Drama

62.8K 1K 81
                                    

Pagkatapos ko siyang talikuran dumiretso na agad ako sa kwarto ko, para kalmahin ang sarili ko. Siguro nga sobrang inis na ako kaya ko nasabi yun.

Hindi ko naman akalain na masasabi ko yung bagay na yun.

Nagpasya na akong magbihis upang makapag-exercise na, suot ko kasi kanina yung uniform ko sa office para sana sa pagpasok pero di ko akalaing ganito yung mangyayare.

Expect the unexpected, ika nga.

But not this 'unexpected' i want to have.

Aish! Ito nanaman ako kailangan ko tong i-overcome.

Lumabas na ako sa kwarto para pumunta sa kabila kung saan doon ako nag e-ehersisyo.

Inayos ko na yung mga gamit na gagamitin ko para sa ehersisyo. At nag-simula na ako, medyo lumalaki na ang tummy ko kaya hindi yung sobrang galaw yung ginagawa ko.

Tsaka sabi ni Doc nung nag pa-check up ako last week, pwede ko naman na daw matigil ang pag eehersisyo, kasi medyo malaki na nga ang tummy ko, tsaka ang suggest ni Doc mag lakad-lakad nalang daw ako, para hindi na ako mahirapan sa panganganak.

Ng medyo pinagpapawisan na ako nagpasya na akong tumigil at magpahinga, pero dumiretso muna ako sa baba para uminom ng tubig.

Naabutan kong bihis na bihis si Samantha, san kaya to pupunta? Ah magpapacheck-up siguro.
Pero parang umalis naman sila ni Rod nung isang araw para magpacheck-up ah?

Hindi ko alam pero parang may kakaiba, parang may mali akong kutob. Hindi kaya niloloko niya lang si Rod? Ang galing naman niya atang umarte kung sakaling niloloko niya nga lang si Rod.

Parang may nagtutulak sakin na kailangan kong malaman ang bawat kilos niya. Alam kong mali ang manghusga sa isang tao pero parang may kakaiba sa bawat kilos niya.

"Uh, Sam. San ka pupunta?" Mailap kong tanong.

"Bakit intresado ka? Kung saang lupalop man ng daigdig ako pumunta. Wala kang pakialam! Hindi ka pinatira dito ni Rod para bantayan ang mga kilos ko!" Mataray niyang sagot.

"Yun na nga eh, wala akong pakialam. Pero diba nga pinatigil niya ako sa pagtatrabaho ko para may kasama ka? Kasi yun yung gusto mo? Hindi ko alam kung ano ang gusto mong mangyare pero ngayon palang nakikiusap na ako na tigilan mo na yan." Tuloy-tuloy kong saad.

"Whatever! Wag na wag kang magkakamali na sabihin kay Rod na lumabas ako ng bahay!" Bulyaw niya.

"Eh kung wala kang gagawing kakaiba bat parang takot na takot ka? Sige nga? Bat guilting-guilty ka?"

"At subukan mo lang talaga! You don't even know me in the first place, tapos ganyan ka umakto!? Sinasabi ko sayo huwag ka magkakamaling banggitin kay Rod ang paglabas ko ng bahay." At tinalikuran niya na ko.

Buntis ba talaga yun? Oo malaki na yung tyan niya pero bakit siya nag susuot ng ganong damit? Para siyang teenager kung umakto. At saan naman siya pupunta? Buntis siya pero nagagawa niya paring mag-suot ng heels?

Sumasakit na yung ulo ko sa kakaisip ng mga posibilidad na ginagawa ni Samantha habang wala si Rod. Kaya siguro hindi napapansin ni Rod na may kakaiba sa kanya kasi busy siya sa trabaho niya.

Kailangan ko na talaga siguro siyang manmanan, alam kong delikado to para sakin at sa anak ko, pero kailangan kong pigilan kong ano man ang plano niya.

Dumiretso na ako sa kusina para makainom ng tubig, naabutan ko si Manang na kumakain.

"Ayy, Hija. Kumain kana ba?" Tanong niya.

"Opo, kanina pa po." Sagot ko.

"Sabay-sabay kayong tatlo?" Mapanuring tanong ni Manang.

"Ah, opo hindi ko naman alam na nasa baba na sila, kaya nagpasya na akong bumaba. Akala ko tulog pa sila eh." Naiilang kong saad.

Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon