Bulletproof 23

161 13 0
                                    


"Ava Noona! May tumatawag sayo?"

Naputol yung kinakanta ko ng biglang sumingit si Jihyun habang ako'y nagluluto. Kinakaway nito ang cellphone ko sa harap.

"Pag yang phone ko nahulog sa kaldero ikaw ang isusunod ko."

Pagbabanta ko sa kanya. Tumawa lamang ito.

"Oh hawakan mo tong spatula. Akin na yan."

I give him the wooden spatula at kinuha sa kamay niya ang cellphone. Lumipat naman siya ng pwesto ko lumayo ako palabas ng kusina. Nang nakita ko ang pangalan ni Manager Kim nagtaka ako.

"Hindi naman tumatawag si Mr. Kim pag day off ah."

Nanlaki ang mata ko ng nakaisip ako na sana ay hindi maging totoo. Agad kung sinagot.

"Bakit Manager Kim?! May nangyari sa Bangtan?!"

Nakarinig ako ng tawa sa cellphone. Napahinga ako ng maluwag.

"Ano ba nangyayari sayo? Napaparanoid ka na dahil sa Bangtan."

Sabi ni Manager-nim habang tumatawa. Pero grabe ah ang ingay ng background niya.

"Yah!! Hindi ka naman kasi tumatawag tuwing day off!"

Nakarinig ulit ako ng tawa pero grabe ang ingay talaga ng background niya. Nasa playground ba siya o saan?

"Puntahan mo ako dito Ava-chi. May ipapalinis ako."

Wait what? Bakit ako?

"Hah sa pagkakaalam ko Manager-nim hindi po ako janitor isa po akong Manager."

Tumawa ulit ito kaya napataas na kilay ko. Ano na naman plano nito? Muntik na nga akong maisahan nito. One time nagpabili ito sa akin ng pizza at ipadala daw sa Bangtan, nung napansin kung senend niya rin sa akin ang address nagtaka ako eh kasi alam naman niyang alam ko ang address. Kaya nung pagkabasa ko ng address iba ito sa Bangtan kaya tinawagan ko na siya at ito lamang bulaga niya sa akin "Nasaan na ang pizza ko?" see? Muntik na kaya ikaw Ava wag kang ano diyan.

"Ayaw mo? Tatawagan ko si BangPD-nim at sasabihin kong may alien na naka pasok sa kompanya. Maliban kay Taehyung."

Nanginig ang labi ko dahil wala akong masagot pabalik. Alas talaga niya yan.

"At alam ko rin magugustuhan mo dito. *Jin-hyung! Si Taehyung-hyung ayaw umalis sa washing! Diba sinabi ko sa inyong maglinis na kayo! Ba't ang gulo pa rin?!* Nagkakagulo na dito."

Napa nga-nga ako ng marinig ang boses ni Jungkook at Jin sa background. SO IBIGSABIHIN!

"SA BANGTAN AKO MAGLILINIS?"

Tanong ko. Agad na tumawa si Manager Kim. Basta sa bahay ng Bangtan okay lang.

"Oo kaya bilisan mo na diyan. Punta ka dito 9-"

"Ava Corelle nasusunog na yung pagkain!"

Napatingin ako sa kusina minsan tinatawag ako ni Jihyun kapag may nagawa siyang mali nang makita kung umuusok na yung lugar. Nabitawan ko ang phone ko at agad na tumakbo sa kusina at nakita ko si Jihyun na pinapaypayan yung kaldero. Ottokae? Susunugin yata ng batang to ang apartment ko!

"Jihyun! Alis baka mapaso ka!"

Dali-dali akong kumuha ng basahan at binasa ito. Kinuha ang kaldero at nilagay sa sink at binasa ito ng tubig. Narinig kung huminga ng malalim si Jihyun kaya napatingin ako. Napataas ang kilay ko ng makita itong kumakain ng nalutong ulam. Nilagay niya pabalik yung pagkain ng makitang nakatingin ako at ngumiti ng pilit.

"AHAHA gutom na kasi ako."

Huminga ako ng malalim. Wag palulutuin si Jihyun!

"Sige kumain kana."

The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now