Understanding

32K 557 25
                                    

Inihatid ko muna si Keisxia sa kwarto ng lolo at lola niya bago tinahak ang daan papuntang silid namin ni Eko. We need to talk privately. Hindi kami makakapag-usap ng maayos kung isinama ko dito si Keisxia. I want everything to be cleared before the event happens. Hindi pwedeng lumipad ang isip ko kung saan-saan.

Maingat kong pinihit pabukas ang siradura at walang imik na pumasok. Awkwardness started to build up in my system. Gah! This isn't good! I have to shoo this feeling away. Gusto kong pukpukin ang ulo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng ganito!

Awkwardness towards Eko? Hah! Am i trying to fool myself again?

Dahan-dahan akong umupo sa may paanan ng kama nang magtama ang paningin naming dalawa. Nakaramdam ako ng guilt sa mga salitang binitawan ko sa kaniya nung nakaraan. Hindi dapat ako nag overreact!

"How are you feeling? Are you sick?"

I'm worried these past few days. He is just staying inside our room the whole day. Bumababa lang siya pag kakain pero hindi niya naman nauubos iyong nilalagay ko sa plato niya. And that is bothering too. Ni hindi ko na maramdaman ang sigla niya. He looks so happy, yes. Pero iyong sigla doon ay hindi ko na makita.

"I am perfectly fine, hon."

Tumayo siya sa pagkaka-upo at naglahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at malugod na nag-pahila papuntang balkonahe. Being here is exhilarating. This place can be your comfort too. Its tantalizing view over the sea, plus the wind that brushes on your skin. I'm sure negativity that wrapped in your head will disappear.. for the meantime.

Binitawan niya ang kamay ko at pinaupo sa upuan na nasa kaliwang bahagi ng balkonahe. Kung akala ko ay tatabi siya sa akin, nagkakamali ako. Dahil dumiretso siya sa may kanan at doon naupo. We're now facing each other.

Do we really need this kind of set-up for us to able to talk? Kailangan ba iyong malayo kami sa isa't-isa?

"Why are we like this, Eko? How come we became like this?" Puno ng pait kong saad.

"Because we are meant.. to became like this." Nasa malayo ang paningin niya at wala sa akin. Subalit sa kaniyang tinuran ay wala parin akong maintindihan.

"Ang masira ang relasyon natin? Iyon ba, Eko? Iyon ba ang gusto mong iparating sa akin?"

I heard him sighed heavily. "Its not that, hon--"

"Then what? You know what Eko? I told to myself that i'll fix this matter. Pero paano ko iyon magagawa kung ako lang ang gagalaw? Come on! Relasyon natin ito, at hindi pwedeng isa lang gumawa ng paraan para maisa-ayos ito!"

"Hon, please. I need more of your understandings."

"Tell me how! How can i understand you if you don't even give me enough reasons for me to understand you?"

"I told you, i can't tell." Ramdam ko sa boses niyang nahihirapan siya, pero ganon din naman ako!

What if your teacher asked you unfamiliar questions? Giving you no clue. Maiintindihan mo ba iyon? Ofcourse not! So in the end, you'll lose. That's why i'm being like this, because i don't want this relationship to be drowned.

"So, anong pag-iintindi ko ang kailangan mo? Iyon bang hayaan ka at hintaying may sabihin sa akin? Iyong kunware naiintindihan kita? Kasi, Eko! Kahit saang anggulo hindi ko alam kung paano ko ibibigay ang pag-iintinding hinihingi mo sa akin!"

"This is hard for me too.." Both of his eyes were teary! Iyon ang nakakuha ng atensiyon ko. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito? Hindi ba't sabi nila maganda sa pakiramdam iyong iiyakan ka ng isang lalake? Pero bakit hindi ako nakaramdam ng kasiyahan?

Am i making our situation became more worse? Ako ba ang may problema dahil hindi ko siya kayang intindihin?

"Am i giving you a hard time?"

"No, no. Please, hon! Just give me some other time." Nagsusumamo ang boses niya. He is frustrated at the same time.

