Bulletproof 9

162 14 1
                                    

"Brief yan ni Jimin."

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Yoongi. Pati din JHope nagulat.

"Ito brief ni Hoseok."

Nanlaki ang mata ko. Tinaas niya ito at pinakita kay JHope.

"Hyung! Ilagay mo na yan sa clothes basket!"

Sigaw nito. Ngumisi lamang si Yoongi at tumingin sa akin. The savage Yoongi is back. Tumakbo si JHope at kinuha yung brief niya at nilagay sa clothes basket. Natawa na lamang ako.

Tinaas ko uli yung brief ni Jimin. OMG nahawakan ko!

"Ilagay mo na yan dito."

Sabi ni Yoongi. Hindi ko alam na bobored ba siya or gustong matulog. Yung mga mata kasi niya. Well we can't call him Suga or Yoongi if he's not like that.

Nilagay ko ito sa clothes basket. Yung brief talaga ng dalawa! Ava tama na maglilinis ka pa!
Kaya bumalik na ako sa paglilinis. Napatingin ako sa dalawa, nagtatawanan na ito kahit may nilalagay na damit sa basket. Yoongi's smile is really genuine kapag kasama niya si JHope. Namasa yung mga mata ko. I really wish ARMY's should see this!

"Hyung! Yung stufftoy ni Jimin! Nilagyan ni TaeTae ng nipples!"

Tumawa si JHope. Napatingin ako sa sinabi niya. OMG may nipples nga!! Kinuha ito ni Yoongi at nilagay sa desk.

"Manager-nim taga saan ka? Mukha ka kasing taga ibang bansa or half ka?"

Tanong ni JHope. Nginitian ko siya.

"Dayo lang naman ako dito. Naghahanap kasi ako ng trabaho."

"Wow! Ang galing mong magsalita ng Korean."

Ngumiti lamang ako. Heto lang naman ako magaling eh.

"Inaral mo talaga? Bakit dito ka nagtatrabaho? Pwede ka naman sa ibang bansa ah."

Natawa ako ng konti.

"Kasi gusto kung makita ka-"

Bigla akong napahinto muntik ko nang masabi yung dahilan kung bakit ako ng nandito. Kumunot ang noo nila. Ngumiti ako.

"May hinahanap kasi akong tao."

Nagtinginan ang dalawa tapos nag kibit balikat.

"At tsaka bawal ba akong magtrabaho sa inyo?"

Umiling lamang si JHope.

"Ano ka ba Hoseok. Bilisan mo na. Yung manok baka lumipad."

Napatawa ako. Alam mo yung seryoso ang mukha habang sinasabi yun. Si Yoongi lang makakagawa nun. Tumawa din si JHope.

"Oo na. Ikaw Manager-nim hindi kaba kakain?"

Gusto kung sumabay. Bawal tanggihan ang grasya.

"Oo ba. Pero mamaya na. Lilinisin ko muna yung kabilang kwarto."

Tumango ito at sinundan si Yoongi sa kusina.
Tiningnan ko ang paligid.

"Malinis na. Walang labis. Walang ko lang."

Lumabas ako at sinirado yung pintuan. Pumunta na ako sa panghuling room. It's clean except for th last desk.

"Kay Yoongi ata to."

"Paano mo nalaman?"

Nagulat ako sa biglang pagsalita. Tumingin ako kung saan ito galing. Si Yoongi nakatayo sa may pinto. Bigla akong kinabahan. Napaatras ako.

"Ah ano! Nakikita ko kasi sa mukha mo na mahilig ka magsulat."

Napataas ito ng kilay. Oh no.

"Pano nalaman yung pangalan ko?"

Tanong nito habang naglakad palapit sa akin. Hindi ako mapakali. Susme baka mafiiiiiiire na talaga ako!

"Na- ano? Narinig ko kay JHope. At tsaka familiar din yung name mo. Kaya ko siguro madali ko lang maalala."

