Home

71.5K 1.2K 7
                                        

Nang makauwi ako sa mansyon, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko para maligo, hindi ako pwedeng magbabad sa basang damit dulot ng ulan. Nagulat sila sa biglaang pag-uwi ko, tinanong nila ako kung bakit ngunit hindi ko muna sila sinagot.

I'm not yet ready to open up that topic, kung sino man ang unang makakaalam ng tungkol sa nangyari samin ni Rod. Yun ay sina Mom and Dad.

Pagtapos kong maligo, nagpasya muna akong dumito sa kwarto ko para magpatuyo ng buhok. Sobrang lakas parin ng ulan sa labas may bagyo siguro. Habang nagsusuklay ako ng buhok ko, naglalakbay ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kela Mom and Dad, i don't know where to start.

I know Mom and Dad would understand me. Pero alam kong mag-aalala sila sa kalagayan ko, napaka-protective pa naman nila sakin. Only child kasi ako.

Inalis ko muna sa utak ko ang mga iniisip bago nagpasyang bumaba. As far as i know, i'm here to have a peaceful mind. At para magpahinga, pero ito parin ako naglalayag ang isip kung saan-saan.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng gatas sa ref at uminom, pero nagtaka ako ng wala akong makita, napakunot-noo ako.

"Manang? Wala po ba kayong ini-stock na gatas dito?" Tanong ko habang busy sa pagkalkal ng laman ng ref.

"Ay, hija. Simula kasi ng umalis ka, hindi na kami bumibili ng gatas kasi wala namang iinom. Gusto mo ba mag pabili ako?" Nakangiting usal ni Manang Lily.

Holy cow! Bakit ko ba nakalimutan na  nasa bahay na ako at wala sa bahay ni Rod? Sheesshh! Kailangan kong mag-grocery bukas. I'm gonna call Precious to accompany me, well kung pwede siya.

"Ay, Manang. Thanks nalang po, mag-gogrocery nalang po ako bukas." Naiilang kong baling kay Manang.

"Ha eh? Sinong kasama mo hija? Kaya mo pa ba? Masyadong malaki na ang tyan mo. Mag-iingat ka sa mga galaw mo." Aniya habang hinahaplos ang tyan ko at sinusuri ito. Nagtataka siguro kong bakit ang laki, napahagikhik ako.

"Oo naman po Manang, tsaka i'll try to contact Precious later if available po siya, sa kanya po ako magpapasama. And uh Manang, nagtataka po ba kayo kong bakit parang malaki ako magbuntis?" Nakangiti kong usal habang hinahaplos ang tyan ko.

"I'm having a triplets po!" Masiglang saad ko habang pumapalakpak.
"Wow! Napaka-gandang balita naman nyan hija? Alam na ba nang Mommy at Daddy mo na nagkakaroon ka ng triplets?" Well i can't recall if i already told them that i'm having a triplets.

"Hindi po ako sure kung nasabi ko ba sa kanila ang bagay na to, pero they knew that i'm preggy." Saad ko.

"Nakaka-excite naman hija, ilang buwan na ba ang tyan mo? At kelan ka manganganak?"

"Yay! Saktong December po, Month of april i got pregnant." While caressing my tummy. "But manang, i've got this feeling, na anytime soon parang manganganak na po ako. Madalas po kasi nakakaramdam na ako ng pananakit ng tyan, i don't know why but it's like parang mamamatay ako sa sobrang sakit." Sana naman normal lang to, at hindi maapektuhan ang mga anak ko, dahil hindi ko kakayanin.

"Hindi ko alam ang sasabihin hija, alam mo naman na wala kaming experience dyan diba? Tumanda lang kaming dalaga. Pero ipagdasal nalang natin na mailabas mo sila ng maayos, at walang mangyari sa kanila." Nakangiting saad ni Manang habang hawak ang nga kabila kong balikat, kahit papano nakaramdam ako ng ginhawa.

"Salamat po." At nginitian ko siya.
"Manang alam nyo po ba kung kelan uuwi sila Mommy?" Tanong ko.
"Ayy hija, nakalimutan kong sabihin sayo, mamaya pala ang dating ng parents mo, mga 5pm." Saad ni Manang habang naghuhugas ng kung ano.

