Nanginginig ang buong kalamnan ko habang patungo sa kwarto ko, ang swerte swerte niya. Mahal siya ng taong mahal ko.
All i need to do is accept his decision, he wants annulment. Ibibigay ko, kung yan ang mag-papatahimik sa kanya.
Pero, mananatili parin ako sa tabi niya..
Dapat hindi ako nagpupuyat, dahil maaapektuhan ang anak ko, di ako pwedeng ma-stress. Pero anong gagawin ko? Hindi na ako dinadalaw ng antok ko. Kaya naisipan ko nalang magligpit sa kwarto ko.
Nilabas ko lahat ng damit ko para tupiin, though hindi naman masyadong magulo, gusto ko lang may pagka-abalahan ako sa ngayon.
Kasi feeling ko pag di ko lilibangin yung sarili ko. Mababaliw ata ako sa kakaisip. Saktong nagtutupi na ako ng mga damit ko, ng may mahagip ang mga mata ko.
Aish! Not now please?
Our Picture frame, of our Fake Wedding..
Kinuha ko to at tinitigan, kahit anong mangyayare iingatan ko to, papahalagahan ko. Tulad ng pagpapahalagang ginawa ko sayo. Kaya kahit anong mangyayare mananatili to sakin, kahit isang ala-ala mo man lang.
May mapanghawakan man lang, na kahit papano. Naging parte ka ng buhay ko...
3am na, bago ako dinalaw ng antok, at buti nalang natapos ko din tupiin yung mga damit ko.
Nakatulog akong yakap-yakap ang Picture frame, napangiti ako kahit papano.
Kahit anong oras na ako nakatulog, di ko akalaing magigising parin ako ng maaga.
Dumiretso muna ako sa Bathroom, to do my thing. Bago nagpasyang bumaba para makakain. Hayy!
Nang makarating na ako sa kusina, nagulat ako na nandito si Rod. Parang ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya, napaka light ng mood niya. Kung sabagay sino ba naman ang taong hindi masasaya, pag nakasama mo na yung taong mahal mo?
Hinayaan ko na lang siya, at pumunta na ko sa ref. Para kunin yung siomai ko, amoy palang natatakam na ako.
"Is that really your favorite, food?" Napatalon ako ng magsalita siya. Hindi kasi ako sanay na kinakausap niya.
"Uh--." Di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng biglang bumaliktad yung sikmura ko. Shemayy! Dali dali naman akong pumunta sa lababo. Pero as usual wala naman akong naisusuka na kahit ano, laway lang talaga. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko.
Nagulat ako ng hinaplos nya yung likod ko habang naghihilamos ako!
"Are you okay?" Tanong niya, minsan lang siya ganito kaya sulitin na.
Tumango lang ako ng di siya nililingon, di lang talaga ako sanay. Ng akmang babalik na ako sa hapag ng biglang mat tinanong siya sakin. Na siyang nagpawindang sa buong sistema ko.
"Are you really pregnant?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko, pero kahit itago ko to. Malalaman at malalaman niya din.
"Uhmm, Y-yeah." Nakayuko kong sabi.
"A-ah pero wag kang mag-alala. Alam ko naman na ayaw mo dito sa bata." Di ko mapigilang makaramdam ng sakit habang binabanggit ko yun.
"Hindi ko siya, ipipilit sayo." Akmang tatalikod na ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo." Saad niya at dun na tuluyang sumakit yung puso ko.
Hindi ito ang tamang panahon para mag-emote, kaya bumalik na ako sa lamesa para kumain.
Magme-meet pala kami ni Precious ngayon.
Kaya naman habang kumakain, tinawagan ko siya.
"Hey, mommy Precious!" Masayang bati ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomanceLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)
