Pinasok ko muna sa backpack ang camera ko bago tumakbo kung saan ang mga staff. Since kami ang nag aayos nito alam ko talaga kung saan sila. Habang tumatakbo ako lumalabas naman ang ibang Managers at yung mga tauhan naming kinuha. Maglilinis na yata. Nagtaka ako kasi parang normal lang naman yung mga tao. Ano ba ang ibig sabihin ni Rin? Akala ko ba magkakagulo dito.
"Si Mr. Kim."
Kinabahan ako bigla. May nagawa bang kasalanan yung tatay na yun? Hindi naman yun nagkakamali eh.
"Ava-chi!"
Napahinto ako bigla at tumingin sa likod. Ni hindi ko namalayan nalagpasan ko ang Bangtan. Tinaas ko ang kamay ko habang yung isang kamay nasa dibdib ko hinihingal kasi ako.
"Good lu-i mean congratulation boys!"
Sigaw ko bago tumalikod at tumakbo. Bakit good luck yung sinasabi ko? Humina ang pagtakbo ko ng makita si Rin sa labas ng isang room. Tinapik ko siya.
"Ano ang-"
"Shhhhh"
Sabi nito at nilagay ang kamay niya sa labi. Sumilip ako sa room. Agad nanlaki ang mata ko. Hindi para sa Bangtan ang Good Luck kondi kay Gio!!
"Ano ginagawa mo Gio?"
Bulong ko. Ano to korean drama? Pahinging popcorn! Yung scene kasi nakahawak si Gio sa kabilang kamay ni Manager Joon at sa kabila naman si Manager Kim. Yung mukha ni Manager Joon parang naiinis at pilit na kumawala sa kanila. Ang iniisip ko si Gio susme kompara sa katawan ni Manager Kim maliit talaga siya! Napailing ako.
"Gio-"
Naputol ang sasabihin ko ng may biglang humawak sa kamay ko.
"Ano ba Rin? Kailangan kong pigilan sila. Baka magkagulo. Bitawan mo ko."
Bulong ko kay Rin na katabi ko.
"Huh?"
Yung mukha niya nagtatanong. Tiningnan niya kamay niya. Wait? Kamay niya? Napatingin ako sa humawak ng kamay ko.
"Jimin? Anong- a-ano ang ginagawa niyo rito?"
Hindi lang si Jimin ang nandito kondi ang buong Bangtan. And take note tumatawa sila. Pinagtatawanan nila ako. Lalo na si Jimin na namumula na kakapigil.
"Shhhhhhh"
Saway ulit ni Rin at tumingin ulit. Seryoso tinawag niya lang ata ako para makinig dito. Tumingin ulit ako. Nakahawak pa rin sila kay Manager Joon habang nagsusukatan ng titig si Manager Kim at Gio.
"Rin feeling ko may kuryenteng lumalabas sa mga mata nila."
"Oo nga Unnie."
Nagulat ako ng biglang humigpit ang hawak ng kamay ko. Napatingin ako. Pilit na sumisingit ang Bangtan kung ano ang tinitingnan namin. Pano kung magkagulo dito madadamay sila!
"Ano ba ang ginagawa niyo dito?"
Bulong ko. Napahinto sila kakapilit sumingit makita lang ang tinitingnan namin.
"Ano ba kasi tinitingnan niyo?"
Tanong ni Jimin. Pilit kong tinatanggal yung kamay ko yung hindi napapansin nila. Anong trip nitong Jimin? Namamawis kamay ko! Tumigil ka!
"Si Manager Kim at Manager Joon-"
Agad nila kaming tinulak ni Rin at pinalitan kami sa pwesto. Ah Jimin mababali na yung kamay ko. Nang natanggal ko na yung kamay ko agad ko itong tinago sa likod. Napansin kong yung isang kamay ni Jimin nakahawak sa kamay Taehyung. Cute! Mga ilang segundo bago sila umalis sa pwesto namin habang tumatango.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan
FanficI love all of you I love your faces, personalities (on TV shows), your voices, and all of your songs. (Maybe i will love you more if i known each of you in person. Maybe? The reason why i wanted to meet each of you.) Been up all night to see all of...