Short Story: Four Letter Lie

25 0 0
                                    

Ashiteru's P.O.V.

"Hey, anong ginagawa mo?" Bungad na tanong ni Bianca sa kanya pagkapasok nito sa kuwarto niya. Nagtataka ito dahil magulo sa loob at nagkalat ang mga gamit. Ni hindi nga niya namalayang nakapasok na ang kaibigan kung hindi pa ito nagsalita at nagtanong. "Anong drama yan?" Dagdag pa nito ng hindi pa din siya sumasagot. Hindi niya din kasi alam kung papaano niya sasabihin na may malaking dagok siyang pinagdadaanan. Hindi pa siya handang ikwento ang tungkol doon. "Why are you keeping all your love life's memorabilias into that box?" Tanong na naman nito habang papalapit sa malaking kahong nasa tabi niya. Hinalungkat nito ang ibang gamit na nakalagay na doon. Tahimik pa din siya samantalang ang kaibigan niya ay patuloy pa ding tanong ng tanong. "What happened? You two broke up?"

"What happened? You two broke up?" Patuloy na nag-eecho sa utak niya. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kirot sa puso niya. Sa huling tanong nito, para na rin ata siyang sinaksak ng kaibigan. Sa totoo lang, naiinis na siya dito. Kung pwede niya lang sanang sipain ito palabas ng kuwarto niya dahil sa mga pagtatanong nito at pag-uungkat ng sugat sa puso niya. Pero naisip niyang hindi naman din makatarungang gawin niya yun sa isang kaibigan. Kung bakit pa kasi naabutan siya nitong nag sosort out ng gamit. To what Bianca referred to as her 'lovelife's memorabilias'. Napapailing na lang tuloy siya.

"Love. Is a four letter lie." Ang nasabi na lang bigla ni Ashiteru kay Bianca habang sinusubukang tapusin ang ginagawa. "Ay! Bitter ang lola mo? So Ash, tell me what happened," pangungulit na naman nito. Naisip niyang hindi siya tatantanan nito dahil kilala niya itong assertive. Pero wala siyang balak magpatalo dito. Nakapagdesisyon siyang hindi na muna siya magkekwento. Hindi pa siya handa. Not now, she said to herself.

"Ikaw Bi, tsismosa ka talaga! Samahan mo na lang ako sa parlor. Magpapagupit ako. 'Di ba matagal mo na ding gustong magparebond? This is it. Don't worry, my treat." "Ay taray! Bongga! Yan ang gusto ko sa'yo 'pag na dedepress ka, nagiging generous ka bigla. Samahan mo na din ng pedicure at manicure ha?" Natatawa na lang siya dito. Mabuti na lang at alam niya ang kahinaan nito. Mahilig talaga itong mag-ayos at magpaganda. Ito lang din ang nagtuturo sa kanyang manamit na parang class ang dating. Makulit at jolly itong kasama kaya okay na din siyang dinalaw siya nito. "Oh siya, tara na!", yaya niya sa kaibigan. Tinuro ni Bianca ang mga gamit niya na nagkalat pa rin sa sahig, "Eh paano yang mga yan?" "Halos tapos naman na ako. Ililigpit ko na lang yang iba mamaya pag-uwi ko." Kumuha siya ng tape. Pagkatapos selyuhan ang malaking kahon na nasa tabi niya ay binuhat niya ito, "At ito naman, sa basement nababagay."

Troy's P.O.V.

"Oo nga pare, sobrang namiss ka namin!" Both Kevin and Jake greeted him with their friendship sign. Matatapos yun na kapwa nila sasabihan ang isa't-isa ng 'Bang bang bang' with a gun pointer finger. They were in Kevin's bar, Cloud Nine.

"Welcome back! Hey dude! Long time no see. Akala ko ayaw mo na talaga sumama sa gigs. I'm sure you missed playing in the band. Sayang. Andaming naghahanap sa'yo. Puro chicks 'pre!" Wala naman siyang pakialam sa sinasabi ni Paul na kabanda din niya kasama nina Kevin at Jake. Pero hindi na siya nagulat dahil likas na playboy ito. Late itong dumating dahil busy ito kanina na nakikipag-usap sa isang magandang babae.

Tumigil siya sa pagtugtog simula ng makilala niya si Ash. Mahal na mahal niya ito that he gave up music for her. Pero nasayang lang ang lahat. He thought, by being back.. Music may help him let go. And eventually, move on. Mahal din niya ang musika. At dito na lang niya ulit itutuon ang atensyon at panahon niya. That's why he decided to come back to Cloverleaf, his band's name. Laking pasasalamat niya na tinanggap naman siya ulit ng mga dati niyang kabanda. Siya na ulit ang lead guitarist. Ayaw na din naman kasi ni Liam, yung pumalit sa kanya dahil sa sobra daw itong nape-pressure. Gusto na nitong mag-quit kaya laking pasasalamat nito sa kanya ng bumalik siya. Umamin kasi itong napilitan lang itong tumugtog dahil kay Paul.

A Teacher's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon