Kahit nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit ko paring makatayo para pumanhik, gusto ko nalang magkulong sa kwarto ko, ngayon at bukas.
Napa buntong hininga nalang ako habang tuloy-tuloy na lumalandas ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, parang masyadong maliit na yung bahay na to para saming tatlo.
Kung pwede ko lang siyang iwan, ginawa ko na. Pero hindi pwede eh, lalo na sa sitwasyon ngayon.
Kahit alam kong hindi niya naman ako kailangan, mananatili ako sa tabi niya. Kahit bilang kaibigang masasandalan niya man lang. Kasi kahit papano, bahagi siya ng buhay ko.
Hindi sapat ang dahilan na mahal mo ang isang tao, para mahalin ka din niya pabalik..
Hindi fairy tale ang kwento ng buhay namin, nasa realidad kami.
At lalong hindi kwento sa wattpad ang storya namin. Yung tipong hindi ka mahal sa una, pero kayo ang magmamahalan sa huli. Masyadong malabo mangyare yun sa sitwasyon namin.
Matagal na akong aware sa bagay na yan, kaya wala na akong balak ipilit pa ang sarili ko sa taong hindi naman ako ang mahal.
Si Sam, napaka swerte niya. Siya ang mahal ng taong mahal ko, kaya sana kung ano man ang plano niya itigil niya na.
Kung sakaling maging sila man, wala akong gagawin. Hindi ako mang-gugulo kaya bakit? Bakit kailangan niyang gawin yun? Bakit kailangan niyang mag-sinungaling?
At ang masakit pa dun, yung pilit kang nag papaliwanag pero wala siyang pakialam dun. Ni ayaw niyang pakinggan ang side ko.
Ganon nga talaga siya siguro mag mahal. Napaka-protective niya kay Sam. Yung tipong sarado na yung dalawang tenga niya para makinig sa paliwanag ng iba, kahit may naagrabyado na siya.
Wala e, ganon niya kamahal. Yung umaabot na siya sa puntong nagbubulag-bulagan. Well, siguro nga pareho kami.
Ako sa kanya..
Siya kay Sam..
Yung sakin, hindi ko naman siya matatawag na pa bulag-bulagan kasi may pinapanindigan akong pangako.
Pangako ko sa mga magulang niya...
"Hija, habang wala pa kami. Ikaw muna ang bahala sa anak namin ah? Hanggat hindi pa kami nakakabalik. Kilala mo naman yan."
"Huh? Bakit san po kayo pupunta?" Takang tanong ko.
"Kailangan namin lumabas ng bansa para sa heart surgery ng Mr. Ko, may tiwala ako sayo, kaya sana kahit anong mangyare. Manatili ka sa tabi niya."
"Opo, pangako po." Pero hindi ko to ginagawa ginagawa dahil sa pangako, ginagawa ko to kasi mahal ko siya.
Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yun. Ang tanging alam niya lang ay yung tungkol sa Heart surgery ng Daddy niya.
At kahit malaman niya ang tungkol sa bagay na yun. Hindi magbabago ang katotohanang si Samantha parin ang mahal niya, at mamahalin niya.
Hindi naman ganon kahirap magmahal.
Wag mo lang mahalin yung mahal ng iba.
Pero pano pag ang mahal mo ay may mahal ng iba?
Do everything to make him/her fall for you? Pero pano? If you do that 'Everything' hindi mag work out? Kulang parin?
Pag hindi nag work-out minsan ang iba nagiging mas desperada, may maninira ng buhay and lastly, yung mga taong nagpaparaya, mga taong marunong umintindi ng sitwasyon kahit gaano pa ito kasakit sa kanila.
And i must say, isa ako dun. Alam namin kung hanggang saan lang kami, pero hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na mahalin siya bawat paglipas ng araw.
Patuloy ko siyang minamahal, pero ito ay patago, dahil wala akong balak manira o sirain ang relasyon nila.
Anytime soon, babalik na ang parents niya at ipapakilala niya na si Sam bilang magiging asawa niya, eventhough kilala naman siya ng parents ni Rod, but hindi ko alam kung bakit ayaw sa kanya ng parents ni Rod.
Oo, sakin pabor ang mga magulang niya. Masaya ako dun pero sa ngayon hindi ko magawang magsaya lalo na sa ganitong sitwasyon.
Maybe next month dadating na yung annulment papers, at wala akong magagawa dun kundi pirmahan. And after that i'm no longer his wife.
After all he never treated me like one.
Hinanda ko na ang sarili ko para sa bagay na yun, pero hindi ko alam ang magiging reaction ko pag mismong nasa harap ko na to.
Likas na sa tao ang magsabi ng mga ganyang bagay, katulad ng 'kaya ko na' 'Hinanda ko na ang sarili ko para dito' but in the end masasabi mo nalang na 'Akala ko kaya ko na, akala ko handa na ako pero masakit parin pala'
In this world full of, what if's
What if i let him go?
What if i set him free?
That's L.IF.E there's an IF in the center of it.
Mahirap maging Option, pero mas mahirap kung walang option, nah just kidding. At nagawa ko pa talagang magbiro sa ganitong sitwasyon.
Nagpasya na kong isarado ang bintana, para matulog na, dahil may schedule ako bukas para sa check-up.
Hindi ko namamalayan na magte-three months na pala akong buntis, siguro nga ng dahil sa mga nangyayare.I feel so excited for my check-up tomorrow, dun ko na malalaman kong kambal nga ba ang anak ko.
Kaya nagpasya na akong humiga, at matulog.
I hope someday, everything will fall into places....

BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomanceLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)