After the wedding

121K 1.9K 62
                                    

Ng matapos ang seremonyas ng aming kasal kuno or let me say kasal-kasalan. Kasi sa pagkaka-alam ko ang kasal, para lang sa mga taong nagmamahalan, hindi sa mga taong nagmamahal-mahalan.

Na mahal ka sa harap ng mga magulang niyo, pero pag nakatalikod mas masahol pa sa hayop ang pagtrato sayo haay!

Di ko namalayan na nasa harap na ako ng aming bahay. "Salamat, manong." At bumaba na.

Pagdating ko sa loob naligo agad ako at nagbihis, nang makapagluto na para sa asawa ko. Napangiti nalang ako sa naisip, ngunit di ko paring maiwasang di malungkot, sa dahilang ako nga lang pala yung nagpapaka-asawa dito.

"Ano bang pwedeng lutuin, hmm?"
Tanong ko sa sarili ko.

"Ay, ma'am! Ako na po dyan."

"Ay kabayo!" Di ko mapigilang magulat, may tao pala dito!

"Manang naman! Magkakasakit po ako sa puso sa inyo eh!" Natatawa kong sabi.

"Sorry po, ma'am." Paumanhin niya. "Ay, nako! Okay lang po manang, tulungan nyo nalang po akong mag-luto, ano bang paboritong ulam ni Rod?"

"Ahh ehh ma'am! Wala namang pong pili sa ulam si sir eh. Kaya ayos lang kahit ano." Saad niya.

"Sige. Much better kung simple lang manang, like adobo." Kasi di naman daw siya mapili sa ulam, next time nalang ako magluluto ng iba.

"Ay sige po, ma'am." At nag prepare na siya ng mga ingredients. "Ma'am ako nalang po dito, magpahinga na ho kayo." Saad niya pa. Hmmm kung sabagay may point siya.

"Sige po, manang. Tawagin nyo po ako pag andyan na si Rod."

"Sge po ma'am."

Paakyat na ako ng hagdan ng may marinig akong sasakyan na parating! "Is it rod?" Habang dumudungaw sa bintana, and dang! Siya nga...

May kasamang babae... and worst  nagtatawanan pa sila..

Waffa Kaye Guiverra.. his wife..

Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon