T A I R I S H
M A M A R I E"Hindi mo pwede kunin sa'min si Tairish, Papa!"
Napatigil ako sa pagbaba nang marinig ko ang sigaw na 'yon ni Kuya.
Ako nanaman ang dahilan ng pagtatalo nila.
Ilang araw ko na naririnig si Kuya sa kwarto n'ya tungkol sa pagco-college ko. Ang gusto kasi ni Papa pagkatapos ng graduation ko sa Castillones Academy, doon na ako mag-aral ng college sa kanya kasama ang bago n'yang pamilya.
Hindi pwede, at ayoko.
Ayokong iwan si Mama at Kuya, pati narin ang mga kaibigan ko.
Pati na si Kurt.
Hindi ko rin kaya na makisama sa pamilya n'ya.
Hindi na ako nakinig pa sa pinag-uusapan nila at nagmadaling bumaba.
Ngayon na ang huling araw ng practice namin para sa event. Buong araw naman kaming excuse ngayon dahil doon.
Napangiti nalang ako habang naglalakad palabas ng subdivision. Ihahatid sana ako ni Kuya kaso mukhang seryoso ang pakikipag-usap n'ya kay Papa kaya nagpasya ako na mag-bus nalang. 'yon naman ang palagi kong ginagawa.
Naiisip ko rin minsan kung anong mangyayari sa'kin kung sasama ako kay Papa. Wala akong kilala doon. Walang kaibigan, walang kuya Brian, walang Mama at..,
Walang Kurt.
Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko na may sumusunod sa'kin. Lumingon ako pero wala naman akong nakita.
Napagtuloy ako ulit pero ramdam ko talaga na may nakasunod kaya mabilis akong huminto at lumingon.
Hindi ko alam kung maasar ako o matatawa sa nakikita ko ngayon.
Nagtago nga sa puno kita naman 'yung bag.
Ang galing talaga.
"Lumabas kana."
Dahan-dahan na lumabas si Kurt sa likod ng puno habang naka-peace sign at suot ang rectangle smile n'ya.
"Sabi ko sa school nalang tayo magkita!"
Patakbo s'yang lumapit sa'kin at ngumiti sa harap ko.
Dinadaan n'ya ako sa ngiti n'ya dahil alam n'yang nawawala ang inis ko kapag ngumingiti s'ya ng ganyan.
"Ngiti ka pa d'yan."
"Kasi.. gusto ko mag bus ngayon! Bakit akala mo pinuntahan talaga kita?"
Nagkipagtalo pa daw.
"Bakit, sino ba pupuntahan mo dito, si Ryoken?"
Si Ryoken lang naman kasi ang taga dito na kilala n'ya.
"A-ah.. siguro?"
Ano ba namang sagot 'yan, Kurt Ruzzle Javier.
"Oo sige, naniniwala na ako." Natatawang sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Fiksi RemajaKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...