LIAR! LIAR! LIAR!
Napahinto ito. Napaisip at tumango. Napahinga ako ng maluwag ng biglang kumalma ang mukha niya at bumalik sa usual mood.

"Bilisan mo na diyan. At kumain na tayo. Malapit ng mag alas dose."

Sabi nito at lumabas. Muntik na talaga yun!! Kinuha ko yung mga nakakalat na papel. It was written a full hangul. Na amaze ako. Why the hell did he throw this? These works are pretty good. And..... sad~
Plano ko sanang magtago ng papel kaso wala yung bag ko. Total tinatapon niya na eh kaso wala talaga ang bag ko kaya nilagay ko nalang sa basurahan. Kinuha ko ulit.

"Gosh! Ava! Ba't mo itatapon eh gawa yan ni Yoongi!"

Tapos pinasok ko ulit yung papel.

"My gosh Ava yung ibang fans nga e gusto makita yung mga gawa ni Yoongi tapos ikaw tinatapon mo lang! Nababaliw na ako! Oo baliw kana kasi tinatapon mo yung gawa ni Yoongi!"

Omg baliw na ako nagsasalitang mag isa! Sorry ARMY's wala talaga eh tatapon ko nalang.

"Huhuhu patawad papel."

Wala tapos na pagdadrama ko. Tumayo ako na dala yung basura at clothes basket. Napatingin ako sa unang desk. Seokjin's desk. Ang daming polariod pictures. He really like taking pictures and hell pwedeng pang instagram ito.

Lumabas na ako ng room. Nakalimutan ko saan nga ba yung laundry room? Makapagtanong nga sa dalawa. Kung ganito ang gagawin ko araw-araw aba hindi ako tatanggi. Payag akong maging katulong ng Bangtan.

"Ah ano? Saan yung laundry room?"

Napatingin yung dalawa sa akin. Tumayo si JHope.

"Wag ka na tumayo. Ituro mo nalang kung saan."

Sabi ko. Ngumiti ito.

"Hyung. Punta mo na akong laundry room."

Tumango lamang si Yoongi.

"Manager-nim ang tagal mo naman. Hinihintay ka namin ni Hyung."

Napalaki ang mata ko.

"Hah! You don't have to wait- i mean. Wag niyo na akong hintayin. Sana kumain nalang kayo."

Kinuha ni JHope yung garbage na dala ko. Sinundan ko siya.

"Ayaw kasi ni Hyung na may naiiwan kapag kumakain."

Wow. Yoongi nagreincarnate na yung nag iistan sayo. Nangnakarating kami sa pintuan binuksan ito ni JHope.

"Ang lamig."

Napatingin si JHope. Itatapon niya ata sa labas yung basura.

"Dito ka nalang. Wag kanang lumabas."

Sabi nito sabay ngiti at lumabas. OMG JUNG HOSEOK fans. Iwan ko nalang sa inyo kung nabulag na ba kayo dahil sa isang sunshine na ito. Indeed a sunshine kahit malamig nararamdaman ko pa rin ang init niya sa pamamagitan ng pagngiti niya.

"Bilisan mo! Baka siponin ka!"

Sigaw ko sa labas. Nagmadali itong pumasok at agad kung sinirado yung pintuan.

"Ang lamig talaga. Tara na Manager-nim."

Tumango ako. Sinundan ulit siya. Natanaw ko ang isang glass door.

"Ito na po yung laundry."

"Salamat."

Tumango ito at binuksan ang glass door. May ilang washing machines at dryer.

"Bumalik kana sa kusina ako na ang bahala dito."

"Hindi na sabay na tayong lumabas. Ilalagay mo lang naman yan sa washing eh tapos babalikan mo lang mamaya."

A gentleman~~

Binuksan niya ang washing ng may biglang tumayo!

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Sigaw naming dalawa. Pang ilang beses ba talaga akong magugulat. Baka sa susunod mamamatay na na ako!

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now