Nang makaalis na sila Precious, nagpasya narin akong umuwi. Kaya dumiretso na agad ako sa sasakyan ko. Pinagbuksan naman agad ako ni Manong.
I was smiling all the time, i'm happy and contented for having a triplets.
Kaya habang nasa byahe kami ni Manong, parang baliw ako na nakangiti. Panay din ang tingin ko sa ultrasound ko.
"Good news ba yan hija? Kanina pa kita dyan napapansin na pangiti-ngiti ah?" Natatawang usal ni Manong.
"Yes naman manong!" Nakangiting saad ko.
"Talaga? Mag share ka naman dyan, anak."
"I'm having a triplets manong!" Hyper kong saad. Wala ng mas sasaya sa araw na to.
"Good news nga, anak! Congrats. Kailangan mo mag doble ingat, lalo na't tatlong bata pa naman ang nasa loob ng tyan mo." Traffic pa kaya, ito kami nasa gitna ng kalsada, but i don't mind.
"Oo naman po, Manong." Habang hinaplos ang tummy ko, gawd my Dear babies, you really made my day! Thank you and i love the three of you, with all my heart.
Hindi na ako makapaghintay na ibalita to kay manang, for sure she'll be happy for me too. Kahit papano, hindi ako mahihirapan sa pagbubuntis, dahil meron akong manang na katuwang.
God is really good all the time..
Dahil sa kabila ng mga nangyayaring hindi maganda sa buhay ko, meron talagang darating na maganda. Kaya araw-araw akong magpapasalamat sa kanya sa pagbigay nito sakin.
"Ah, hija." Naiilang na saad ni Manong, bakit?
"Bakit po manong? May problema po ba?" Nag-aalala kong tanong.
"Easy lang hija, may itatanong lang naman ako, pero hindi ko alam kung saan ako mag-sisimula." Pilit ang mga ngiti ni manong sakin. Ang weird huh?
"Sige na po, ano yun?" Nakangiting saad ko para hindi siya mailang. Sa tagal ba naman naming magkasama, ngayon pa siya maiilang?
"Uh, ano kasi hija? Tanggap ba ni Rodleigh yan anak?" Nahihiyang saad ni Manong, i knew it! Na yun ang itatanong niya, syempre matagal ko ng pinag handaan ang bagay na to, dahil kahit anong gawin ko. May magtatanong at magtatanong parin kung sino ang ama ng mga anak ko o kung meron nga ba.
Syempre pag na annul na kami, at lumipat na kami ng bahay ng mga anak ko, ang iba mag co-conclude kung may ama ba ang mga anak ko, ofcourse! Too bad, isang pagkakamali lang sa kanya ang mga to.
"Uh anak, pasensya na. Masyado atang personal ang natanong ko." Saad ni manong ng hindi makatingin sakin.
Ngumiti naman ako. "No manong, it's fine. Pinaghandaan ko na din naman ang mga bagay na to. And to answer your question, hindi po. Hindi po sila tanggap ni Rod, tsaka sinabe niya sakin noon na sabihin dito sa mga anak ko na isang pagkakamali lang sila, na pagsisisihan niya habang buhay." Nakangiting saad ko, and for the 1st time, habang binibitawan ko ang mga salitang yun, hindi bumigat ang pakiramdam ko, which is a good thing, finally..
"Kahit anong mangyare, nandito lang ako bilang pangalawang tatay mo." Nakangiting saad naman ni Manong. Ang swerte ko talaga sa kanila.
"Salamat po." Sinuklian ko din siya ng isang sensirong ngiti.
Isang oras din ata ang naging byahe namin ni manong pauwi, ang tagal umusad ng traffic.
Katulad din ng puso, kahit gano to nasaktan. Wag kang mag-alala balang araw uusad din yan, pero kailangan mo gumawa ng paraan para maka-usad.
Bumaba na agad ako ng sasakyan. "Manong, mauna na po ako, thanks po!" at pumasok na sa loob ng bahay.
Kahit nadatnan ko si Rod at Sam na nasa sofa, dedma lang. And as usual, nanonood sila ng TV, pero pwede nadin silang panoorin, just kidding.
Nadatnan ko naman agad si Manang, naghuhugas ng pinagkainan.
"Hi Manang!" Energetic kong saad.
"Oh, hija mukhang good news ah, maupo ka muna. At kwentuhan mo ako." Excited na saad ni Manang.
"Manang, i'm having a TRIPLETS!" Nakangiting saad ko habang pinagdiinan ang salitang triplets.
Nanlaki ang mga mata ni Manang, tila di makapaniwala. "Seryoso hija? Kaya pala ang laki ng tyan mo. Akala ko malaki ka lang talaga magbuntis, tatlo pala ang nasa tyan mo." Natatawang usal ni Manang.
"Hija, kailangan doble ingat lalo na't tatlong bata ang nasa sinapupunan mo. Wala pa naman ako sa tabi mo minsan" Saad ni manang habang inaabot sa kamay ko ang brown envelope.
"Opo, manang. Wag kayo mag-aalala, iingatan ko sila." Nakangiti kong saad.
"Anong sabi ng doctor mo hija? May mga bawal ba?" At umupo siya sa tapat ko.
"Wala naman pong bawal sa kung anong bagay, pero wag daw po akong gumawa ng mga mabibigat na trabaho, katulad ng pagbubuhat." Habang nakahawak sa tyan ko.
"Tsaka, healthy naman daw po sila." Sana mailabas ko sila ng maayos.
"Ayy, nako kaya pala hindi matanggal ang mga ngiti dyan sa labi mo, eh napaka-gandang balita ba naman nyan. Ipagpatuloy mo lang ang pagkain ng prutas at gulay araw-araw pati na rin ang pag-inom mo ng gatas." Tuloy-tuloy na saad ni Manang.
Ang swerte ko sa kanila ni Manong.
"Manang, maraming salamat po sa inyo ni manong ah? Kasi kahit papano hindi nyo ko pinapabayaan, salamat sa pagturing nyo sakin, bilang totoong anak nyo. Kaya manang, kahit anong mangyare nandito lang po ako." Emosyonal kong saad habang niyayakap si Manang.
It really feels good that there are people who's caring for you...
Yung pag aalagang, minsan kong hiniling na ibigay nya sakin, pero sa ibang tao ko nakuha..
There are people who's not meant to fit in your life...
And you need to be thankful for the lil things you have, coz there are people with nothing. But still they can manage to smile...
I'm not lucky, i'm just blessed by God for having them in my life..

BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomanceLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)