Kinabukasan
As usual maaga akong nagising, nakasanayan ko na kasi, sa dahilang ayokong magtagpo ang mga landas namin kahit sa umaga lang.
And before i go downstairs, i'll make sure that i already do my thing, or let me say Routine. Ayokong magduwal doon sa kusina, i don't know why pero ayaw ko lang.
Bumababa lang ako pag nagbe-breakfast after that aakyat ulit ako para kunin yung mga gamit ko para sa opisina.
Ganon lang ang papel ko dito sa bahay. trabaho sa opisina, kumain at matulog. Sila? Hindi ko alam. Pag weekend umaalis ako ng bahay. Saturday for check-up, sunday kung saan ako makakapunta, it's either kay Precious o kela mom and dad.
Pero pag-umuuwi ako wala naman akong nadadatnan dito pwera nalang kay Manang.
Siguro nagpapacheck-up din sila tapos after nun kakain sa labas.
Magdadalawang buwan at kalahati na daw kasi ang pinagbubuntis ni Samantha, at ang sakin naman ay mag-iisang buwan hindi ko alam pero parang may mali. Hindi naman sa pinagdududahan ko siya pero it's almost 6 months after their break-up.
Tapos ngayon palang siya nabuntis ang nakakapagtaka pa dun is magti-three months palang, ano yun? 3 months bago siya nabuntis? Eh pag ginawa nyo yun yung bagay na yun after one month malalaman mo na. Eh bakit yung sa kanya kakaiba? Hindi kaya? Iba yung tatay ng anak niya? Aish! Bakit ko naman naisip yun?
Baka na-delay lang yung pagbubuntis niya, pero pwede naman yun malaman pag nagpacheck-up sila eh. Hindi siguro napansin ni Rod yung pagbubuntis ni Samantha, ganon nga talaga siguro pag nagmamahal.
Hindi mo makikita yung pagkakamali ng partner mo o kakulangan, as long as masaya ka sa kanya.
Isang tingin mo pa nga lang sa kanila, malalaman mo na kaagad kong gano nila kamahal ang isa't-isa.
Inabot ako ng isang oras sa loob ng kwarto ko sa kakaisip sa bagay na yun, which is hindi ko dapat ginagawa. Ako yung nag mumukhang kontrabida sa isip ko, pero palaisipan kasi ang pagbubuntis niya. Masyadong nakakapagtaka.
Ano man ang mangyare sa kanila, labas na ako dun. Wala akong papel sa buhay nila, kaya hindi dapat ako nag iisip ng mga ganong bagay tungkol sa kanila.
Kung si Rodleigh o sino man ang tatay ng batang dinadala ni Sam, problema na nila yun.
As long as nandito ang anak ko okay na ko, ang maalagaan ko siya/sila ng buong pag-iingat ay kampante na ako.
At opo, baka daw po kambal ang anak ko sabi ni Doktora. Next-next month pa daw namin malalaman sa check-up ko, hindi pa naman confirm na kambal nga, pero feeling ko talaga oo.
Nagpasya na akong bumaba pagkatapos kong magsawa sa kakaisip ng mga bagay-bagay, tumungo na ako sa kusina para makakain na ng almusal, ngayong araw male-late ata ako sa opisina.
Umurong ang mga paa ko sa paglalakad sa nakita ko, tila ba di ito makagalaw, parang nakapako.
Samantha was standing near the kitchen sink, and doing something. While Rodleigh standing next to her hugging her from the back...
Pinilit kong makaalis sa kinatatayuan ko at pumasok na sa kusina, hindi dapat ako nagkakaganito lalo na't nasa harap ko sila.
"Uh, Morning." Trying to lighten up my mood.
"Morning too." Sabay baling nila sa akin.
Dumiretso na ako sa lamesa para kumain, nakahanda na ang meryenda ko pati gatas, si Manang siguro yung naglagay.
Kada araw kumakain ako ng gulay o prutas minsan siomai, hindi pwedeng wala ni ultimo pag inom ng gatas. Kahit ayaw ko kailangan para sa anak ko. Gusto kong lumabas siya ng malusog.
Sabay-sabay kaming tatlo sa hapag- kainan ngayon, sobrang akward pero di ko naman magawang tumayo, parang nanghihina ang mga tuhod ko.
"Waff, you're not going to your office starting this day, instead stay here at home and look after sammy." Wait what? Tama ba ang narinig ko? Ayaw niya kong pag trabahuin para may kasama si Samantha?
"But--."
"No buts, Waffa." Malamig niyang saad.
Dang! This can't be, baka hindi ako magtagal dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag kami lang dito. Dito na ba mag-uumpisa ang kalbaryo ng buhay ko?
I need to talk to my Parents.
"And btw, i already told these to your parents about this thing, i said you're pregnant and your not allowed to work." Saad niya.
Shocks! This can't be happening!!
Nawalan na ako ng gana sa narinig ko, anong magagawa ko? Nakakapanlumo.
Di ko siya kayang makasama na kaming dalawa lang, oo nandito si Manang pero, hindi pa rin ako sa sanay na nandito siya, parang di ako makahinga ng maluwag.
Wala akong magagawa kasi hindi ko naman to bahay, parang ako nga lang yung nakikitira sa bahay nilang dalawa eh, siguro magkukulong nalang ako sa kwarto buong mag-araw. Pero hindi pwede kelangan kong kumain at mag-exercise!
Bahala na..
Tumayo na si Rod sa hapag at hinalikan si Samantha sa labi, napaiwas nalang ako ng tingin.
"Bye babe, I love you. Take care of our baby." Nakangiting saad niya.
"I will babe, I love you too."
Kaming dalawa nalang dito ngayon ang naiwan sa hapag.
Bumaling siya sakin na malaki ang ngisi. "Alam mo ba yung pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo?" Mapanuya niyang tanong. "Uh, i knew it! Hindi mo alam kasi, hindi ka naman mahal ng taong mahal mo, ang masakit pa dun ay nasa harapan mo yung taong mahal ng mahal mo." At tumawa siya ng nakakaloko.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko, parang natameme ako.
Yung tipong alam mo naman, aware ka naman pero may mga tao talagang kelangan pa sayo isampal ang katotohanan, sa dahilang gusto ka pa lalo nilang masaktan..
"Alam ko yun, aware ako. Syempre nakikita ko, at hindi mo na kailangan isampal pa, kasi sa araw-araw na pagsasampal ko ng katotohanan sa sarili ko, feeling ko nakadikit nato sa pagmumukha ko, yung tipong pwede mo ng mabasa at maipadala sa mga drama." Saad ko at tinalikuran ko siya.
Hindi ko alam kung saan ko hinugot
ang lakas ng loob ko para sabihin yun sa kanya.Ang tanging alam ko lang ngayon ay
Nasasaktan nanaman ako.At ito na nga talaga siguro yung umpisa ng kalbaryo sa buhay ko...
(A/N: Sabaw ba?😭 Sorry na.)

BINABASA MO ANG
Heartless Husband
RomanceLoving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I stop? (Ps. This story is TagLish)