November 11, 2014
Tuesday
I sent the requirements for the East West bank credit card. Mukha namang paasa lang yun. T. Elsha was called by the same Tina kasi isa siya sa mga nirefer ko. Si T. Shane, mukhang interesado dahil wala nga siyang nagagamit na cellular phone. Matagal na raw since may nakasalisi na kumuha sa bahay nila. Inexplain ni Elsha na kelangan daw pala naming iactivate at ipurchase yung card worth of php1000 para ma-claim yung free Timec watch or Samsung phone. Ok whatever. Nagpasa ko thru email ng requirement pero hindi ko masyadong sineryoso dahil ayokong umasa at marami na akong credit cards.
*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^
I was constantly texting/chatting thru Messenger, Alex about our meet up later.
Alex: "Cant make it this morning, mamayang hapon siguro. So tell me if ok. And yung location sa makati, i need to know."
Ako: "Hapon? Around what time?"
Alex: "5 siguro."
Ako: "Guadalupe Nuevo Makati City. Malapit sa guadalupe mrt station.
Integrated montessori center, guadalupe nuevo."
Alex: "Basta bigay mo lang detalye mahahanap ko yun, so sa side ng jollibee sa guadalupe?"
Ako: "balagtas st corner mactan guadalupe nuevo makati city"
Nagklase pa ko. Hindi naman siguro yun maliligaw kasi sibilisado naman yung lugar na pagkikitaan namin. Besides, I know Alex is good in directions. Hindi ko alam kung magsisisi ba ko sa agarang desisyon na bilhin yung Iphone ng officemate niya. Pero I wanted one right? Nakakabadtrip na kasi ang mabilisang pagka lowbat ng battery ng Samsung Duos ko plus nawala pa yung charger ko na wala pa atang isang buwan nung binili ko eh, nawala na lang bigla. -_-
Habang nagtuturo ako sa Grade 1, I received a message from him using an unregistered number.
Alex messages, from +6391937832xx:
"Mcdo guada mall."
-A
"Im using your new smart number hahaha."
-A
Pagpatak ng 5 PM, umalis na rin ako agad sa school dahil nga kawawa naman si Alex kung paghihintayin ko siya ng sobrang tagal. Magwiwithdraw pa rin kasi ako ng pambayad sa kanya. Mamaya ko na lang siguro pupuntahan si Hailey.
Sinamahan ako ni T. Riza hanggang Mcdo. So I introduced her to Alex. Umalis na rin si Riza agad kasi itututor niya si Rev.
Sinamahan muna akong mag withdraw ni Alex sa Security Bank since maraming tao kanina nung dumaan kami ni T. Riza.
Niyaya ko na ring kumain si Alex para deretsong dinner. We ate while we discuss our transaction. I handed him the 7,500 cold cash while he handed over the Iphone 4, explaining na it's 8 Gb pero sulit na sa presyong ibabayad ko. Pina check niya sakin kung may gasgas, and I found none. May kasama na rin siyang case. He just explained me the basics. Napahiya pa nga ako nung tinanong ko kung nasan ang lagayan ng memory card. Hahaha.
Yeah. Sorry. I am an Iphone dummy.
Hindi ko pa alam kung anu-ano ang dapat itanong since hindi ko pa naman siya alam gamitin.
I am yet to discover why people are gaga over Iphones. Besides, I can always chat with him naman thru Messenger. I was just worried about him given na magtatravel siya with a large sum of money. Pero sabi niya, he'll be okay. Para san pa ba daw na mukha siyang bouncer.
Since we both have another commitment. We parted ways na. I gave him my MRT stored value card para hindi na siya mahirapan bumili since he said he'll be in Robinson Metro East for Victory Band practice. Yes. He was able to make it in the audition and then boom! Now, he's become one of them. Matagal na naman siyang tumutugtog. May talent kasi sa music tong kaibigan kong 'to.
Kung tutuusin, boyfriend material siya eh. Mataba siya pero siya yung tipong masarap i-hug. Tsaka pogi din. Pero syempre, I have never feel that way for him. Kahit na madalas kaming mapagkamalang bf-gf sa office (when we had the same workplace) dati dahil sa closeness namin at dahil lagi kaming magkasama. Truth is, para kaming aso't pusa na nagbabangayan palagi. Kami rin madalas na nagko kompetensya pagdating sa performance namin sa team. Nakakatuwa lang na nakahanap ako ng kaibigan tulad niya. Isa siya sa mga taong masarap kausap kasi ang dami-dami kong natututunan - (Matanda na kasi. :D) kahit na mas madalas lang din kaming mag-asaran.
I wonder when he'll finally meet the love of his life.
Geez, enough of Alex~
I went to my tutorial with Hailey. When I see her, she had this grumpy face.
Hailey: "Why did you take so long?"
Me: "I'm so sorry dear, I needed to do some errand."
Hailey's Grandma: "Nako teacher, kanina ka pa hinihintay niyan. Nilinis na nga niya yung table niyo."
Me: "Nako. Oo nga po. May dinaanan pa po kasi ako eh."
******
So then, before I leave, I captured a photo of me with Hailey using my new phone.
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
Non-FictionThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?