"I did, Eko. I did." Mariin kong turan, hindi ko alam kung saan kami dadalhin nito. Tiningnan ko siya ng matiim sa mga mata. "Tell me, Eko. May plano ka bang iwan ako?" Nilabanan niya ako ng tingin at nginitian. Hindi niya ako sinagot ngunit may luhang nalaglag sa pisngi niya na mas lalong nag pagulat sa akin.

Parang sinaksak ng ilang punyal ang puso ko. I can't beleive, i made him cry! Gusto ko siyang lapitan para yakapin, ngunit para akong pinako sa kinatatayuan ko. Seems like my feet became heavy that i can't walk, same as my mouth. Walang salita ang namutawi dito samantalang madaming salita ang gustong kumawala sa bibig ko.

What just happened made me stunned still, hindi kayang i-proseso ng utak ko ang nasaksihan ko. Kung dati ako iyong sinasaktan, bakit parang ngayon ay ako na ang nanakit?

Hinakbang niya ng ilang beses ang espasyong naka-pagitan sa amin. He cupped my face gently, and made me looked up to him.

"What you did wasn't wrong. Sorry for making you feel confused, this is the only way i know.. for you not to get hurt. Though i still made you think.. but atleast i did not hurt you right?" Inipit niya sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok kong sumasagi sa mukha ko.

I left with no choice but to go with the flow, maghintay kung kailan ako malilinawan. I did not respond, instead i hugged him. Kahit mahirap ay maghihintay ako, kahit naguguluhan ay pipiliting kong intindihin.

Trust and loyalty. Iyan ang pundasyon ng isang relasyon. Dahil hindi ka mag mamahal kung wala kang tiwala. Pero sa ngayon, iyon ang pakiramdam kong nawawala sa amin. Loyalty won't happen without trust, so i think both of it were missing.

Pero ngayon lang ito nangyari. Hindi ito ang sapat na rason para isipin ko iyon. Hindi ibig sabihin dahil hindi niya sinabi sa akin ang nangyayari ay hindi niya na ako mahal, na wala siyang tiwala sa akin. Minsan patience din iyong kailangan.

"You really are gift from God. Thanks for your understanding, hon." Nanatili akong tahimik, walang masabi.

"I'm glad we're now like this.. even just like this. Because i don't want to leave with a heavy heart." Doon ako napa-angat ng tingin sa tinuran niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at tiningala siya.

"So, you're really leaving?" Hindi ko makilala ang boses ko ng lumabas iyon sa bibig ko. Parang nilipad ang lahat ng emosyong nakadagan sa dibdib ko. I now feel nothing. Should i be happy then?

"Shhh. It's not what you think, hon." Hinuli niya ang dalawang kamay ko at maingat na inangat para halikan. "I'll be leaving for.. business matter." I feel like there's a hesitation on his voice? Pati ang mga mata niya ay mailap. But i chose to ignore it. Kakaayos lang namin, masyado na akong maarte.

"Kung ganon, kailan ang alis mo?"

"Tomorrow morning." Natigilan ako.

"That fast?"

"Yeah. Biglaan ang pagtawag sa akin." I got dissapointed because i don't know if we are really perfectly fine.

"When will you comeback?"

"Hon, hindi pa ako umaalis." He chuckled. Trying to drop a joke, but it didn't work on me. "Expect me on Keisxia's birthday, i'll be here no matter what it takes, 'kay?"

Bakit ba laging may laman iyong mga salitang binibitawan niya? Or i was just over thinking?

"Will you allow me to go?"

"Do i have choice?" It is his business. Nakilala ko siya na ganoon ang mundong ginagalawan. Minahal ko siya sa ganong paraan. So walang dahilan para iyon ay hadlangan ko.

I made up my mind. I won't doubt nor question him. Hihintayin ko nalang kung kailan niya balak ipaalam sa akin iyong nangyayari sa kaniya. Because, i know. Even i'll force him to speak up if he doesn't want to, he wont.

Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon