Broken

70.8K 1K 60
                                    

Nakakatawang isipin na nakatulugan ko nanaman ang pag-iyak, kahit ata siguro anong gawin ko. Hindi mawawala ang sakit dito sa dibdib ko, kahit siguro ubusin ko ang luha at lakas ko mananatili pa rin ito dito.

Nakakatulugan ko ang sakit ngunit dala ko parin ito sa pagmulat ng mga mata ko, how ironic. Dahil kahit sa nobela o ano mang kwento, hindi nadadaan sa pagtulog ang sakit. Days are passing like a blurr yet the pain will remain not until you already accept what really happened..

Gaya nga ng mga kwento sa nobela, wattpad, pocketbooks at kung ano-ano pa. Magiging masaya ka lang kung marunong kang tumanggap ng katotohanan at kung marunong kang magpatawad sa mga taong nagkaroon ng kasalanan sayo.. which is true. Wag mong haayaang matabunan ng galit at poot ang puso mo.

I decided to got up from my bed, masyado nang malalim ang mga iniisip ko ni wala nga akong ideya kung bakit doon naglakbay ang isipan ko. At yung tungkol kagabi kahit hindi ko isipin alam kong si Ethan ang nagbuhat sakin papunta sa kwarto ko, hindi ko alam kung saan ako nakatulog basta pagmulat nalang ng mga mata ko nakita kong nasa kwarto na ako.

Kusa namang nag-flashback sa isipan ko ang nangyari kagabi, at napapikit ako ng mariin sa naalala.. nakakahiya argh! Pinagsusuntok ko ang dibdib niya kagabi while blaming myself for what happened about my baby gosh! I shouldn't do that! Masyado akong nadala sa emosyon ko, pati tuloy ang taong nasa tabi ko lagi ay nadamay, I sighed.

Dumiretso muna ako sa closet para kumuha ng damit, nagpasya muna akong maligo bago bumaba. Marahil ay pupunta muna ako sa hospital para puntahan ang mga anak ko't sila Mommy't daddy. Napag-isipan ko rin na dadalhan ko sila ng lunch, at dun na din ako kakain para kahit papano, I have time for them kahit ano pang problema ang dumating.

Being them on my side is on my comfort..

I'm so blessed for having a parents like'em, yung tipong handa nilang bitawan yung lahat para sakin, that's the reason why I love them so much. They're the perfect parents for me, that you've could never ask for more.. because God gave you more than enough to ask for what's unreachable..

Patuloy sa pagdaloy ang tubig galing sa shower, kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko.. here I go again thinking about the painful truth.. wala na akong ginawa kundi ang umiyak, kahit kasi abalahin ko man ang sarili ko sa ibang bagay nanunumbalik pa din ang mga nangyari, seems like i'm inside the cave and trying to escape in the middle of darkness.

Pinihit ko pasara ang shower at nagsimula nang magpunas ng kawatan, agad naman akong nagbihis ng makapag-luto na. Hindi ko alam kung sino ang naiwan kagabi sa baba at nag-asikaso ng mga tao, tho konti lang naman ang mga nagpupuyat. Mga friends and relatives lang nila Mom tsaka dad. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila sa pagpupuyat para sa munti kong anghel but then nakaramdam ako ng hiya, dahil sa pagtulog ko kagabi.

Nagpasya na akong bumaba pagtapos kung mag suklay ng buhok. It's already 8:30 magluluto pa ako ng lunch para kina Mommy't daddy, tsaka I am not yet sure kung andun parin sila David at Ethan, pero para sigurado isasabay ko nalang sila.

Nag-umpisa na akong maghanap ng pwedeng lutuin sa ref, good thing kahit papano may mga stock pa dito sa bahay, I decided to cook tinolang manok which is pinaka-madali. Tsaka kailangan ko na ring mag-madali, I wanna see my babies..

Sinimulan ko ng hiwain ang mga ingredients then the chicken then sinalang ko na, I just need to wait few minutes before turning off the stove. And good thing kahit papano nakalimutan kong may mabigat akong pinagdadaanan but it is just for temporary, I know later on babalik nanaman ako sa realidad..

Nang maluto na tinikman ko muna to kung okay na ba, and that's it! Okay na siya masarap! Kaya kailangan ko agad tong madala dun sa hospital bago lumamig. Tiyak na masasarapan sila Mommy kung mainit pa.

Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon