Hahawakan ko sana siya ng biglang umangat ang gilid ng labi niya. Binaba ko ang kamay ko. Sarkastiko itong tumingin sa akin.
"Pabalik balik ako sa apartment mo noon. Akala ko babalik kapa. Halos mabaliw na ako kakahanap sayo noon. Tapos ngayon makikita kitang may pamilya."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Galit itong tumingin sa akin. Napanga-nga ako.
"May kambal pa kayo."
Napa iling ako sa mga sinasabi niya. Hindi man lang ba siya magtaka kung bakit niya ito kamukha o ano. Hindi ko alam kong ano iniisip mo ngayon Jimin pero. Ang TANGA mo.
"Ang tanga mo."
Nagulat ito sa sinabi ko. Pero ngumiti rin ito agad. Yung hindi ko kilalang ngiti. Jimin? Asan na ba yung Jimin na kilala ko?
"Oo na ako na ang tanga. Naniwala ako sayo eh."
Sabi nito habang sarkastikong nakangiti. Hahawakan ko sana siya ng agad itong lumayo at tumingin sa portrait ko.
"Kung ihahawak mo lang naman yan sa iba wag mo nalang akong hawakan."
Tiningnan ko yung kamay ko at yumuko. Tumawa ito.
"Bakit nga ba ako naniwala sayo?"
Sabi nito at hinilamos ang kamay niya sa kanyang mukha.
"Dahil ba sa kanya? Kaya mo ako iniwan."
Napatingin ako sa kanya. Napaawang ang bibig ko.
"Jim-"
Tumingin ito sa akin.
"Ni hindi kita matingnan ng maayos. Hindi ko kasi masikmura kung gaan-"
Agad ko siyang sinampal. Nagulat ito sa ginawa ko. Napakagat ako ng labi. Ayaw na ayaw kong manakit ng tao Jimin. Naramdaman ko ang hapdi ng mga kamay ko. Tumingin ito sa akin tumaas ang gilid ng kanyang labi.
"Diyan ka naman magaling. Yung manakit. Hindi ko nga alam kung paano ka pinatawad ng iba."
Tumayo ito. Parang nanliit ako sa sinabi niya. Nasaktan ko ang buong Bangtan. Tumayo rin ako. Pinipigilan kong tumulo yung luha ko.
"Minsan ko ng hiniling na sana hindi na kita makita para naman hindi ako makasakit ng tao."
Sabi nito sabay tingin sa harapan. Nilagay niya sa kanyang bulsa ang kanyang kamay. Tumalikod na ito at naglakad na papuntang pool.
"Anak mo si Jihae at Minji!"
Pagsigaw ko napahagulhul na ako. Hindi ko kinaya. Ang bigat na kasi. Gulat itong tumingin sa akin pero agad din napalitan ng galit. Lumapit ito sa akin at mahigpit na hinawakan ang balikat ko.
"Wag na wag mong gagamitin ang anak mo laban sa akin. Minsan mo na kaming niloko ng buong Bangtan! Sa pagtatrabaho mo at pagiging ARMY mo! Ngayon magsisinungaling ka na naman."
Nagulat ako sa sinabi niya. Tatlong tao lamang ang may alam na isa akong ARMY. Nang makita ni Jimin na nahihirapan ako gulat niyang tinanggal ang kamay niya at tumingin sa harapan.
"Nakita ko yung notebook mo."
Tumingin ito sa akin. Namumula na yung mukha niya. May nakita akong luhang tumulo sa isa niyang mata. Dahilan para mapaiyak ako.
"Minahal mo lang ba ako dahil isa akong Bangtan?"
Sabi nito. Agad akong umiyak at umiling. Hahawakan ko sana siya sa mukha ng bigla itong umatras.
"Wag mo akong hahawakan kong may mahal kang iba."
Nanginginig yung mga labi niya habang sinasabi niya yun. Kinagat niya ito at tumingin sa taas. Pero agad ding tumingin sa akin.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan
FanfictionI love all of you I love your faces, personalities (on TV shows), your voices, and all of your songs. (Maybe i will love you more if i known each of you in person. Maybe? The reason why i wanted to meet each of you.) Been up all night to see all of...