Bulletproof 33 PT.1

164 10 1
                                    

"Nag celebrate kami ng Christmas sa bahay. Nasurprise pa nga ako kasi nanduon yung mga pinsan ko!"

"Pumunta akong party kasama pamilya ko."

"Since malamig nagtipon-tipon kami sa bahay ng Lola ko at nag hot choco."

Ilang araw nangnakalipas ang pasko pero ganun pa rin yung pinag uusapan ng mga staff. Kahit nagkagulo-gulo dahil sa iba't ibang plano para sa gagawing Tour may time pa silang makipag usap sa isa't isa kahit nagtatakbuhan, naglakad o kahit may dala.

"Ikaw kumusta pasko mo?"

Napahawak ako bigla sa dala kung mga papel. Muntik na itong mahulog and I don't want to arrange it again! Inirapan ko si Mr. Kim. Tumawa ito habang kinukuha ang mga papel at tiningnan ang mga ito. Naglalakad kami dadalhin ko kasi itong mga papel kay Manager Joon since siya ang nagpagawa sa akin nito.

"Ano? Kumusta pasko mo?"

Sabi nito habang tinitingnan ang mga papel. Naalala ko bigla kung anong nangyari sa pasko. Mag isa akong kumain at uminom ng wine. Umuwi si Jihyun at sa Busan nagcelebrate.

"Okay lang. Kumain at uminom."

Sagot ko kay Mr. Kim. Tiningnan ako nito sandali tapos balik ulit sa mga papel.

"Ang lungkot mo naman."

Sabi nito na matawa-tawa. Hulaan ko mag-isa rin ito noong pasko.

"Lungkot mo rin no."

Tumawa ito at tiningnan ako.

"Yah~ hindi ako mag-isa. May kasama akong bote no."

Sabi nito at binigay ulit sa akin ang papel pagkatapos ay ginulo ang buhok ko.

"Sabi ko naman sayo pakasalan mo na si Manager Joon."

Sumingkit ang mata nito at agad binaba ang kamay dahilan para matawa ako. Hindi ko alam kung bakit palagi nalang yan ang expression niya kapag pinag uusapan naming dalawa si Manager Joon but promise it's the most effective para mapahinto sa pangungulit nitong tatay nato.

"Tumigil ka."

Sabi nito at tumalikod at naglakad sa ibang direksyon. Tumatawa ako habang naglalakad nang bigla akong natumba dahil sa pader na nabangga ko.

"OwwweMG! yung papel! Ottokae!"

Agad kung pinulot ang mga ito ng mapansin kung meron ding tumutulong sa akin. Napatingin ako kung saan nanggaling ang mga kamay na iyon.

"Mianhaeyo. Di ko sinasadya."

Sabi nito. Tumutulo pawis nito mula noo at sa kanyang leeg. Napalunok ako.Hindi pala pader nabangga ko. Nakasabit ang towel nito sa leeg. Bigla akong nabalik sa sarili ng biglang tumingin si Jimin sa akin.

"Ah-ahko na! Ha-ha-ha it's okay-i-imean ayos lang."

Agad kung kinuha ang mga papel sa kanya at nagmamadaling tumayo. Naglakad ulit ako habang pinapaypayan ang sarili ko ng mga papel. Napatingin ako sa mga ito.

"Aayusin na naman kita."

Nakahanap ako ng table at chair sa isang office nilagay ko ang mga papel at humawak sa sentido ko. Tiningnan ko ulit ang mga papel at humawak sa gilid ng mesa bilang suporta. Huminga ako ng malalim.

"Mianhaeyo. Di ko sinasadya."

Umiling ako at kumurap-kurap para mawala ang naglalarong imahe sa isip ko. Langjo naman nagiging manyak na yata ako.

"Mianhaeyo. Di ko sinasadya."

"Mianhae-"

"Mian-"

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now