Stalking

63.5K 1.1K 47
                                        

Pagkatapos naming mag-usap ni Manang ng iilang bagay. Nagpaalam na ako sa kanya para pumanhik para makapag-pahinga na.

May usapan kasi kami ni Precious, na magkikita kami bukas sa mall. Tsaka titingin tingin narin kami ng mga baby stuffs.

Gusto kong mag pahinga ng maaga, wala lang. Ayoko masyadong i-stress ang sarili ko, dahil makakaapekto yun sa mga anak ko.

Nag half bath muna ako bago humiga, hindi kasi ako sanay na matulog sa gabi ng hindi nakakapag-punas o maligo, feeling ko ang lagkit-lagkit ng buong katawan ko.

Habang nakahiga ako sa kama, ng may naisip ako? Geez! I need to tell them my goodnews! My friends

Kaya kinuha ko kaagad ang cellphone ko sa loob ng bag, at nagsimula ng magtipa ng text.

*Group Message*
Ninong/Ninang! I'm having a triplets!😋
*Messange sent*

I was about to turn it off, when i receive a lots of text from them! Geez ang ingay, kaya ni-silent ko nalang. Karamihan naman sa senend nila 'Congrats' ang iilan naman ay 'Wow' napangiti naman agad ako sa mga reaction nila.

All i can say is thank youu...

Matagal-tagal din kaming nagkatext, pero nagpaalam na agad ako para makatulog, ayoko kasing magpuyat. Baka kasi bukas ma-late nanaman ako. I don't wanna dissapoint Precious, ang usapan ay usapan.

8:30 kasi ang usapan namin, dun nalang kami magkikita sa mall. Kaya gusto kong ako ang mauna, para kahit papano makabawi.

Thank you so much, Jesus! For giving me this wonderful gift I love you, Amen.

Nakatulog ako ng may ngiti sa labi..

|Kinabukasan|
As what i am expecting, maaga nga akong nagising, quarter to 6 palang. Pero nagpasya na akong bumaba para makapaglakad-lakad.

Lumabas ako ng bahay, at naglakad-lakad. Hanggang sa napadpad ako sa hardin, hindi ko alam na may hardin pala dito. Siguro nga masyado na akong nagkukulong sa bahay.

Nakakita ang ng duyan na nakakabit sa puno ng mangga, nagpasya akong umupo para makalanghap ng sariwang hangin. Napaka refreshing dito! Kitang kita ang dagat.

Ng makontento na ako sa paglanghap ng sariwang hangin, nagpasya na ako tumayo para libutin ang buong hardin. Unang kita mo palang halatang alagang-alaga ang mga bulaklak at halaman.

Kada may nadadaanan akong mga bulaklak, hinahawakan ko ito't inaamoy, hmm it really feels good. Sayang nga lang dahil hindi ko dala ang cellphone ko, mahilig kasi akong kumuha ng mga litrato. Siguro mamayang hapon nalang.

Nang medyo mataas na ang sikat ng araw, nagpasya na akong pumasok para makapaghanda sa pag-alis. Naligo agad ako at nagpatuyo ng buhok. Bumaba na ako pagkatapos mag-ayos, at dumiretso sa kusina para uminom muna ng gatas at makapag-paalam kay Manang.

"Oh, hija may lakad kaba ngayon? Bihis na bihis ka ah?" Si Manang, habang naghahanda ng almusal.

"Ah, opo. Magkikita po kasi kami ngayon ni Precious sa mall para tumingin tingin ng mga baby stuffs." Saad ko habang nagsasalin ng gatas sa baso.

"Ah, ganon ba? Sige kumain ka muna." Habang paglalagyan sana ako ng kanin sa plato. "Huwag na po Manang, sa labas na kami kakain." Nakangiting saad ko.

Dumiretso naman ka-agad ako sa lababo para hugasan ang baso. At nang matapos, bumaling naman agad ako kay Manang. "Manang, mauuna na po ako ah?" Pagpapaalam ko.

"Sige, hija. Mag-iingat huh?" Pag papa-alala niya.

"Opo." At naglakad na ako palabas ng bahay habang dina-dial ang numero ni Manong.

"Hello manong? Good morning po. Pwede nyo po ba akong ipag-drive ngayon papuntang mall? Ah, okay sige po. Nasa labas na po ako ng bahay. Ah, opo sige. Salamat po." Ang swerte ko talaga sa kanilang dalawa ni Manang.

Maya-maya andyan na si Manong, one call away talaga siya. Pinagbuksan niya naman agad ako.
"Thank you, Manong." Nakangiting saad ko sa kanya.

