6pm na ng hapon bago ako nagpasyang umuwi, habang naglalakad ako papuntang parking lot ramdam ko ang lamig sa simoy ng hangin.
Ang sarap sa pakiramdam.
Niyakap ko ang sarili ko at napapikit ng mariin, habang naglalakad palapit sa kotse ko. Ng makarating ako dun, sinandal ko muna ang katawan ko at nilingon ang naglalakihang buildings, ang sarap pagmasdan ng mga ilaw sa paligid, nakakagaan sa pakiramdam.
Nang magsawa na ako kakatingin, pumasok na ako sa loob at nagpasya ng umuwi, medyo late narin kasi.
Habang nag da-drive di ko maiwasang mapaisip kong bakit di na ako dinadalaw ni mommy at daddy.
Well di naman ako patay para dalawin, di ko mapigilang matawa sa naisip, Siguro nga busy lang.
Ako nalang siguro yung pupunta sa bahay, this saturday after ng check-up ko sa OB.
Ng makarating ako sa bahay, pinark ko agad ang kotse ko sa may Garahe at bumaba na.
Dire-diretso akong pumasok sa bahay na magaan ang pakiramdam, ngunit napawi ito bigla sa nakita ko.
Rodleigh and Samantha laughing so hard while watching TV..
And the worst is..
She's sitting on Rodleigh's lap..
While Rodleigh's arm snaked around her waist..
I wish i could be in her place. Pero mas malabo pa yun sa Blurr.
Sobrang sakit, parang pinipiga ang puso ko, i shouldn't felt this way. There's nothing between us.
Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa mata ko at diretsong naglakad papuntang kwarto.
Doon ko binuhos lahat ng hinanakit ko, tanging itong kwarto lang yung lagi kong karamay sa mga panahong lugmok ako, sa mga panahong nasasaktan ako.
'Kelangan ko ng sanayin ang sarili ko' paulit-ulit ko nalang tong sinasabi. Hanggang kelan ko sasanayin? Araw-araw? kahit hindi ko naman nagagawa? It's useless. I always ended up crying the whole night.
Kaya mas okay na yung ilabas kesa naman mag-pretend ako na sinanay ko na ang sarili ko sa bagay nayan, kahit ang totoo ay hindi.
Hindi niya ko niloko, kasi hindi niya naman ako mahal. Kaya hindi ko rin kailangan lokohin yung sarili ko na okay lang sakin yung mga nangyayari, na okay lang ako.. na tanggap ko na, kasi ang totoo nyan sobrang sakit pa rin.
Hinintay ko munang kumalma ang sarili ko bago ako tumayo para magbihis, at nang makababa na para kumain.
Tahimik akong naglalakad patungong kusina, ni hindi ko sila nilingon. At opo andun padin sila.
Naabutan ko si Manang sa kusina na nagpupunas ng Dining. "Manang? Kumain na po kayo?" Tanong ko.
"Ay, hindi pa hija. Hindi pa ako tapos dito eh."
"Perfect!" Sabi ko at pumalakpak, na parang walang nangyare. "Sabay nalang po tayo manang, kung gusto mo tulungan nalang kita mamaya." Saad ko.
"Sus ang bait mo talagang bata ka." Natatawang saad ni Manang. "Kung isa ako sa mga magulang mo malamang magiging proud ako sayo, kasi kahit na anak-mayaman ka, nagtatrabaho ka. Tsaka okay lang sayo kahit maglinis ng kung ano." Habang hinaplos niya ang buhok ko.
"Syempre manang. Hindi naman po kasi sa lahat ng oras nandito yung parents ko para bantayan at alagaan ako, kailangan din natin minsan tumayo sa sarili nating mga paa."
"Yun na nga Hija, kaya hindi ko alam kung ba't mahal na mahal ni Rodleigh yung babaeng yan, e nandito ka naman. Nasa sayo na lahat, maganda ka, mabait, matalino, mapagpasensya, mapagkumbaba, at understanding. Yung tipong hindi alam yung salitang galit o tampo, sana talaga hindi niya to pagsisihan." Tuloy-tuloy na saad ni manang sa mahina na boses.
Maybe nasa akin na nga ang lahat, pero hindi yung taong mahal ko.
May mga bagay na meron ang ibang tao, pero wala sayo. May mga bagay na ikaw ang meron at wala sa ibang tao.
At kaya may kulang, kasi we need somebody to fullfill us.
I wish I could have that 'Somebody' or someone rather, to fullfill me.
That 'someone' who can love me. The way I love that person.
Ng matapos kami ni Manang kumain, nag volunteer akong maghugas ng pinag-kainan. Hindi naman siya kumontra.
Hinintay ko muna siyang matapos sa kanyang mga gawain bago napag-pasyaang umakyat.
Wala ng tao sa sala, patay na ang mga ilaw. Tanging ilaw nalang ng kusina ang nagsisilbing liwanag dito. Kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga.
Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok ko kaya nagpasya muna akong buksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa mga malalaking buildings, napakapaya ng paligid, idagdag mo pa yung mga iba't-ibang kulay ng ilaw. Ang sarap titigan.
Habang nakatingin sa malayo, halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng may biglang magsalita. "Why are you still awake?" Tanong niya na nasa kabilang bintana. "Uh, di pa ako inaantok eh." Nauutal kong saad.
"Okay." Saad niya habang sinasarado na ang bintana. "Have a goodnight." Di pa man ako nakakasagot ng tumalikod na siya.
Goodnight...
I wish he is the 'someone' that i'm asking for..
That someone, who can fullfill me.
BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomanceLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)