Chapter 44: Boundaries.

133 11 21
                                        

M I K A E L

Hingal na hingal ako ngayon dito sa sulok na pinagtataguan ko dahil sa babaeng 'yon.

T*ngina kasi bakit ba ang gwapo ko.

Sumilip ako at nakitang wala ng tao sa hallway.

Kanina pa kasi class dismiss at sigurado akong kanina pa ako hinahanap sa rhythm club. Ang kaso, kanina pa ako hinahabol nung lower year na 'yon.

"Yes." Bulong ko dahil mukhang natakasan ko na ang makulit na 'yon.

Kung ako ba dati pa n'ya in-approach, sana hindi ko s'ya tinakbuhan. Iba na kasi ngayon.

Loyal na ako ngayon.

Minsan talaga nagsasawa na ako sa gwapong buhay eh. Nakakapagod kaya tumakbo.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman kong may tao sa likod ko.

Wag naman sana.

Dahan-dahan akong napalingon at nang makita ko kung sino ang nasa likod ko, napalunok na lang ako.

"He-he-he.." ako.

"Hi hi hi.." s'ya.

"A-ah.. AHHHHHHHHHHH!!"

Agad akong kumaripas ng takbo at gano'n din s'ya.

Takte, ano ba 'tong babae na 'to!

Naiintindihan ko na ang gwapo ko pero wala ba talaga s'yang balak na tumigil?! Kasi ako pagod na pagod na ako tumakbo!

Kanina pa nga ako nagmumura sa isip ko.

"Mikael beybe weyt for meh!!!!"

Lalong bumilis ang takbo ko nang marinig ko ang sinabi n'ya.

Beybe!? Wtf!

"Tumigil ka na!" Sigaw ko pabalik habang tumatakbo.

"WALANG MAKALAPIGIL SA 'TIN!" Sigaw n'ya naman na nakapagpangiwi sa 'kin.

Kami lang ni myloves ko ang para sa isa't isa!

Speaking of myloves.

Agad akong tumakbo sa direksyon ni Riye nang makita ko s'ya. Nakakunot ang noo n'ya habang nakatingin sa 'kin na tumatakbo na parang siraulo.

"MYLOVES!! TULONG!!!!" Sigaw ko habang papalapit sa kanya.

"B-bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong n'ya.

Hingal na hingal akong nakarating sa pwesto ni Riye.

"MIKAEL KO!"

Halos mamutla ako nang marinig ko ang sigaw na 'yon at agad na nagtago sa likod ni Riye.

"M-myloves.." bulong ko sa likod n'ya.

"Sino ka?" Tanong nung babae na runner kay Riye.

Magkaharap sila ngayon habang ako nakatago sa likod ni Riye at nanginginig ang tuhod.

Sa lahat naman kasi ng babae 'yang babae na 'yan ang kinakatakutan ko dahil napaka-creepy n'ya!

Aminin ba naman sa 'kin na s'ya ang nagnakaw ng boxer ko sa locker ko! Favorite ko pa naman 'yon!

"I'm his Girlfriend." Plain na sagot ni Riye.

kinikilig ako.

"Mikael." Tawag ni Riye kaya agad akong lumabas sa likod n'ya at tumabi sa kanya.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon