Napafacepalm ako dahil sa ginawa ni Jihyun. Pinagkakaguluhan siya ng Bangtan ngayon. Halos lahat ng staff tumatawa na sa kanila.
"Bakit ikaw lang ang binigyan?"
Tanong ni Hoseok habang tinitingnan ang relo ni Jihyun. Alam mo yung kakarating mo lang tapos agad sumigaw tungkol sa relo niya pati si Manager Kim nakikiusyosu eh ang tanda niya na.
"Ava-chi! Saan yung akin?"
Disappointed na sabi ni Taehyung. I scratch my nape at nginitian siya ng pilit. NAKAKAHIYA! Yung regalo niyo iniwan ko sa apartment. Langjo tong si Jihyun alam niyang naiwan ko yung regalo! Bumalik naman sila sa pagkakagulo kay Jihyun. Tong mga to akala mong hindi nakatanggap ng regalo sa mga fans eh halos magpuno na nga yung office dahil sa mga bigay ng mga fansite-nim! Kung umarte akala mo- hindi ako nagseselos ah!
"Ava?"
Biglang sulpot ni Manager Kim. Ngumiti ito sa akin ng makahulugan.
"Saan yung akin?"
Tumawa ako ng konti at tinaasan siya ng kilay. Nawala ang mga ngiti nito.
"Ibig sabihin walang sa akin. Grabe si Jihyun meron tapos kami ng Bangtan wala."
Sabi nito at tumingin sa Bangtan na nagkakagulo.
"Akala ko ba ang Bangtan ang dahilan kung bakit ka nandito tapos tinulungan pa kitang makapasok di-"
"Tumahimik ka. Naiwan ko sa bahay yung regalo niyo. Gosh baka merong nakarinig."
Tiningnan ko ang paligid. Buti nalang talaga walang staff na malapit sa amin.
"Talaga?"
Gulat na tanong nito. Inirapan ko nga. Tumawa ito na parang nanalo. Napatingin ako sa paligid.
"Sino nag ayos nito?"
Tanong ko. Nag effort talaga silang ibahin tong office ah!
"Kami at ang Bangtan."
Napatingin ako sa kanya. Ang Bangtan?
"Pasasalamat daw nila sa lahat ng nagtatrabaho sa BigHit."
Napangiti ako sa sinabi ni Manager Kim. BigHit is so lucky to have these boys. Napansin kung maraming pagkain malapit sa mini stage.
"HO-HO-HO Merry Christmas and a Happy New Year."
Napatingin ako sa nag iingay.
"Jihyun ano ba nakain mo ngayon?"
Bulong ko. Para itong si Santa Claus na namimigay ng regalo niya.
"Jihyun kay Jimin Hyung tong galing na pera?"
Tanong ni Jungkook kay Jihyun na nagpatawa sa akin ng malakas.
"Asan na? Asan na yung akin?"
Tumatalon pa si Taehyung habang sinasabi yun. Minsan talaga naisip ko baka nagkapalit lang si Jungkook at Taehyung ng katawan. Si Kookie yung 22 tapos si Taetae yung 19.
"Eto yung sayo Hyung."
Sabi ni Jihyun habang binibigay kay Taehyung ang regalo. Yung akin nasa ref daw? Langjo tong batang to. Baka naman ice cream regalo sa akin eh alam niya namang malamig ngayon!
"Ava-rah Cohrel? Ito na ba pangalan mo Jihyun? English name mo ba to?"
Napatingin ako dahil sa tanong ni Hoseok.
"Yah! Jihyun!"
Sigaw ko sabay turo sa kanya. Napatingin ako sa mga staff na nakatingin sa akin. Ngumiti ako at nagbow.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan
FanficI love all of you I love your faces, personalities (on TV shows), your voices, and all of your songs. (Maybe i will love you more if i known each of you in person. Maybe? The reason why i wanted to meet each of you.) Been up all night to see all of...