Bulletproof 31

178 11 0
                                    

"Ilang minuto nalang ba bago mag simula ang fansigning? Baka kasi mainip yung mga ARMY's sa labas at umalis."

Tanong ni Namjoon sa mga staff na nag reready ng mga sound system at iba pang gagamitin sa fansigning. Tumingin ako sa kanya, tinutulungan siya ng make-up artist na ayusin ang kanyang damit. Nginitian ko ito. Sinong ARMY's naman ang aalis? Lahat yata ng ARMY's gusto kayong makita kaya walang aalis at walang maiinip!

"We still have 15 minutes to start."

I patted his shoulder and smile.

"Hindi sila aalis. Don't worry. ARMY's will never leave."

Tiningnan niya ako ng ilang segundo bago ito dahan-dahang tumango. Namjoon think a lot and worries a lot! The good thing but I think not good at all (LOL), he thinks a lot about ARMY's and worries to them. Pano naman sarili niya?

"Ava!"

Nagulat ako sa biglang pagtawag ni Manager Joon. Simula kasi nung nagkasakit ako hindi na siya masyadong sumisigaw sa akin at kung may sasabihin man hindi ito tumitingin sa akin pero nandiyan pa rin yung pagsusungit kapag kaharap ako.

"Bakit po Manager Joon?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umismid.

"Tulungan mo si Jimin sa damit niya. Mukhang hindi yata pumasok yung bata. Ikaw na muna bahala sa isang yun."

"Opo Manager-nim."

Nagbow ako ng konti bago pumunta kung saan si Jimin. Napatawa ako ng makitang nagkukulitan sila ni Jungkook. Buntot talaga ni Jungkook tong si Jimin pero sorry siya buntot naman ni Taehyung si Jungkook.

"Bakit si Taehyung-ssi lang binigyan mo Kookie. Yah!"

Sumigaw si Jimin at tinuro si Taehyung na kanina pa siya iniinis kasi si Taehyung lang yung binibigyan ng pagkain. Bibigyan na sana ito ni Taehyung pero kinuha ito ni Jungkook at siya kumain. Nagtawanan silang dalawa at halatang enjoy na enjoy kakainis kay Jimin. Tumalikod si Jimin na masama ang mukha.

"Taehyung-ssi ayusin mo yang damit mo. Baka madumihan."

Lumapit ako at inayos ang damit nito.

"Ava-chi!"

Nginitian ko siya bago tiningnan si Jungkook na aakmang aalis. Hinawakan ko ang balikat niya. Huminto ito at hinay-hinay na tumingin sa akin. Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti. Tinaasan ko siya ng kilay at nginitian. Nilahad ko yung kamay ko.

"Promise wala akong dala."

Tiningnan ko siya ng maigi. Huminga ito ng malalim at binigay sa akin ang isang malaking buti ng nips. Nilagay ko ito sa isang mesa at kinuha ko ang tumbler niya na nakalagay doon. Binigay ko sa kanya ang tubig. Tamad pa niya itong kinuha at ininom.

"Kung kakain ka ng kakain dito sa loob pano nalang yung mga ibibigay ng fans?"

Kinuha ko yung panyo ko at pinunas ko ito sa may gilid ng labi niya.

"Kakainin ko pa rin. Ang sasarap kaya ng dala nila."

Tumawa ako sa sinabi niya. Ang takaw talaga ng isang to. Binaba ko na yung kamay ko. Napansin kung may pawis ang noo nito. Itataas ko na sana yung kamay ko ng may biglang humawak.

"Jimin?"

Tiningnan niya ako sandali bago tiningnan si Jungkook na nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo ko. May dala siyang tissue.

"Hyung ako na."

Sabi ni Jungkook. Okay Jimin want to wipe Jungkook sweat oh well. I crossed my arms and tilt my head while watching them. They are so cute.

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now