Letting Go

73.8K 1.4K 201
                                    

Nandito ako ngayon sa may hardin, nakaupo sa duyan. Habang nilalasap ang hangin na galing sa dalampasigan, for the past 2 months, ito na ang tambayan ko. In short dito ako lagi nagpapalipas ng oras.

Minsan nililibot ko ang buong hardin, para kunan ng litrato ang mga bulaklak. Minsan dinidiligan ko ang mga ito para hindi malanta. Every saturday ko lang naman hindi nagagawa ang mga bagay na yun. Dahil naglalaba ako ng mga damit nila. Kahit gustong-gusto akong tulungan ni Manang, pinipigilan ko siya dahil ayokong pati siya madamay. Ang galing pa naman umarte ni Samantha sa sobrang galing niya, pwede na siyang bigyan ng award na 'Best Actress.'




Sinabi ko naman kay Manang na kaya ko pa naman para hindi na siya masyadong mag-alala. Pero sa paglipas ng mga araw ay lalo siyang nag-aalala sa kalagayan ko dahil palaki na raw ng palaki ang tyan ko, hindi na daw dapat ako masyadong kumilos lalo na't tatlong bata ang nasa sinapupunan ko. Gustuhin ko man pero wala akong magagawa, ito ang gusto niya, ang makita akong nahihirapan.




At sa ilang buwan na pagsasama namin ni Rod sa iisang bubong, puro pasakit ang naranasan ko sa kanya, ni hindi ko naramdaman kung pano siya mag-alala, kung paano siya mag-alaga at magmahal. Pero paano ko yun mararanasan? E hindi naman ako ang mahal niya how ironic. Malamang ang mga bagay na hinihiling kong ipadama niya sakin ay sa ibang tao niya naipadama, at syempre kay Sam yun.




Medyo makulimlim ang langit medyo lumalamig na rin ang ihip ng hangin, mukhang uulan. Kaya nagpasya na akong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Manang sa sala habang nanonood ng TV. Tumabi naman ka-agad ako sa kanya.


"Oh, hija. Galing ka ba dun sa hardin?" Nakangiting saad ni Manang, habang ibe-braid ang buhok ko.


"Ah, opo. Ang sarap po kasi ng hangin dun, pumasok lang ako kasi mukhang uulan." Gusto ko pa sanang pumunta sa may gilid ng dalampasigan at umupo dun, mas maganda kasi ang view dun. Napaka-peaceful ng paligid, masarap maglakad-lakad.



Pagkatapos i-braid ni Manang ang buhok ko, dun ko lang na-realize na medyo humahaba na pala to. Hindi ko man lang napapansin sa sobrang dami ng iniisip.



"Hija, dito ka lang muna ah? Magluluto ako ng meryenda natin."




"Sige po, salamat." Gusto ko pag nanganak ako, si Manang ang mag-aalaga ng mga babies ko. Napakabuti niyang tao halos anak na ang turing nila sakin ni Manong.



Nanonood ako ng TV habang hinihintay bumalik si Manang. Bigla namang may lumabas na commercial kung pano mag-alaga ng babies. Napangiti naman ka-agad ako. Ang cu-cute kasi ng mga bata, hindi na tuloy ako makapag-hintay makita ang mga anak ko. Ano kaya ang itsura nila? At kung paano nila ako tawaging  Mommy.




Naputol naman ang i-imagine ko ng kung ano-ano sa mga anak ko ng dumating na si Manang dala ang isang tray na may Juice at Pancakes.





"Hija oh, kumain ka na." Habang nilalapag ang plato na may pancakes sa harap ko.






"Salamat po." Nakangiting saad ko. May sasabihin pala ako kay Manang.



"Manang." Marahan kong tawag sa kanya. "Sa oras na manganak po ako, pwede po bang nandun ka? Gusto ko po kasi, ikaw ang mag-alaga sa mga babies ko kung sakali." Malaki kasi ang tiwala ko kay Manang, at alam kong ituturin niya din ang mga anak ko na parang kadugo niya, tulad ng pagturin niya sakin bilang tunay niyang anak. Matandang dalaga kasi si Manang, at kami lang ng pamilya ko ang nakakasama niya. That's why we treated her like our very own family, hindi nadin naman siya naiiba samin.




"Syempre naman hija, namimiss ko na din mag-alaga ng mga bata eh" napangiti  naman ako sa sinabe ni Manang, kaya hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya, simula kasi pagkabata si Manang ang nag-alaga sakin.




Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon