In Time

59 0 0
                                    

November 17, 2014

Monday

"Time waits for no one."

Ambilis-bilis tumakbo ng oras. Para kaming naglalaro ng habulan. Yun nga lang ako ang taya~

Pakiramdam ko, lutang ako. May point namang manermon si mama sakin. These days, I always hear this line, "Hindi ka na nagpapahinga." Oo nga naman. I do feel restless. Parang kabi-kabila ang commitments. Gala kung saan. Meet old friends. Hang out with EJ. Do routine tasks.

Monday again. Meaning, makikipagbunuan na naman ako bilang buhay guro.

As usual, nakasalubong ko ulit si Kuyang Bigotilyo. He greeted me, "Good morning ma'am", na may kasamang smile. Ok. Sige na nga. Mukhang buong weekdays, ganito ang magiging senaryo. Binati ko na rin siya, "Good morning din". Lakad dere-deretso. Walang lingon-lingon.

Ang agang task. Pagdating ko, pina double check sakin ni T. Josie ang mga test papers for the Mastery. May mali kasi sa list. I was able to figure it out. Actually, nung Thursday pa.

May damaged ata talaga ang utak ko. I wasn't able to manage my to do list today. I realized na ang dami-dami ko pa palang kailangang idiscuss. And it's hard to cope up dahil nga nakikipaghabulan ako sa oras. Isama pa ang pakikipagsabayan ng estudyante sa pagsasalita. Nakakainis. Mabilisang turo na naman. Wala na namang mastery ang mga bata. Wala rin naman akong choice kung hindi magpasagot at bugbugin sila ng gawain dahil kailangan naming tapusin ang mga dapat tapusin.

Then there's also an upcoming clearance. There's a need to accomplish a lot of paperworks. Lesson plan. Inventory for clinic. Anectodal record at kung anik-anik pa.

Juice colored. Ang daming hirap pa na dapat kong pagdaanan bago ko makarating ng Disneyland. :(

Naisip ko rin ang pagsubok pagdating sa gastusin. Nararamdaman ko na ang kahirapan na maibalik yung ipon ko. Kung matatandaan, nagalaw ko yung ipon ko para mabili yung 'bago kong laruan'. Mukhang worth it naman pero sana hindi ako kulangin ng pera paglipad ko papuntang Hongkong. Katulad ng pinangangambahan ko sa mga nagdaang araw, baka hindi ako makabalik ng Pilipinas kapag nagkataon. Naisip ko nga.. Magpaiwan kaya ako? Papasok akong domestic helper. :D

-*-*-

May sakit si T. Shane. Pakiramdam ko ako rin. Pwedeng dahil sa over fatigue. Sobrang nakakaramdam kasi ako ng antok. Ang sakit pa ng ulo ko.

But I have no regrets. If I want to spend time with the people I love, I need to sacrifice my own time for myself. Besides, it brings me happiness. Yun na nga lang pinagkukunan ko ng inspirasyon para naman ganahan akong gumising araw-araw.

Pero disappointed ako sa sarili ko ngayon. Pakiramdam ko, wala man lang akong na accomplish ngayong araw na 'to..

Hindi rin ako nakabili ng pamprize ko para sa grade 3. Nangako ako sa kanila na makakatanggap sila ng prize dahil may improvement sila sa spelling, pero hindi na rin ako nakalabas kaninang lunch. Hindi na ko lumabas kasi pakiramdam ko any moment, I would pass out.

Hindi ko alam kung anong dapat gawin. O unahin. Ber month. Mas mahaba daw ang gabi kaysa sa araw.

****

Ang kulit ng mga tanong ni Bryan. Mukhang good mood siya today unlike the other days last week.

Sentro siya ng isang nakakagulat na balita. Iba talaga ang idinudulot ng selos at inggit. Buong akala ko pa naman, nakakatulong ako para mapagkaiba nila yung tama at mali. Sana hindi na lumala. Everyone has a unique personality. May kanya-kanyang pwedeng ipagmalaki.

Don't do bad things to other people para hindi ka magmukhang kontrabida. Hindi ba mas maganda kung ikaw ang bida sa sarili mong istorya? Don't settle for the kontrabida or extra. Write your own story. And make a good one. I hope whoever reads this realizes his/her own worth. And stop acting like a pathetic person.

-*-*-

Before T. Donna and I queued up for the jeepney bound to Pateros, we dropped by at Unimec and ate quail eggs. Hindi ako nakuntento kaya kumain pa ko ng siomai.

-*-*-

Earlier, I received a call from Auntie Josette. When I got home, naabutan ko si Kuya Godi checking Alexa's (his car) tires on the side of the street. He gestured to me to go near him. He gave me a paper bag with clothes that should be given to Zaira. He also asked me to call mom and tell her that he's already waiting outside. Punta pala silang Zambales para makipaglibing sa mama ni Uncle Rey Canonizado. Oh. So I guess that's the reason Auntie was trying to call me.

-*-*-

Before going to sleep, I tried to explore the features of my new phone. Astig rin pala talaga ang Iphone. Tama si Alex. I was able to download some new apps for it, even few songs. Hindi ko lang fully maaral kung paano gamitin because I only have strong Wifi connection in school. But best of all is my Wattpad. :}

I went online on Facebook and changed my display and cover photo that Aileen and I took last night in SM Aura. We were amazed with the man-made dandelions in the Sky Garden. Then, I sent the other photos to her. I also sent Chrisha and Angel's photos to our group in Messenger. Ang cool din pala ng pictures namin, they entitled the album Patriunion.

I had a lot of comments with my new DP. Parang gusto ko tuloy dalasan ang pananamit ng babae. Step by step, natututo na kong manamit. Unti-unti na kong kumakawala sa itsura kong parang bata na naligaw at bibili lang ng suka sa tindahan. The PUP fashion style is over. Sabi nga ni EJ sakin dati, parang pang La Salle at Ateneo na raw ang damitan ko.. Hindi na pang PUP.

May nabili kasi ako sa flee market kahapon na damit na mismong suot ko sa picture. I don't know how to describe it. Basta mahaba ang manggas na parang sweat shirt pero fitted. Its color is gray and may print siya ng small stars. I guess I need to buy a lot of that kind of clothes. Nakakaboost ng confidence and nawawala ang pagka boyish ko.

I called EJ just to say good night and then I drifted off to sleep~

A Teacher's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon