Dapit hapon na nang magising ako. Bumaba ako para ayusin ang mga pinamili ko, at ilipat sa kwarto ko. Ngunit pagdating ko sa sala wala paring bakas nila Mommy at Daddy.
Napabuntong-hininga nalang ako, business nanaman siguro ang pinagkaka-abalahan nila. Kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit para sa mga anak ko.
Pero syempre nagpatulong ako sa mga kasambahay, hindi ko naman kayang gawin lahat yun, lalo na't medyo mabibigat. Pinaakyat ko kay manong sa kwarto ko ang tatlong crib samantalang kela manang naman yung mga damit, bottles at kung ano-ano pa.
Ang sabi ko lang sa kanila ay tulungan ako, pero hindi nila akong hiyaan mag-buhat ng kung ano, baka daw mapano pa ko, kaya ayun sila ang gumawa. Hindi na ako kumontra.
Tumungo ako sa sala at umupo sa sofa, habang pinapanood sila sa pag akyat-baba. Nagpasya akong tawagan si Mommy, ilang ring palang sinagot niya na.
"Mom? Where are you po? Where's daddy?" Bungad ko sa kanya.
"Ah, hija. May inaasikaso lang kami, don't worry uuwi kami mga 8pm siguro." Napabuntong-hininga nalang ako sa narinig. Why i suddenly felt this way?
"Okay, Mom. Bye take care, ibababa ko na po, I love you." Pinatapos ko muna siya sa pagsasalita bago ibaba ang tawag. Hays, kelan kaya ulit kami makakapag-family bonding?
Wala sa mood ngayon, kaya halos isang oras ako nakaupo sa sofa. Ni hindi ko nga binuksan ang TV, Quarter to 8 na pero wala pa sila. Ilang beses na akong tinawag ni Manang para mag-hapunan pero, nagsa-walang kibo ako. Parang bigla nalang ako nawalan ng gana.
Pero hindi pwedeng hindi ako kakain ng hapunan dahil lang sa ayaw ko, kelangan din yun ng katawan ko para sa mga anak ko, gusto kong lumabas sila ng malulusog kaya kailangan kong kumain.
Nang magsawa ako kakahintay, nagpasya na akong tumungo sa kusina para kumain at uminom ng gatas, upang maka-tulog na agad. Hindi ko na lang sila hihintayin, baka may importante talaga silang gagawin, may bukas pa naman.
Kakausapin ko lang naman sila kong may time ba sila para mag family bonding, kahit saan, kahit isang araw lang ayos na sakin, as long as I'm on them. I miss them so badly, kaya habang andito sila, might as well grab the chance.
Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko lang ang pinagkainan ko at uminom na nang gatas, bago tumungo sa kwarto. Nang makarating ako dun, napangiti ako nang makita ang tatlong crib at mga gamit ng mga anak ko. Ini-imagine ko palang na andyan silang tatlo sa sarili nilang crib, umaapaw na ang sayang nararamdaman ko.
Ilang months nalang babies, magkakasama na tayo...
Hinaplos ko muna isa-isa ang mga gamit nila bago nagpasyang humiga. Hindi pa naman ako inaantok kasi anong oras na akong nagising, hindi sa ayaw ko sa sala, pero kasi mas komportable ako dito.
Nang magsawa ako kakahiga sa kama, bumangon muna ako at tumungo sa may veranda, naramdaman ko agad ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko, napapikit ako at mas lalong dinadama ang malamig na ihip ng hangin.
It really feels good..
Idagdag mo pa ang mga ilaw sa paligid, sobrang nakaka-gaan sa pakiramdam, lalo na't madaming bituin sa langit. Napahawak ako sa tyan ko at ngumiti habang dinaramdam ang sariwang hangin.

BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomansaLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)