Simula ng dumating dito si Samantha sa bahay, parang di ako makagalaw ng maayos, pakiramdam ko lahat ng kilos ko minaman-manan niya.
Kaya lagi akong nagigising ng maaga para mauna sa kanila, tsaka ngayong araw magtatrabaho na ulit ako sa kompanya namin, or let me say babalik na ako.
Kung noon ang pinaka-ayoko dito sa bahay ay ang sobrang boredom ngayon iba na, masyado ng maliit yung mundo para saming tatlo, when's she's around i feel so akward. Kaya mas pinipili ko nalang na gumising ng maaga para di nila maabutan.
Sounds rude pero ayokong magtagpo lagi yung mga landas namin.
"Hi, ma'am! Good morning. Blooming ah?" Saad ng isang empleyado ko, napangiti naman ako. "Hindi naman, Morning too." At nilampasan ko na siya, nagtaka naman ako bakit konti naman ang mga tao? Wala bang trabaho ngayon?
Kaya nagpasya nalang akong dumiretso sa Office ko, binuksan ko yung pinto, pero bakit madilim? Di ko maalalang pinapatayan nila ng ilaw yung office ko.
Ng buksan ko na yung ilaw, nagulat ako ng may biglang nagpasabog ng confetti, t-teka ano to?
"Welcome back, Waffaaa!!" They said in unison. Aw! I feel so special. At nag-unahan sila palapit sakin upang makayakap "Thankyou so much guys!" Sabi ko sabay yakap sa kanila isa-isa, how i miss them.
"We miss you so much, waffa!" Saad nila. Napangiti naman ako kahit papano. "I miss you too, guys!" Nakangiting saad ko.
"So kamusta ang buhay may asawa?"
Medyo natigilan ako sa tanong nila. Kung alam nyo lang. "Uh, okay lang."
Yun lang ang tanging naisagot ko sa kanila.Buti naman at tinantanan na nila ako, di na sila nag follow up Question, haay! Parang nasa hot seat ako kanina.
Kahit wala naman ako masyadong trabaho dito, mas pipiliin ko nalang manatili dito kesa sa bahay. Atleast dito marami akong makaka-usap. At makakagalaw pa ako ng maayos.
Wala pa naman akong gagawin dito sa office ko kaya nagpasya muna akong lumabas, as what i am expecting busy sila sa kani-kanilang trabaho.
Isa-isa naman nila akong binabati habang nadadaanan ko yung table nila, kaya mas napapangiti ako. Ang sarap sa pakiramdam.
"Waff! Sabay-sabay tayong mag-lunch mamaya ah? Madami ka pang ike-kwento samin!" Nakangising saad nila. Sila mga kaibigan ko dito, well actually lahat naman ata. Pero sila yung mas close sakin.
"Sure." Tsaka kung ano man yung itatanong nila sakin, handa naman akong sagutin, kasi kahit itago ko malalaman at malalaman din naman nila. Tulad ng pagbubuntis ko, di ko naman to matatago kasi medyo lumalaki na yung tummy ko, at tulad ng kay Samantha. Imposibleng hindi niya yan dadalhin dito.
Nag-file naman na siya ng annulment, kaya anytime soon. Pwede ng dumating yun, at ipapakilala na niya sa mga magulang niya yung taong mahal niya. Pipilitin ko nalang maging masaya na ko para sa kanya..
Kaya ng matapos ang kani-kanilang trabaho, sabay-sabay na kaming bumaba, hindi ko alam kung bakit pero mukhang excite na excite sila.
"San tayo kakain?"
"Stay put kalang dyan, waff. Kami na ang bahala." Nakangiting saad nila.
Isang sasakyan lang ang dala namin. At ng makita ko yung tanawin, mas na excite din ako, sa may gilid dalampasigan, kung saan may malaking puno. May malaking lamesa na puno ng pagkain, aw! Di ko napigilang yakapin sila isa-isa.
"Thank you so much guys! You make me feel so special." Naluluha kong saad. Habang naglalakad na kami patungong lamesa.
Ang ganda dito, masarap dito mamuhay.
Soon.. dito ako magpapatayo ng bahay, kasama ang taong mahal ko at mamahalin ako....
Kanya-kanya naman sila kuha ng pagkain, habang ako masayang pinagmamasdan sila, sana ganito nalang no? Yung laging masaya, pero hindi e. Ganon yung buhay, kelangan mabuhay sa realidad.
"Uyy! Waff kumuha ka na din ng sayo." Saad ni Jun. Kaya wala na akong magawa kundi sabayan sila.
"Guys, maraming maraming salamat talaga sa araw na to, kahit papano pinaramdam nyo saking special ako."
"Uhh! Ano ka ba wala yun, basta para sayo." Saad naman ni Emman.
Kaya ayun nag-umpisa na kaming kumain. At habang kumakain, kine-kwento ko sa kanila ang samin ni Rod.
Di naman nila maiwasang di malungkot at maawa, sabi ko wag nila akong kaawaan. Kasi yun yung pinaka-ayaw ko sa lahat.
"Alam mo waff, napakatatag mo. Kung siguro kami yung nasa sitwasyon mo di na ata namin alam yung gagawin namin." Saad ni Kaye.
"Tsaka imagine? Buntis ka pa tapos nakakayanan mo yung ganyang scenario?" Sabat pa ni Ella.
Ngumiti lang ako sa kanila.
"Mahal ko e, alam kong hindi yun sapat na rason para manatili pa sa kanya, pero kasi nangako ako sa kanya na kahit anong gawin niyang kalokohan, maghahanap at maghahanap parin ako ng isang rason para manatili sa kanya." Saad ko."I know my limitations guys, pag sobra na at di ko na kaya, ako mismo yung lalayo, at ako mismo yung maghahanap ng rason para palayain siya."
Kahit alam kong di naman siya naging akin..
"Basta waff! As your second family, andito lang kami ah? Tsaka ninong/ninang kami ni Baby ah?"
"Ofcourse!" Natatawang sambit ko.
"Nga pala ilang months na yang tummy mo?" Tanong ni Nathan. Nagtaka naman ako, ilang months? E mag si-six weeks palang akong buntis.
"Mag si-six weeks palang to." Saad ko sabay haplos sa tummy ko.
"WHAT!?" gulat na tanong nila, kumunot naman yung noo ko. Srsly? Ang OA nila ah?
"Seryoso ka girl?" Tanong ni Mina.
"Nagpacheck-up ka ba?""Oo naman." Naka kunot-noo kong saad.
"Pero waff, srsly? Baby ba talaga yung nasa loob ng tyan mo? Ang laki mo naman atang magbuntis?" Pabirong saad ni Cathy.
"Alam nyo kayo ang OA nyo, di pwedeng baka kambal lang?" Singit ni Jun. Napaisip naman agad kami sa sinabe niya.
Di ko mapigilang di mapangiti habang iniisip na baka sakaling kambal ang anak ko.
"Baka nga, basta girl, mag nagpacheck-up ka ulit balitaan mo kami ah?" Saad nila.
"Sure." At nagpasya na kaming bumalik sa building.
Sana magtapos yung araw ko ngayon na masaya, yung walang iniisip na problema....
"Welcome back, Miss Waffa!" Sabay sabay ulit na saad nila.
All i can say is...
Thank youu...
(Pakinggan nyo yung Monumento, habang binabasa tong chapter na to.😍)
(A/N: Holla peps! I feel sorry masyado atang sabaw yung Update, Thank you so much for Reading! Lovelots.)

BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomansaLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)