Bulletproof 32

161 14 6
                                    

"No! He's wrong. He is just teasing me!"

Nandito ako sa loob ng CR nagsasalitang mag isa. Kinabahan kasi ako sa sinabi ni Mr. Kim. I mean what the hell!

"Hahahaha. Oo nga. He is just teasing you!"

Nawala ang tawa ko at napasapo sa noo. This is ridiculous!

"Ah matagal ka po pa diyan?"

Kanina pa pala ako dito. Inayos ko ang sarili ko. Sinuot ko na yung backpack at binuksan ang door. Binigyan ko ng ngiti ang babae na susunod na papasok. Inirapan ako nito mukhang nainip yata kahihintay.

"Mianhae."

Sabi ko at nagbow ng konti. Inismidan lamang ako nito ta pumasok na sa CR. I saw my reflection in the mirror. Napailing ako. Naglakad na ako palabas.

Pagkatapos ng fansigning event pinabalik kami sa BigHit. Kanina habang nagliligpit kami ni hindi ko matingnan ang Bangtan ng maayos lalo na si Jimin.

"Unnie may meeting ngayon."

Hah may meeting? Wala naman yan sa sched ah.

"Urgent meeting ito Unnie."

Sabi ng isa sa batang babaeng Manager dito. Nagmamadali itong maglakad.

"Urgent?"

Agad akong naglakad.

"Merin! Saan ka ba nagsusuot bata ka? Alam mo namang short tayo sa staff!"

Napatingin ako sa isang room kung saan nag eecho ang boses ni Manager Joon. Nakita ko doon si Rin na nakayuko, mukha itong takot na takot.

"Pa-pasensya na po talaga Manager-nim. Nagka-ano nagkaproblema po kasi sa bahay."

Pinalo ni Manager Joon ang mesa kaya nagulat si Rin. Ibubuka na sana ni Manager Joon ang bibig niya para magsalita at kasabay doon ang paghakbang ko para puntahan sila pero nagulat si Manager Joon at napahinto naman ako ng may dumating. Napatago ako bigla sa isang nakatayong signage.

"Jimin?"

Gulat na sabi ni Manager Joon pero agad din nagsungit ang mukha. Hindi ko alam kung ano ang reaction ni Jimin since nakatalikod ito sa direksyon ko. Wait?

"What the hell. Ba't ako nagtatago? You're eavesdropping."

"Merin alam mong duty mo ito. Ayaw na namin na mangyari to ulit."

Napatingin ako ulit. Naglakad na palabas si Manager Joon pagkatapos niya sabihin yun. Hindi ko narinig ang sinabi ni Jimin. Nagsalita ba siya? Si Rin nakayuko pa rin ito. Humarap si Jimin sa kanya kaya natanaw ko ang mukha nito. Malumanay niya itong tiningnan. Nagbow si Rin sa kanya.

"Pasensya na po talaga. Pagbubutihin ko na po yung trabaho ko sa susunod."

Ngumiti si Jimin sabay gulo ng buhok ni Rin at hinawakan ang balikat nito kaya napatingin si Rin sa kanya.

"Tara na may meeting ngayon."

Sabi nito. Ngumiti si Rin binigyan niya ito ng tango at sabay silang naglakad palabas. Hinintay ko muna silang makalayo bago ako nagsimulang naglakad. Bakit parang sinusundan ko sila?

"You're not following them Ava sadyang iisang room lang yung pupuntahan niyo."

Oo ganun nga. Napatingin ako kay Rin nakangiti itong nakikinig sa nagsasalitang si Jimin. I think she's 20 years old. She always wore simple dresses that makes her cuter. Napatingin ako sa damit ko habang naglalakad. Nagkibit ako ng balikat I think jeans and shirts are comfortable.

"Wait am I comparing myself?"

Napatigil ako at napapalo sa noo.

"Nababaliw ka na Ava."

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now