End

40.3K 464 16
                                        

Hindi ako nagkamali ng hinala. Inaasikaso nga talaga nila ang kasal ko, wala akong naging komento sa kung ano ngunit hindi ko maiwasan ang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

They were rushing it siguro ay naisipan nilang baka magbago ang isip ko kahit alam kong alam nila na hindi ko kayang ipagpalit ang kalayaan nila para sa sariling kaligayahan, that was the selfish act i could have done kung sakaling siya ang pipiliin ko sa kanila.

But i already make up my mind.

Hahayaan ko nalang ang sarili ko na umayon sa kung anong gusto nilang mangyari at gawin. Kung sana sa una palang ay ako na ang naging mapagbigay, edi sana sa pagkakataong ito ay may karapatan akong gumawa ng sariling desisyon.

Today, i'm with my bestfriend Precious and Elle. Our sudden meet up somehow pleased me.

Precious expressed how she misses me, ganon din ako sa kaniya. It's been a while since the last time we saw each other.

Good news is what she always bring while the opposite is mine.

"I'm so excited to know my baby's gender!" It made me smile, samantalang si Elle naman ay mukhang gulat na gulat pa. I feel so happy to my bestfriend because she is already settled and their family stepping in to make it more huge.

"Sa'yo palang, madami na akong inaanak. Why do i feel like i will be broke?" Biro ko. Nagtawanan naman sila, it's like just a normal day for us.

Pipi akong humiling na sana ay hindi mabaling sa akin ang topic, sana ay madami pang ma-kwento si Precious nang sa gayon ay hindi na magkakaroon ng puwang o butas para ipasok sa usapan ang mga naganap sa akin.

I pity myself for all the unpleasant things that is happening to me and my child. I feel like it's the world itself that against us to be happy.

Siguro ay sa akin lang, nadamay lang ang anak namin. Parang mali talagang ipagtagpo kami kasi parang lahat ay konektado sa bawat desisyon na pipiliin namin.

Ngunit sa pagkakataong ito ay pinili ko ang mas makakabuti sa lahat dahil naniniwala ako na sa bawat paglipas ng panahon ay unti-unting maalis ang sakit at maghihilom ang mga sugat.

Making decisions in life is not facile. Specially when you have choices but you're having a hard time to choose because those are has the biggest part of your life. But the worst part is, wala ka ring choice kung hindi ang pumili dahil hindi rin pwedeng hindi mamili.

The essence of life is much more clearer now.

Tuloy-tuloy ang usapan nila nanatili nalang akong taga-ngiti nila. I feel jealous to those people who already had their happiness despite of all the hindrances that blocked their way to reach and see the light of sunshine.

Was i only put here to sacrifice and watch people wonderfully smiling in the world? Kailan kaya iyon mangyayari sa akin? Even not everyday, but atleast put the source of it in my hands?

Kahit iyon nalang sana ang ipaubaya sa akin.

Umayos ako sa pagkaka-upo nang mabaling ang kanilang atensyon sa akin. I was just acting busy with my food, pero alam kong hindi makakatakas sa kanila ang alibi ko.

"Mind to share us what has been happening to you?" Ani Precious. There's a thrill on her voice that made me feel more down.

"Oo nga. I've asked your mom about you dahil hindi kana pumapasok ng opisina."

I face them both bravely. Hindi naman makakatulong ang pagtago nito sa kanilang dalawa, they will still know about it. At hindi ko naman maitatago ang magiging asawa ko habang buhay, so why would i bother conceal whoever it is?

Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon