Ilang beses akong nakatanggap ng tawag mula kay Rodleigh, but i didn't bother to answer it. Hindi ko malaman kung bakit ako buryong-buryo sa kaniya! Just because he made a move without telling us?
What? I don't know!
Hinayaan kong mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Bago ako pumasok ng bahay ay sinabi ko sa Alexis na iyon, na hindi siya ang kailangan ko kundi ang head nila.
Mean or whatever, i really don't care! Kaysa naman makipag-plastikan ako, edi pinahirapan ko na din sarili ko sa pag-akto, e kung pwede naman maging totoo. And one thing, i am not an artist. Hindi nababagay sa akin ang pag-arte!
Marahas akong napabuga ng hangin bago naupo sa sofa. Why i feel so upset? I am not like this! At iyong inakto ko kay Alexis, hindi naman ako ganoon! Pero bakit nagka-ganon?!
Was it the start becoming a bad person?
Napa-angat ako ng tingin ng maramdaman kong may umupo sa kabilang gilid ng sofa. My face automatically softened when i saw his face, i feel at ease. Inihilig ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib at iniyakap ang dalawang kamay sa baywang niya. I'm acting as if i'm tired, when the truth is I am not.
"What's wrong? Kanina pa nagba-vibrate yung cellphone mo." Saad niya habang sinisilip ang mukha kong nakahilig sa dibdib niya.
"It's Rodleigh, hon." Walang pag-aalinlangan kong sagot.
"Then.. why do you not answering his call? It might be important."
"It's about Keisxia's birthday party event organizer."
Tiningnan niya ako ng may nalilitong ekspresyon. "Something is wrong? Bakit ayaw mo siyang kausapin?"
Umalis ako sa pagkahilig sa dibdib niya at hinarap siya.
"I'm pissed." Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ako.
"Just because he made a decision without telling us! Now tell me, sino ang hindi maiinis doon? Kung hindi niya pa pinapunta ang Alexis na iyon dito ay hindi ko pa malalaman na mayroon na palang event organizer! The worst is hindi pa iyong head ang pinapunta niya dito!" Nanggigigil kong saad.
"This is the first time i saw you like this." May kumakawalang ngiti sa mga labi niya. Ano ang nakakatawa sa sinabi ko?
"What do you mean? And why are you smiling?" Naka kunot-noong saad ko.
"Nah. I just realized something. Atleast, i now know it will not be hard for me." Here he goes again! Ano ba iyang mga pinagsasabi niya? Hindi ko pa nga maintindihan iyong mga nauna, meron naman?!
I can't let it pass! Not this time!
Hinarap ko siya at tiningnan ng matiim. "Tapatin mo nga ako, Eko. Ano ba iyang mga pinagsasabi mo sa akin? Bakit parang lahat ay double meaning? Why i have this feeling that you'll leave me?"
"It's not that, hon--"
"Then what?"
"Look, hon. We don't know what will happen in the near future." Pabulong niyang saad. Napailing ako, mas lalong na frustrate sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano iyon isiksik sa utak ko upang intindihin!
"What exactly are you trying to say? Linawin mo naman, hindi iyong nababaliw na ako sa kakaisip kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon."
"I can't.. hindi mo rin maiintindihan." Hindi ko alam kung magagalit ako sa kaniya o maiinsulto. But i don't have enough time for those nonsense things.
Tumayo ako sa harap niya at nameywang. "That's it! Paano ko maiintindihan kung ayaw mong sabihin at ipaintindi sa akin! We're not playing guessing game here, Eko! It's about our relationship!" Mariin kong turan sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomansaLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)
