"Nandiyan na sila!!"
Rinig kong sigaw ng mga ARMYs. Tinaas nila ang mga ARMY Bombs nila.
"BTS! BTS! BTS!"
Sigaw ng lahat ng ARMYs sa loob ng Stadium. Nakisabay ako sa pagsigaw.
"Ahhhhhhhhhh!"
Sigaw ng lahat ng umilaw na. Nakita ko agad ang Bangtan na nakatayo. Nakaupo ako kasama ang ibang ARMYs malapit sa stage.
"Namjoon!"
"Jin!"
"Yoongi!"
"Hoseok!"
"Taehyung!"
"Jimin!"
"Jungkook!"
"BTS!"
"BANGTAN!"
Nakikisabay na ako sa pagsigaw ng iba. Nagsimula ng kumanta ang Bangtan at sumayaw. Tiningnan ko ang mga tao nasa likod. Para kaming nasa galaxy dahil sa dami na kumikislap na ARMY Bombs. Tumingin ulit ako sa harapan. Pumikit ako habang pinapakinggan ang kanta nila.
"Ava you know you can still bring it to the other side."
Ngumiti ako at binuksan ang mga mata ko ng marinig ang mataas na boses ni Jimin. Nag eenjoy silang nagpeperform.
"Yah! Wag kana umiyak. Ayan na sila."
Napangiti ako ng makita ang babaeng umiiyak habang kinocomfort siya ng kaibigan niya.
"Masaya lang ako!"
Umiiyak nitong sagot. Tumingin ulit ako sa stage. Nagsasalita na sila. Pinapasalamatan nila ang mga ARMYs na pumunta dito.
"ARMYs SARANGHAEYO!!"
Isa isang sigaw ng Bangtan. Nakangiti sila habang sinasabi ang mga iyon. Natawa pa kaming lahat ng ginawa ni Jin ang famous flying kiss niya. Lahat yata ng ARMYs sasaluin yun! Nagkukulitan sila sa stage. Parang naglalaro lang.
"Gusto naming pasalamatan ang pamilya namin na patuloy ang pagsuporta sa amin. Kahit hindi maayos ang simula nito noon nagpapasalamat kami kasi sinusuportahan niyo kami ngayon at alam naming hanggang sa dulo nandiyan kayo. Maraming salamat po."
Nagbow ang lahat ng Bangtan sa harap namin pagkatapos sabihin yun ni Hoseok.
"Magpapasalamat rin kami sa BigHit kung hindi dahil sa kanila wala kami dito kasama ang mga ARMYs. BangPD-nim!!! SARANGHAEYO!"
Pagkatapos isigaw yun ni Jin nag heart shape ang lahat ng Bangtan. Nagtawanan ang mga ARMYs dahil sa kakulitan nila.
"Sa lahat ng staff ng BigHit! KAMSAHAMNIDA!"
Malakas na sabi ni Yoongi. They are being extra again but ARMYs know how sincere they are.
"Gusto lang namin magpasalamat sa mga ARMYs sa pagpunta dito! ARMYs SARANGHAEYOOO!"
Sabay sabay na sabi Jungkook, Taehyung at Jimin. Nag heart shape pa! Tumawa kaming lahat at naghiyawan.
"ARMYs madami na tayong pinagdaanan noon pa lang pero hanggang ngayon nandiyan pa rin kayo. Minsan nakakaranas tayo ng pagkatalo pero hindi ibig sabihin nun tapos na ang lahat, tayo'y nagpatuloy pa rin! Nagpapasalamat kami kasi hindi kayo umalis at kayo'y nagpatuloy sa paglalakad kasama namin. Naglakad, tumakbo, kahit pagkadapa namin nandiyan kayo. Hindi niyo kami iniwan. Naging inspirasyon kayo namin para magpatuloy sa isang laban. Life is a battlefield. Dahil nandiyan kayo ARMYs patuloy tayong lumalaban kahit anong mangyari. We are BULLETPROOF! ARMYs SARANGHAEYOOOO!"
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan
FanficI love all of you I love your faces, personalities (on TV shows), your voices, and all of your songs. (Maybe i will love you more if i known each of you in person. Maybe? The reason why i wanted to meet each of you.) Been up all night to see all of...