"Ji-Jimin?"
Hahawakan ko sana yung balikat niya pero agad niya itong inilag. Ano ba ang nangyayari? Pati si Taehyung at Jungkook hindi ako pinapansin. Si Namjoon at Yoongi nakayuko lang ito. Tumulo ang luha ko ng makita ang disappointed na mukha ni Hoseok. Ano ba ang nangyayari?
"May gana ka pang magpakita sa amin pagkatapos mong magsinungaling!"
Sinabi yun ni Jimin na hindi man lang nakatingin sa akin. Paano niya nalaman?
"Pa-paano mo-niyo nalaman?"
Nanginginig kong sabi. May kinuha si Taehyung at agad niya itong tinapon sa harapan ko dahilan mapatingin ako sa sahig. Nanlaki ang mata ko ng makita ang ARMY Diary ko. Agad akong napaupo sa sahig at kinuha ito. Paano napunta to dito?
"I-isa kang ARMY tapos- tapos nagawa mo kaming lokohin!"
Sabi ni Jimin bago tumingin sa akin pero agad ding tumingin sa taas. Tumingin ako sa Bangtan ni hindi sila tumingin sa akin.
"Umabot ka sa puntong-"
Hindi matuloy-tuloy na sabi ni Jimin bago pumikit at tumalikod. Agad akong tumayo at hinawakan siya.
"I'm sorry."
Pero agad niya itong tinabing dahilan para matumba ako.
"Ava Noona!"
"I'm REALLY SORRY!"
"Ava Noona gising!"
Napaupo ako at agad nakita si Jihyun sa harapan ko. Basang basa ang mukha ko.
"Umiiyak ka Noona. Nanaginip ka."
Sabi nito at agad binigyan ako ng tubig. Panaginip lang? Agad akong tumayo at hinalughog yung cabinet sa table ko.
"Noona ano ba nangyayari sayo?"
Hindi ko pinansin si Jihyun. Nang makita ko ang hinahanap ko napahinga ako ng maluwag at napaupo sa sahig. Agad lumapit si Jihyun sa akin.
"Akala ko nawala na."
Pabulong kong sabi.
"Yah! Napano ka?"
Sabi nito at tinulungan akong tumayo. Nginitian ko siya at umiling. Kumunot ang noo nito.
"Ang labo mo talaga."
Sabi nito at umiling. Tumawa ako.
"Diba ngayon alis mo?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad akong tumayo at tarantang binuksan ang maleta na nahanda ko na kagabi at doon ko nilagay ang notebook ko.
"ANONG ORAS NA?"
Tumawa ito kaya napahinto ako sa pagkakataranta. Binatukan ko ito ng makita ang wall clock.
"YAH! Maaga pa pala! Bakit mo ako ginising?!"
Sigaw ko sa kanya.
"YAH! Kung alam mo lang kung gaano kalakas boses mo. Nasa sala ako kanina pero grabi narinig ko talaga!"
Napatikom ako sa kanyang sinabi. Ngumiti ako ng pilit.
"Hehehe sorry."
"Ewan ko lang sa ibang kapit bahay. Baka ginising mo din."
Oppss! I scratch my head. Naglakad ako palabas ng room ko.
"Anong gusto mong kainin?"
Tanong ko kay Jihyun. May 2 hours pa bago ako pumunta sa Bighit at emeet si Manager Joon.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan
FanfictionI love all of you I love your faces, personalities (on TV shows), your voices, and all of your songs. (Maybe i will love you more if i known each of you in person. Maybe? The reason why i wanted to meet each of you.) Been up all night to see all of...