"Jihaeee! Minjiiiii! Nakauwi na ako."
Napasilip kaming lahat sa kararating na si Jimin. Kumakain ako ng dinner kasama ang kambal. Inayos ko ang pagkain ni Minji bago tumayo para tingnan si Jimin na nasa sala.
"Minji eat properly."
Rinig kong sabi ni Jihae. Ginulo ko ang buhok nito bago naglakad papuntang sala.
"Jimin?"
May paang nakasabit sa sofa.
"Hmmm?"
Sagot nito. Napakunot ang noo ko at lumapit sa sofa. Nakahiga ito at yung balikat niya nakalagay sa kanyang mukha. Tanging ilong at bibig lamang ang nakikita ko sa kanya. He look so tired.
"Jimin kumain ka na ba?"
Tanong ko habang nakatayo sa gilid ng sofa. Umiling ito.
"Kumain ka muna."
Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
"Hindi na busog pa naman ako."Sabi nito. Lumapit ako sa kanya at umupo sa red carpet ko. Hinawakan ko ang buhok niya.
"Buong araw na naman ba kayong nagpraktis?"
"Madaling araw pa."
Aren't Bangtan being too harsh to theirselves? I mean it's not bad to practise but overworking is too much.
"Hindi ba kayo magkakasakit niyan?"Tanong ko. Hindi ito sumagot. Bangtan work too much!
"Jimin baka naman magkasakit kayo."
Kinuha nito ang kamay ko na nakalagay sa ulo niya at hinawakan. Tumingin ito sa akin habang nakahiga. Bigla itong ngumiti.
"Okay lang nandiyan ka naman para alagaan ako."
Sagot nito. Pinitik ko nga yung noo niya.
"Diba sinabi ko na sayo noon. Okay lang ang magpraktis pero pagnasobrahan na, suicide na yun!"
I don't like Bangtan being sick. Minsan na silang sinugod sa hospital at ayaw ko ng ganun.
"Ikaw lalaki ka! Minsan ka ng nagkasakit dahil sa kakapraktis mo."
"Malapit na kasi ang Fanmeeting kailangan naming magpraktis."
Napasapo ako sa sinabi niya.
"Kahit na. Sa tingin mo ba magugustuhan yan ng mga ARMYs? Each of you need to rest too."
Sabi ko. Tinanggal ko ang kamay ko at nagcrossed arms. Tiningnan ako nito at ngumiti.
"Yah~ kailangan naming galingan madaming manunuod na mga ARMYs. Yun lang ang paraan para mapasaya namin sila. Yung makapagperform kami ng maganda at masaya kasama sila. Kaya kailangan namin magpraktis ng maigi."
Sabi nito at kinuha ang kamay ko. Tiningnan ko siya.
"Mas magiging masaya ang ARMYs kung mabuti ang kalagayan niyo."
Nilagay niya yung mga hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. Jimin's hands are warm.
"Nag iingat naman kami. Nagpapahinga naman kami ng konti."
Sabi nito at ngumiti. Jimin actually have the angelic smile. He can melt ARMYs heart in just a second.
"Eomma we are done."
Biglang sulpot ni Jihae. Minsan may lahing kabuti nato. Parang si Jimin lang. Tumingin ito kay Jimin pagkatapos ay tumingin sa remote sabay kuha nito at on ng TV.
"Natatakot na ako minsan ni Jihae. Feeling ko alam niya ang lahat. Hindi naman ako ganyan noon."
Tumawa ako ng narinig kung bumulong si Jimin.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan
FanficI love all of you I love your faces, personalities (on TV shows), your voices, and all of your songs. (Maybe i will love you more if i known each of you in person. Maybe? The reason why i wanted to meet each of you.) Been up all night to see all of...