"Wala yun, hija. Ikaw pa malakas ka sakin eh." At nagtawanan kami. Napa-light ng mood ko sa gitna ng pagba-byahe namin. Walang traffic at wala pang masyadong vehicles. Kaya tuloy-tuloy ang takbo ng sasakyan namin.

Saktong 8:00am kami nakarating sa sinasabing mall ni Precious, bumaba naman kaagad ako at nagpaalam na kay Manong. "Bye, Manong. Salamat po ulit." Habang kinakawayan siya sa loob ng sasakyan.

Nagpasya na akong pumasok at dumiretso sa kung saan pwedeng mag-order ng pagkain. Naghanap naman agad ako ng table kung saan pagpasok niya, ay makita niya agad ako.

Bumalik na ako sa table namin, habang naghihintay ng order. Saktong pagtingin ko sa wristwatch ko ng may biglang sumigaw. "Mommy Girl!" Geez ang bunganga talaga ng babaeng to. "Lower down your voice girl, will you?" Madiin kong sabi. "Oh, sorry." Natatawang saad niya.

Dumating naman kaagad ang order namin, kaya nag-simula na kaming kumain. "I heard, dumating na daw yung Sam ba yun? Who is she?" Kunot-noong tanong niya.

"Samantha kate Dela Vega, the love of his life." Walang ganang saad ko. "Nako mommy girl! Pangalan palang parang may attitude na, is she hurting you?" Nag-aalala niyang tanong. "No, tinatarayan lang ako, tsaka magaling siya mag-drama." Tinanong naman niya kaagad ako kung bakit. Kaya ayun wala akong magawa kundi i-kwento sa kanya ang lahat.

"Srsly Mommy Girl!? Why are staying in that house? Kung pwede ka naman umalis at iwan sila, let me remind you this, buntis ka girl! and you're not bearing just one, it's 3. For godsake!" Hysterical na saad niya.

"I know girl, but I can't. I have a promise on his parents. I promise them that I will never leave Rod whatever happens." Mahina kong usal.

"Even it may affect on your babies? Look i'm just concern about you and your babies, don't get me wrong girl, he have that samantha. And you? You are nothing in that house, what if Samantha have any plans to hurt you or what. Think about it 100x girl!" Masungit niyang saad.

Napa buntong-hininga nalang ako. May point kasi siya, what if Samantha is really planning to do bad things against me and my babies? Hinding-hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa mga anak ko.

Natapos na kaming kumain, kaya nagpasya na kaming maglibot-libot para magtingin-tingin ng mga baby stuffs. Habang naglalakad kami, hindi parin mawala sa isip ko ang sinabe ni Precious haaay.

Ng makarating kami sa part ng may mga baby stuffs, pumasok naman kaagad kami. Geez! Ang cu-cute ng mga gamit pang-baby, wala akong mapili although hindi naman kami bibili.

"Ano ba yan! Halos lahat ang cu-cute." Nakangusong saad ni Precious, i feel the same way. Busy kami sa pagtitingin at paglilibot sa loob, ng may mahagip ang mga mata ko.

Hindi ako pwedeng mag kamali, si Samantha yun. But, bakit ibang lalake ang kasama niya? And the worst is magka holding hands pa sila at nagtatawanan, andami na nilang pinamili.

Kaya bigla ko nalang hinila si Precious para sundan sila. "Hey, mommy girl? Where are we going?" Nalilitong saad niya. "Sam is here, i saw her. May kasama siyang ibang lalaki." Saad ko habang hindi inaalis ang tingin kela Sam.

Baka siya ang tunay na ama ng pinagbubuntis ni Sam? Sinundan namin sila hanggang sa labas ng mall, aalis sila kay nagpara din agad kami ng taxi para sundan sila.

"Manong, paki sundan po yang pulang sasakyan." Hanggang sa tumigil ang sasakyan nila sa may condo. So dito sila nagkikita? Kaya pala pag umalis siya, palaging hapon na umuuwi. Kailangan tong malaman ni Rod, but i hope maniwala siya.

Kinuhaan ko ng mga litrato at video ang pagbaba nila sa sasakyan habang dala dala ang mga pinamili nilang gamit para sa bata, wala akong maalala na may dinadalang gamit ng mga bata si Sam sa bahay.

"Omyghad! She's a b*tch!" Mahina ngunit mariing saad ni Precious.
"Manong, balik na po tayo." Saad ko sa driver. Geez how can she do this? All this time siya lang ang minahal ni Rod tapos nagawa niya pang lokohin? Bakit pa siya bumalik?

Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon