Unknown

63.5K 1K 214
                                    

3rd Person

"Hello babe, please go home. I badly need you right now." Saad ni Samantha sa kabilang linya, agad namang umalis si Rodleigh sa Bar upang makauwi at malaman kong anong nangyari sa mahal niya.

'Fvck! Sana walang masamang mangyari sa kanya at sa anak namin, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nag-kataon.' Sa isip-isip niya, halos magkan-daugaga siya sa pag lakad-takbo tungong parking lot, ni hindi niya nga namalayang bitbit niya pa din pala ang brown envelope, his mind is pre-occupied on Samantha.




Iniisip niya pa lang na may nangyaring masama dito hindi niya na kaya. Habang nagdi-drive siya pauwi tungong bahay niya, nag-iingay ang sasakyan niya sa kalsada sa pagbubusina dahil sa traffic.



'I need to go home quickly!' Yun lamang ang tanging nasa isip niya.
Kung anong dami ng pagbubusina niya sa mga sasakyang nasa unahan niya, ganon din karaming mura ang lumalabas sa bibig niya.

Hindi niya mapigilang mag-alala ng sobra dahil ngayon lang nag-kaganito si Samantha. Ayaw na ayaw niya sa lahat ay umiyak yung taong mahal niya, kaya kung pwede niyang akuin ang hinanakit ngayon ni Sam gagawin niya, ganon niya kamahal yun.


Hindi niya alam kung bababa ba siya o ano, dahil sobrang haba pa nang traffic. Halos hindi siya makapag-isip ng maayos sa sobrang taranta. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang makauwi na agad. Kaya wala siyang choice kundi ang bumaba sa sasakyan niya at mag-lakad tungong bahay nila.

Hindi niya inisip ang layo ng lalakarin, pati narin ang sasakyang iniwan niya sa gitna nang kalsada. Well, sino ba ang niloko natin? Eh isa siyang samonte. He can afford anything, barya lang sa kanya yun.


He is a successful business man, sa sobrang successful niya pwede na siyang tumigil sa pagta-trabaho pero pinili niya parin ito para pampalipas oras, at upang dito mabaling ang atensyon niya nung nga panahong nag-hiwalay sila ni Samantha.

Feeling niya, lugmok na lugmok siya nang mga panahong iyon, He feels like a living dead lalo na't nalaman niyang may babaeng desperada na gusto siyang pakasalan at agad namang pumayag ang mga magulang niya.

He feels like a worthless man living in this cruel universe.


Dire-diretso lang ang lakad niya, ni hindi niya inaalala ang mga daang tinatahak, basta kung saan may espasyo na pwedeng daanan dun siya dadaan. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad without minding the beeps of the cars on his back, lalo na't nag-umpisa na itong umusad.


Ni hindi niya pinansin ang mga mura sa kanya ng mga taong nasa loob ng sasakyan. Handa siyang mag-sakripisyo para sa taong mahal niya kahit pa buhay niya ang magiging kapalit nito.


"Ah! Sh*t! Sh*t!" Nag-aalburoto niyang saad habang nag-lalakad, dahil kung saan medyo malayo-layo na ang nilakad niya dun din nag-simulang umusad ang traffic. Napahilamos siya sa mukha niya, ngunit hindi parin siya tumitigil sa paglalakad. Alam niya kung gano ito kalayong lakarin kaya sobrang inis niya.




Kung hindi niya lang iniwan ang sasakyan niya sa gitna ng kalsada, marahil andun na siya within 30 minutes. O baka hindi nga abutin sa sobra niyang taranta at pag-aalala. Ngayong buwan pa naman ang due date niya but hindi pa naman alam kung kelan.



Pag dumating siya sa bahay nila, may balak naman siyang dalhin kaagad ito sa hospital at hintayin ang pagle-labor nito doon. Medyo kumalma naman ang sistema niya at napalitan ito ng tuwa at excitement nang maalala ang paglabas ng anak nila, pero hindi niya maikaila ang pag-aalala dahil medyo maselan ang pag-bubuntis ni Sam.



Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon