Bulletproof 57

143 9 0
                                    

Habang umiinom ako ng tubig napatingin ako sa biglaang pumasok ng room ko. Akala ko ba hihiramin mo na ni Jihyun ang kambal sa apartment niya?

"Baka hindi kinaya ang kakulitan ng mga yun."

Sabi ko habang nilapag ang baso sa sink. Sumilip ako nang hindi ko narinig ang boses ni Minji.

"Minji? Jihae?"

Tawag ko. Pero wala talagang nag ingay kumuha ako ng spatula.

"Okay nato."

Sabi ko habang tumatango. Hindi ko alam kung sira ba yung door knob ko o ano? Nakakapasok kasi si Jihyun kahit nakalock ito at si Jimin kahit wala siyang susi. May dorm si Jimin kaya hindi siya dito nakatira. Pinalayas ko nga noong isang araw matulog daw siya dito. Saan? Sa sahig? Pwede naman siyang bumisita dito para makita ang kambal. Ang ayaw ko lang kasi na kulang ang Bangtan sa dorm. Though araw-araw naman siyang pumupunta dito eh so~

"Hello?"

Tinaas ko yung spatula. Kung si Jimin to kanina pa yun nag ingay. Napahinto ako ng makakita ng paa na nakasabit sa sofa ko. Hinay hinay akong naglakad at lumapit. Pumikit ako at agad pinalo sa taong nasa sofa.

"Ack! A-aray! Yah!"

Napatigil ako ng makita ang nakahigang si Jimin sa sofa. Agad akong napahawak sa bibig. Ooppss mianhae!

"Aish ang sakit."

Sabi nito at hinimas ang mga parte ng katawan kong saan ko hinampas ito. Napatawa ako. Nakakatawa kasi yung mukha niya. His nose are scrunching and his teeth are gritting because of the pain. Napatingin ito sa akin.

"Ang sakit talaga. Wag mo akong tawanan."

Tinaas niya yung shirt niya dahilan para mapatigil ako at takpan ang mga mata ko.

"Yah! Tingnan mo may pasa ako."

Agad kong tinanggal ang kamay ko at tiningnan ito. Nanlaki mata ko ng makita ang pasa sa tiyan niya.

"Ommo! Hi-hindi ko sinasadya."

Sabi ko at tiningnan ulit ito. Patay ako ni BangPD nito! Ottokae?!

"Patay ako ni BangPD nito! Te-teka kukuha ako ng yelo."

Dali dali akong tumayo at kumuha ng cold compress at nilagyan ito ng yelo. OMG hindi ko sinasadya. I am not overeacting! Jimin is an idol! Hanggang sa makaya avoid injuries or anything. Kahit konting galos kwe-kwesyunin ito ng mga ARMYs! Kahit siguro ako ganun din kung hindi lang ako ang may sala nito.

"Ilagay mo sa may pasa!"

Binigay ko sa kanya yung compress pero hindi niya ito kinuha at tiningnan niya lamang ito. Tumabi ako sa kanya at agad kong nilagay sa may pasa yung compress.

"Aray! Grabe. Galit?"

Tumingin ako sa kanya at balik ulit sa pasa niya.

"Akala ko kasi magnanakaw. Hindi ka naman kasi nag ingay."

Sabi ko. Tumingin ako sa kanya.

"May susi ako. Ako may ari nito ng 4 years tapos wala akong susi."

Napatunga-nga ako sa sinabi niya. Tama nga naman Ava. Pinitik nito ang noo ko.

"Yah!"

Sigaw ko at diniinan ng compress yung tiyan niya dahilan mapa aray ito.

"Ano masakit pa?"

Tanong ko. Tiningnan ko ito ulit tapos tingin ulit kay Jimin. Nagkatinginan lang kaming dalawa ng ilang segundo.

"Jimin wag kana kaya magdiet ang cute mo kasi pagfluffy yung cheeks mo."

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now