August 1, 2014
Friday
I'm standing on a bridge. I'm waiting in the dark. I thought that you'd be here by now.There's nothing but the rain. No footsteps on the ground. I'm listening but there's no sound.
***Buwan ng Wika kaya magtatagalog muna ako.***
Ano na namang kadramahan 'to? Hindi ko din alam. Ok naman buhay pag-ibig ko. Pero dala na rin siguro ng hindi malamang kagustuhan sa buhay kaya pinili ko na namang lakarin ang kahabaan ng kalsada mula sa Munisipyo ng Lungsod namin pauwi ng bahay habang umuulan. Dumaan ako ng tulay, nakapayong naman ako.. Wala naman akong hinihintay..
Ang mahirap na parte sa buhay ay huwag paganahin ang utak. Minsan, ok din ang maging tanga paminsan-minsan. Mas masasaya ang taong puso ang pinapagana. Dahil ang mga matatalino, kalimitang nababaliw. Literal.
Ano bang gusto kong sabihin? Hindi ko din alam. Alam kong may mga nagbabasa na ng mga sinusulat ko dito. Pero ayokong magsulat para mapasaya o mapahanga sila, kayo... ikaw.
Kaya sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin. Kahit alam kong para sa'yo walang kwenta. Kahit na alam kong hindi mo maiintindihan.
Hindi ko alam kung magkekwento pa ba ko ng nangyari buong araw. Hindi lang naman kasi ako ang taong kasama sa kwento. May mga kasaling kailangan kong pangalanan. Yung mga taong nakakasalamuha ko araw-araw. Meron din silang kanya-kanyang kwento. Napapaisip ako na baka ikapahamak nila o maging iba ang tingin sa kanila ng ibang tao kung ikekwento ko kung ano ang pagkakakilala ko sa kanila. Lalo na ng mga batang tinuturuan ko. May mga nasampolan na ko sa mga nauna kong panulat dito. At hindi ko alam kung dapat ko pa ba itong ipagpatuloy.
Hindi ko inaasahang may ibang gustong magbasa. Hindi ko inaakalang dapat ko na namang isipin kung dapat akong magpatuloy o hindi na.
Ayokong nalilimitahan. Ayoko ng madaming nakakaalam. Ayoko ng nagpapaliwanag.
Isn't anyone trying to find me? Won't somebody come take me home?
Pakiramdam ko magkakasakit ako. Ang init ng pakiramdam ko pero hindi naman ako nilalagnat. Ayokong nagkakasakit. Parusa. Ang gusto ko lang sa parteng yun, yung pag-aalaga ng nanay ko. Yung pangungulit saking kumain at uminom ng gamot. Yung pagpayag na magpahinga lang ako.
It's a damn cold night. Trying to figure out this life. Won't you take me by the hand. Take me somewhere new. I don't know who you are. But I... I'm with you...
I'm with you
Ang hirap maging tao. Napapagod. Nagsasawa. Nasasaktan. Naguguluhan. Nagkakamali.
I'm looking for a place. I'm searching for a face. Is anybody here I know? 'Cause nothing's going right. And everthing's a mess. And no one likes to be alone.
Titser ako. Dapat ngang ipagmalaki ko yun. Pero ang hirap pala. Ang hirap hirap. Saludo ako sa kanila. Dahil kelangan maging 'perpekto' ka sa paningin ng iba. Mabait. Matalino. Maayos. Responsable. Masipag. Pero eto ako ngayon, maraming dapat gawin pero mas piniling maglabas ng damdamin sa pamamagitan ng panulat.
Oh.. Why everything is so confusing. Maybe I'm just out of my mind.. Yeah-he-ye Yeah-he-ye Yeah aahh
It's a damn cold night. Trying to figure out this life. Won't you take me by the hand. Take me somewhere new. I don't know who you are. But I... I'm with you...
I'm with you
***
Salamat sa musika. Salamat Wattpad.
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
Não FicçãoThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?