ito sa akin at agad nanlaki ang mata, may hawak pa siyang bread sa right hand niya.

"Noona!"

Nahulog yung bread. Aba! Ikaw maglilinis? Agad itong tumakbo sa akin at agad akong niyakap nito. Humiwalay ito sa pagyakap sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng makita niya yung parang band aid sa kamay ko hinawakan niya ito agad.

"Anong nangyari sayo Noona? Pumunta akong BigHit tanong ako ng tanong at hindi nila alam kung saan ka! For pete's sake ilang days akong walang tulog!"

Natawa ako sa pagsabi niya ng "For pete" ginaya niya talaga ang expressions ko na parang naghysterical!

"At ilang araw rin akong walang kain. So ano na?"

Binatukan ko nga. Ikaw lutuin ko eh. Hinawakan niya yung binatukan ko pero hinawakan niya ulit yung kamay ko na may band aid.

"Na pano to?"

Nagulat ako ng may isang kamay pa ang humawak sa kamay ko. Napatingin ako kung sino ito.

"Jimin?"

"Hyung?!"

Napatingin ako kay Jihyun ng sinabi niya yun. HYUNG?! Wait! Jihyun's mouth are wide open. Agad niya akong binitawan at humakbang ito palayo.

"Wait? Jihyun! What the- I mean ano bang pinagsasabi-?"

Napahawak ako sa bibig ng may naalala ako. No way! Simula noon! You mean? What the-okay OA NA AVA pero Hell this is freakin me out!

"Teka!"

Napatingin kami kay Taehyung na nasa harap namin at nakataas ang kamay. Seryoso itong tumingin sa amin at binaba niya ang kanyang kamay. Huminga ito ng malalim.

"Ava-chi nasaan ba yung C.R mo kailangan ko na kasing gumamit."

Napatulala ako pero tinuro ko naman ang C.R. Naglakad ito at tela mga yapak lamang ni Taehyung ang naririnig namin. Sinundan namin siya hanggang makapasok siya sa C.R at nakarinig kami ng pagclose ng door. Nagkatinginan ulit kami ni Jihyun. Saan na nga ba kami? Ano nga ba ang nangyari? Bakit nga ba nasa bibig ko yung kamay ko? Ba't ang tahimik?

"This is the path you chose, don't doubt yourself. This is only the first flight after all, spread your wings." (BTS - Interlude: Wings)

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now