English Fest : Meeting

27 0 0
                                        

February 2, 2015
Monday

Mukhang maraming naging interesadong pumunta ng Art In Island dahil sa mga uploaded pictures namin ni EJ sa Facebook. Andami kasing nagtatanong. Hindi naman ako selfish para ipagdamot sa kanila ang information. Eh di pumunta rin sila. At least, I could say, EJ and I were the originals who discovered it. :))

-*-*-

Nakasabay ko ulit si MJ. Hindi pa rin detalyado yung sinabi niya sakin tungkol sa Batangas Outing. Bahala na. Pero sabi ko sa kanya bago ako bumaba, i-message niya ko for updates.

-*-*-*

EJ out of the blue texted:

EJ: "May problema ako."

Me: "Ano yun."

EJ: "May issue ako sa bata -_-

Nahuli daw akong may kasamang bata tapos kaholding hands pa daw nitong mga nakaraang linggo. Napa-wtf ako kasi since nung bagong taon. Hndi ako lumalabas ng bahay kapag wala akong lakad. Nagbabike lang ako okaya kasama ko sila kel. Kahit si kim at trisha nung christmas party ko pa huling nkasama sa labas. Lagi kaming nsa school. Weird lang. Ganito pla kapag ginagawan ka ng kwento."

Me: "Uh huh. Kaya nga din nung masyado kang close kay kim. Kabado din ako. Concern ako sau kasi lalaki ka. Maraming nangyayaring ganyan. Sino ba nagsabi?"

EJ: "Kahit naman close kami ni kim, di naman kami ganun. Discreet ako dun. Tsaka 3 years na akong teacher. Di naman ako naiissue noon, eh parehas lang naman pakikitungo ko sa lahat. Ang issue kasi dito, gusto daw ibalik nung parent yung anak nya sa sta. Elena kasi nakikita daw akong ganun ako sa stujante."

Me: "Baka ako yung nakita nila. :D I know. Pero halatang close kasi kayo. Even in your fb status. Ako nga napansin ko eh. Lalo na siguro dyan sa nakapaligid na mga tao sa inyo. And syempre, utak ng tao - full of imaginations. Anong sabi ng principal?"

EJ: " Wala, hayaan ko lang muna sila. Hayaan kong lumipat ng school. La naman ako paki dun sa bata kung magstay o hndi. Sabi nga nung principal namin, normal daw yung ganun kasi ganyan dn daw sya nung bata pa (nagyabang pa sakin)."

My say to this? Hmm.. Kaya sya na i-issue eh kasi nga masyado niyang close sila Kim. Dati pa ko concern about dun. Hindi lang naman ako nagseselos. Naiisip ko rin na baka mabigyan siya ng malisya ng ibang tao. Lalaki pa man din siya. Ako naman kasi, ang selos ko was about him spending time with them. As if naman papatulan ni EJ ang bata. I'm very confident na wala akong dapat ikabahala. Nakakairita lang talaga minsan pero  kelangan ko na lang intndihin kasi siguro nakahanap si EJ ng kapantay niya mag-isip sa ibang mga bagay.

-*-*-

Then came an announcement from T. Josie that I need to go to IMC Diego to attend a meeting about English Fest. I was protesting, asking why not send T. Donna instead of me. But they're trying to make sense out of it. Reasoning that T. Donna will no longer stay next school year. Pero nung malaman kong kasama si T. Kristoff, ay. Ok lang naman pala pumunta. May kasama naman pala ko eh. :D Pero kinakabahan daw siya kasi mukhang specific siyang nasa list na dapat pumunta. Gusto pa nga raw papuntahin sana lahat ng present na English teachers nung Friday pero hindi pumayag si T. Josie dahil walang maiiwan para mag handle ng mga bata. But since, I'm with T. Kristoff, nagkaroon na siya ng haka-hakang may gisahang magaganap mamaya. Na hindi naman siya nagkamali.

Nagklase pa siya sa grade 3. Ansarap batukan ang sarili ko kasi hindi ko pa naisipang magpatawag ng taxi kila kuya. Naglakad tuloy kami pa-Kalayaan. Thumbs up lang kasi nakasakay naman kami agad. Pagdating namin, saglit lang din... Nagsimula agad ang meeting. Two o'clock sharp.

Kumpleto ang V.P.'s and T. Myrna. English Teachers at ibang non-English Teachers na nag assist sa event. Then, the admins including Sir TJ, Ma'am Mayi at humabol ng dating na si Ma'am Angie.

A Teacher's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon