It's been almost three months since I left, and I must say my baby is really fine. Kahit pala gano pa karami ang problemang ibigay niya sayo, may dapat ka paring ipag-pasalamat sa kanya.
Hindi niya yun ibibigay kung hindi natin kaya, ika nga.
Paglapag pa lang ng eroplano namin, everything was settled, daddy brought us condo kaya hindi na ako nahirapan pa. Nag-aadjust na lang ako sa klima dito, dahil sobrang lamig na, marahil ay mag papasko na.
It's just sad to think, that I can't spend christmas eve with my parent's. I hope they come here, but some part of me don't want them to go here too, I sighed.
I decided to find a job here, ayokong umasa kela mommy gayong may pinag-aralan at may pinag-tapusan naman ako. I actually working on my parent's company, not until Me and Rodleigh Kim Samonte got married.
Hindi ko alam kung ano ang purpose niya at kung bakit niya ako pinag-resign, well.. enough.. too much for that.
But before anything else, I need to find a nanny for my baby. Hindi ko alam kung paano makakapag-hanap dito--what I mean is yung talagang mapagkakatiwalaan, kung sana ay mas gusto ko ay Pilipino.
I will call daddy to ask some help, I need to find a job quickly. Ayokong tumanganga dito, because as far as I know. I am here to forget about what happened. Tho hindi naman ako nakatunganga buong maghapon dahil nandito ang anak ko. I am being practical here, sayang ang panahon and besides we don't know what will happen next.
Tsaka kailangan ko na ding matuto, kasi kahit hindi sabihin.. in the end of the day sa kompanya parin namin ang bagsak ko. Time will come, I'm the one handling our own company.
So if you have time to learn why don't you just grab it? To learn is just sometimes but we can use it in a lifetime.
Kasalukuyan akong nakahiga sa tabi ng anak ko, nakatingin lang ako sa natutulog at payapa niyang mukha. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, ang sarap kasing titigan. Hindi nakakasawa, kahit na lumilitaw talaga ang features ng daddy niya.
Wala pa akong balak bumangon, too early for that. Mag ku-quarter to four palang at wala na rin akong balak matulog pa, hindi na rin kasi ako inaantok tsaka, siguro sanay na.
Kasi naman every 3am in the morning, nagigising ako sa iyak niya, siguro nagugutom siya kaya kapag bine-breastfeed ko agad naman siyang nakakatulog minsan naman umiiyak siya dahil puno na ang diaper niya, agad ko namang pinapalitan para makatulog siya ulit.
Yan lang naman ang rason kung bakit umiiyak ang anak ko, it's either gutom siya o puno ang diaper niya kaya hindi ako nahihirapang alagaan siya kahit mag-isa lang ako. Hindi siya ganon ka-sobrang iyakin, although sobrang iyakin ko ng nasa loob pa sila ng sinapupunan ko, it's good to know na hindi nila nakuha yung side kung ganon, weak.
Sa paglipas ng ilang buwan, so far so good. Masyado kong kina-career ang pagiging single mum ko. Kada araw na lumipas ilalapag ko lang siya sa crib niya samantalang ako naman busy sa mga gawaing bahay. Nagluluto ako, naglilinis ng bahay kahit hindi naman ganon kadumi. I'm really finding a way to make myself busy.. but ofcourse kahit ginagawa ko yun hindi ko naman pinapabayaan ang anak ko. She's my priority by the way, hindi ko lang talaga maatim na umupo buong mag-hapon at isa pa hindi din ako sanay na walang ginagawa.
Nakakapang-hina lang yun ng ating katawan, it's unhealthy.
Kaya ginawa kong routine ang paggawa ng kung ano-ano sa paglipas ng mga araw. Ngunit hindi ko lubos maisip na mag-iisang buwan na pala kami rito, ang bilis umusad ng araw sana ganon din sa pagmomove-on.
Well.. whatever! Hindi naman minamadali ang pagmomove-on. Kung gusto mo talagang makalimot edi tanggapin mo ang nangyari kahit paunti-unti lang.. atleast tinanggap mo ng walang halong pag-aalinlangan.
BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomanceLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)
