Bulletproof 37

143 8 3
                                    

Hindi ko alam kong saan kami dadalhin dahil sa blindfold namin wala aming makita. Hindi na nag iingay si Manager Joon. Kanina halos mabasag na eardrums ko kakatili nito. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Ava?"

Nanginginig nitong sabi. I'm sorry.

"I'm really sorry."

Bulong ko sa kanya. Humigpit naman ang hawak niya. Napangiti ako. Atleast nakita ko na ang Bangtan. Naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Mga ilang segundo ay may biglang umangat sa akin. Mukhang sumerender na talaga si Manager Joon.

"Ibaba niyo na yan."

Naramdaman kung nakaupo ako sa isang malambot na bagay.

"Tanggalin niyo na yan."

Rinig kong sabi. Teka? Agad nagliwanag ang paningin ko ng mawala ang blindfold. Napatingin ako sa katabi ko. Si Manager Joon straight na nakatingin sa harapan. Tumingin ako sa harapan.

"You really thought I can't find you Avarah."

Bigkas nito. Hindi ko makita ang taong nakaupo since nakatalikod yung chair niya. Pero ng makita ko ang dalawang bagay sa magkabilang dulo ng desk niya napaangat ang gilid ng labi ko. Mabuti at siya ito kong hindi..

"Kilala mo siya Ava?"

Tanong ni Manager Joon. Tumango ako. Kilalang kilala. Nanghumarap ito agad kong nakita ang repleka ng mga mata ko.

"Hello Mr. AC."

I worked under him for three years. Ngumiti ito sa akin.

"Hello Princess."

Sabi nito at nilagay ang kamay niya sa desk na tela nakikipag meeting lang. Naramdaman kong tumingin si Manager sa akin.

"Kung alam mo lang kung anong nangyari habang wala ka. She was shouting outside the company ang akala niya tinatago kita."

Napahinga ako ng maluwang. Seems like he didn't know. Napatingin ako kay Manager Joon na litong-lito eh kasi naman gumagamit kami ng lingguwahe namin. Tumayo si Mr. AC at hinawakan niya ang dalawang bagay sa desk niya. Humanda kayo umiiba ugali niya pagnahawakan niya yung mga bagay na yun. Nakita kong napanganga si Manager Joon.

"Kahit alam kong nandito ka hindi ko pa rin sasabihin sa kanya! We have to watch BTS concert!"

Mula sa pagiging sopistikadong businessman kapag nakahawak na ng ARMY Bomb ewan ko nalang. Hardcore Army yan. Napasapo ako sa noo ko. Makita ba naman ni Manager ang side niyang ganyan.

"Dad please umayos ka. May kasama ako."

Sabi ko sa kanya at lumapit. Kinakaway niya yung ARMY Bomb. Hindi ko alam kung bakit siya umabot sa pagiging ganito. I mean he is already a businessman when I introduced Bangtan I didn't expect he will turned like this. Tumingin ito sa likod ko at kumaway pagkatapos ay tingin ulit sa akin.

"Ano may ticket na ako!"

Sabi nito. Naku naman. Nabuking na ako ni Manager Joon. Tumingin ako kay Manager hindi ito makapaniwalang nakatingin sa akin. Kahit hindi niya naiintindihan ang lingguwahe namin siguradong alam ko na may naintindihan siya sa nangyayari ngayon. Kumalma ito at tiningnan ako ng maigi.

"Mag usap tayo mamaya."

Tumango ako bilang sagot. Eto na masesesanti na ako. Tumingin ako kay  Dad at naglakad kami palayo.

"Dad alam mo ba kung nasaan siya?"

Tanong ko. Nagkibit ito ng balikat at pinaglalaruan ang Army Bomb.

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now