"Ah Manang." Tawag ko sa kanya. "Bakit hija? May kailangan ka ba?" Actually meron i need their help.
"Ah opo, manang. Anyways nasan po sila Manang Cherry, Nanay Pacita, Si Manong at ang iba nyo pa pong kasamahan?" Saad ko, hindi ko mapigilang mapangiti.

"Ah, baka nasa kani-kanilang tulugan hija? Alam mo naman masarap matulog dahil sa lakas ng ulan." Usal niya habang nagpupunas ng kamay palapit sakin.

"Ah, Manang? Can you check them? Kung gising pa po ba sila? Patawag naman po oh? I need your help po." Saad ko with matching puppy eyes.

"Sus, nagpa-cute pa." Natatawang saad ni Manang habang ginugulo ang buhok ko. "O siya sige, hintayin mo kami dito." Napangiti naman ako. Kahit papano nakaramdam ulit ako ng saya.

Maya-maya nagsidatingan na sila. Binigyan ko naman agad sila ng isang matamis na ngiti. "I miss you Manang's Nanay Pacita at Manong!" While my arms is wide open, niyakap naman sila ako isa-isa. "Nako hija, buti napag-pasyaan mo munang umuwi kahit saglit." Saad ni Nanay Pacita. Napakunot-noo naman ako. Oh hindi pa pala nila alam.

"I have a goodnews po!" Masigla kong saad. "I'm staying here for good!" Nanlaki naman ang mga mata nila sa sobrang tuwa. "Totoo ba yan hija?" Mangiyak-ngiyak na usal nila, napahagikhik naman ako sa tawa. "Opo, so gusto ko po sanang magpatulong sa inyo. To surprise my parents, mamaya daw po kasi ang dating nila dito." Miss na miss ko na sila, kaya kahit papano gusto ko silang pasayahin sa paraang alam at gusto ko.

"Oo, naman hija! Alam kong matutuwa talaga dito ang parents mo." Nakangiting saad nila. Madaling maka-apprecite ng efforts sila Mommy, that's why i don't have to worry about.

Nagplano lang kaming mag-luto ng iba't-ibang dishes, and ofcourse nandun yung mga favorite food nila.
At ako? Ito nakatunganga sa kanila, nanonood sa mga ginagawa nila. They don't want me to help, baka daw mapano ako, kaya i ended up watching them.

Nang matapos silang magluto, inayos nila ang lamesa. Ilang oras din ang tinagal ng pagluluto nila, kaya napatingin ako sa wrist watch ko. Omoo! It's quarter to five!

"Manang, it's quarter to five! Let's dress up. I'm gonna change my clothes, kayo din po. Stop wearing those uniforms." Sigaw ko, dahil nasa sala na ako.

"Sige hija, mauna ka na." Sigaw nila pabalik, kaya umakyat na ako para magbihis. Ang plano namin ay gugulatin namin sila sa may pintuan. Mauuna sila Manang, bago ako.

Nang makapagbihis, nagpasya na akong bumaba, nagsuot lang ako ng isang simpleng bestida na kulay asul at flat shoes. Akmang uupo na ako sa sofa ng biglang may paparating na sasakyan, It must Mom and Dad. Kaya dali-dali naman akong tumungo sa likod ng pintuan kasama sila Manang.

Dinig na dinig namin ang tunog ng heels ni Mommy papalapit sa bahay. I badly want to hug them. Naalarma kami ng pinihit nila ang Doorknob.

"Manang, magbilang po kayo hanggang tatlo."

"Sige, okay. 1, 2, 3. Surprise!!!" Sigaw nila Manang. Natawa naman sila Mom and Dad, ngunit di pa nila ako nakikita dahil nasa sulok ako ng pintuan. Sinenyasan naman kaagad ako ni Manang na lumabas na, kaya huminga ako ng malalim. At unti-unting naglakad patungo sa kanila.

"Welcome home! Mommy, Daddy." Naluluha kong saad papunta sa kanila. Nanlaki naman ang mata nila ng makita ako.

"My Princess/My Baby!" Sabay na saad nila. Habang niyayakap ako.
"I miss you so much, Mom and Dad!" Nakayakap kong saad sa kanila.

"We missed you too, anak." Habang hinahalikan nila ako sa noo.

It really feels good when you were in your home...

(A/N: Vomments peps! Thankyou❤)

Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon