Pagbalik namin sa mall, nawalan na ako ng gana. Hindi ko alam kong pano ko sasabihin kay Rod ang nakita ko. I'm sure he wouldn't believe me, i'm just nothing to him. If i told him what i saw earlier, he might think that i'm so desperate, that i can find so many reasons to ruin their relationship, which is not true.
Nagpasya nalang kaming umuwi ni Precious, nawalan na din siya ng gana. And here i go again, thinking about so many things. Napabuntong-hininga nalang ako habang dina-dial ang numero ni Manong para magpasundo.
"Hello Manong, uuwi na po ako." Malumanay kong saad habang nakatingin sa malayo, what should i do now? I want to do something, but it's like there are so many things that stopping me to do that 'something.'
But atleast i need to give it a try, but how? I'm confuse. Do i need to tell it to him? Or i let him figure it out by himself? Nakabawi ako sa pagkatulala ng may biglang kumaway sa mukha ko, si Manong pala.
"Hija, kanina pa ako kaway ng kaway sayo. Natutulala ka bakit?." Takang tanong ni Manong. "Ah wala po, hehe. May iniisip lang. Halika na po." Habang ginawaran siya ng peke at pilit na ngiti.
"O siya sige, hija. Ang hirap talaga pag buntis no? Laging moodswings." Saad ni Manong habang pinagbubuksan ako ng pintuan. "Ah opo." Kahit alam kong wala namang kinalaman dito ang pagbubutis ko.
Nang makarating kami sa bahay, dumiretso kaagad ako sa kwarto, pagtapos mag paalam kay Manong. Pakiramdam ko pagod na pagod ako, kahit wala naman akong ginawa.
Ngayong nasa bahay na ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Subalit kanina halos mapuno ang utak ko sa kakaisip kung ano ang dapat kong gawin.
***
Nakaidlip na pala ako sa sobrang pag-iisip. Kaya nang magising, bumaba muna ako para uminom ng tubig, iinom narin ako ng gatas. Nagulat ako ng makita si Rod sa sofa, nagbabasa ng dyaryo. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa kusina.
Papasok na ako ng kusina ng bigla siyang mag-salita. "We need to talk." Lumingon-lingon naman agad ako, baka may makita at sakaling yun ang kausap niya. Ngunit wala.
"About what?" Malamya kong saad, habang palapit sa kanya. At umupo sa kabilang sofa.
"Starting this day, you're the one who's going to do the Laundry and the iron." Saad nito, ni hindi maalis ang mga mata sa hawak na dyaryo.
"What?" Nanlulumong tanong ko "Si Samantha ba nagsabi nito sayo?"
Nakayukong tanong ko. "Does it matter to you? And yes she is. At kung ano man ang balak mo wag mo ng ituloy, hindi na magbabago ang isip ko. She's pregnant and do understand her situation" Mataman nitong saad, bakit ako? Hindi ba ako buntis? Bola lang ba tong nasa sinapupunan ko? Bat ganon siya? Ang unfair-unfair niya.
"Rod, wag namang ganito please? Alam mo naman ang kalagayan ko. Sabi ng doctor ko, bawal akong gumawa ng mga mabibigat na bagay, bawal kong pagurin ang sarili ko. Tsaka hindi lang naman siya dito ang buntis." Tuloy-tuloy kong saad ngunit mahina. Sapat lang para marinig niya.
"Uh, so anong gusto mong palabasin? Na kailangan din kitang alagaan? Huh! Damn you! If i were you, pinalaglag ko nalang yung batang yan, alam mo kung bakit? Useless lang yan, dahil wala namang tatayo bilang Ama dyan, dagdag lang yan sa mga palamunin." Nakangisi niyang saad. Bakit ganito siya?
"Oo wala silang ama pero sisiguraduhin ko namang mararamdaman nila ang pagmamahal ng isang tunay na magulang, hindi katulad mo na tatakbuhan lang ang responsibilidad! At alam mo? Hindi ko naman sila ipipilit sayo eh. Hindi pa sila lumalabas but you already make them feel unwanted!"
Habang nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko. "At tungkol dun sa ipapagawa mo, wag kang mag-alala gagawin ko yun." Tumayo ako at tinalikuran siya, akala ko ayaw niya lang sa anak ko, gusto niya rin pala tong mawala, pero bakit?
I already make things clear, na hindi ko ipipilit sa kanya gampanan ang responsibilidad niya kung ayaw niya. Parang sinaksak ng ilang kutsilyo ang puso ko ng marinig ang mga katagang yun. Anong akala niya sa mga anak ko hayop? Na ganon nalang kadali sa kanya para sabihing ipalaglag ko?
Kung sa bagay, ano nga ba tong mga anak ko para sa kanya? Diba isang pagkakamali lang na pagsisisihan niya habang buhay. Kaya habang palaki ng palaki ang tyan ko naeexcite ako, masaya ako kasi makakasama ko na sila, pero di ko rin maiwasang hindi malungkot. Kasi wala akong maipapa-kilala sa kanila bilang ama.
But i need to be strong just for my childs, and i need to be happy as well. Gusto kong maramdaman nila na kahit wala silang daddy, masaya kaming apat.
***
Hanggang sa lumipas ang dalawang buwan, ganon parin ang routine ko sa bahay nila, ako ang naglalaba ng mga damit nila at nagpaplantsa. Magsi-six months na ang tyan ko. Ngunit madalas na akong nakakaramdam ng kirot, samantalang walong buwan na ang kay Samantha, pero hindi ko pa siya nakikitang sinasakitan ng tyan.
The babies must be excited to see the beauty of this world. Napangiti naman ako sa naisip ko.
I'm having a one boy and two girls, may naisip narin akong mga pangalan. So i guess everything will be fine, sana ma-deliver ko sila ng maayos.
Si Rod at Sam? Ewan ko pero nakikita kong madalas na silang mag-away, siguro nga nakakahalata na si Rod. Tsaka napag isip-isip ko na kailangan malaman ni Rod ang ginagawang kalokohan ni Samantha habang wala siya.
Lagi kong nakikita si Samantha na kasama niya yung lalaki niya, pero hindi niya ako nakikita. Minsan nakikita kong naghahalikan sila, minsan naman hinahalikan ng lalaki ang tyan niya, i think this evidence on my phone is enough to prove Rod, that Samantha is cheating on him.
Minsan naririnig ko din siyang may kausap sa phone, yun ata ang lalaking kasama niya palagi. Hindi ko siya maintindihan kong bakit niya pa to nagawa? E ang swerte niya na.
Meron talagang tao na hindi marunong makuntento...
(A/N: Isn't it exciting? Yay! Abangan nyo nalang ang mga susunod na kabanata, and btw peps. Vomments naman dyan, TYSM Mwuapss!😘)
BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomanceLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)
