Nagising ako sa sikat ng araw galing sa may bintana. Agad naman akong bumangon para tingnan ang orasan, 7am palang naman pala, 8:30 ang usapan namin ni Precious. Ngayon kasi kami bibili ng mga baby stuffs.
So, I still have one hour to prepare, dun nalang siguro ulit kami kakain. Well not a bad idea tho, tapos konting chichat din habang naglalakad-lakad.
Dumiretso muna ako sa closet para kumuha ng damit na isusuot, bago dumiretso sa banyo. Agad naman akong naligo para makapag-bihis na't makaalis, hindi naman ako ganon katagal maligo, tsaka isang oras nalang ang natitira sakin kaya kailangan mag madali.
Pagbaba ko naabutan ko naman agad sina mommy na kumakain ng breakfast, humalik naman ka-agad ako sa pisngi nilang dalawa.
"Good Morning, Mom/dad."
"Good Morning too, anak. May lakad ka ba? Mukhang bihis na bihis ang baby namin ah?" Nakangiting saad ni Daddy.
"Dad! I'm not a baby anymore, magkaka-baby na nga po ako oh?" Naiinis kunware kong usal, habang tinuturo ang malaking umbok ng tyan ko.
"Haha, I'm just kidding anak." Natatawang usal ni Daddy sinabayan naman kaagad ni Mommy.
"Anyways mom/dad may lakad po ako ngayon, bibili po kami ni Precious ng mga baby stuffs, ya'know lumalaki na po yung tyan namin, ilang buwan nalang manganganak na po kami." Saad ko habang nakatingin sa tyan ko.
"Wait what anak? Buntis na din si Precious?" Takang tanong nila.
"Yup, sabay nga po kami eh." natatawa kong saad.
"Pati ba naman sa pagbubuntis sabay kayo?" Biro ni Mommy, natawa nalang ako. "Btw, hija. Send my regards to Precious okay? Tsaka pag may time siya, papuntahin mo dito. Nang makapag-bonding naman tayo, nami-miss ko na rin yung batang yun eh."
"Sige po mom, sasabihin ko po. So mom/dad I have to go. Bye I love you!"
"I love you too, anak!" Hinalikan ko muna sila sa pisngi bago tumungo sa pintuan. Nakita ko naman agad si Manong na nag-aabang sakin.
"Good Morning Manong!" Masiglang saad ko, habang pumasok sa backseat. "Good Morning din, Hija." Hinarap niya ako't nginitian.
"Ah, Manong dun pa din po sa mall na pinuntahan natin nung nakaraan." Saad ko habang kinukuha ang cellphone sa bag, i-inform ko lang si Precious na otw na ko.
Geez! Sana walang traffic male-late na ko! Baka matarayan nanaman ako mamaya ng babaeng yun.
Ilang ring din bago niya sinagot ang tawag ko. "Hello Mommy Girl! Good morning where are you?" Hyper niyang saad. "On the way na po, Girl!" Natatawang saad ko. "Okay! Hurry up, nandito na ko, same spot parin." Yay! Himala hindi ata ako matatarayan.
"Okay, bye. See youu!" Can't wait tho, na-eexcite na akong bumili ng mga baby stuffs.
Nakarating naman kaagad kami ni Manong sa mall, at halos takbuhin ko papasok ang mall sa sobrang excite, gosh!
"Mommy girl! Over here." Kaway sakin ni Precious, yay! Mukhang excited kaming dalawa. Pagdating ko dun naka-order na siya. So kakain nalang kami.
"Mommy girl, bilisan natin! Hindi na ako makapag-hintay!" Ngiti-ngiting saad niya, well the feeling is mutual. Pero hindi pwedeng madaliin ang pagkain.
"Girl, maaga pa. Madami pa tayong oras. Masamang madaliin ang pagkain." Mamaya sa sobrang pagmamadali namin, mabilaukan pa kami at maapektuhan ang mga babies namin.
"Yah, sure! Makakapag-hintay naman yun eh." Saad niya habang patuloy parin sa pagkain.
****
Halos isang oras din kami natapos sa pagkain. Bago dumiretso sa bilihan ng mga gamit pang-bata. Sobrang hirap pumili dahil halos lahat ang cu-cute.
BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomansaLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)