Short Story: Of Letting Go

25 0 0
                                    


Alam mo yung pakiramdam ng nakasama mo ulit yung taong sobrang minahal mo? 'Mi-na-hal' Oo. Past tense. Nakalipas na. Hindi ko na kasi sigurado ngayon kung mahal ko pa ba siya. At kung oo ~ mahal ko pa..? Mahal ko pa kaya siya base sa kung sino at ano siya ngayon? O mahal ko siya base lang sa mga nabuo naming mga alaala noon? 😥

Nahihirapan ako. Kaya nga naglakas loob akong yayain siya ngayon para ma confirm na rin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

Dumating ako sa tagpuan namin. Wala pa siya. Ako naman parang tangang naghintay. Bakit parang tanga? Deep within me kasi, I felt excited ~ kahit hindi naman na dapat. At yun na nga, pagdating niya, parang tumigil ang mundo ko. "Kumain ka na ba?", tanong niya habang nakatulala ako sa kanya. Haaaay. Namiss ko ang boses niya.

Hindi ko naiwasang mapatitig. Ang payat payat pa rin niya. Hindi naman masyadong masagwa dahil sa katangkaran niya. Sana kumain ka nang kumain para magkalaman naman ang katawan mo. Konti na lang, magiging buto ka na. Sumunod na sinuyod ng mata ko ang mga malalamlam niyang mga mata papunta sa makipot at tuyo niyang mga labi. Nag flashback tuloy sakin ang unang halik niya sakin. At ang mga sumunod pa. Whoa! Napalunok ako ng laway. Nalungkot ako bigla dahil malabo nang mahalikan ko pa ang mga labing unang nagpatikim sakin ng matatamis na halik. "Okay ka lang ba?", tanong niya. Nakita niya sigurong lumungkot ang aking mukha. "Gutom ka na ata", sabi niya, na waring may kaunting tono ng pag-aalala.

Tango na lang ang sagot ko kahit ang totoo, hindi pa naman talaga ako gutom. Nung nakita kita, nabusog na ko. 😋

Umalis siya at pagbalik, may dalang tray na may lamang bento na pang dalawang tao. Mahilig ka pa rin pala sa Japanese food.

"Mahilig ka pa rin pala sa Japanese food", sa wakas nasambit ko habang kumakain na kaming dalawa. "Ba, nagsasalita ka pala", biro niya habang nakangiti. Ahhh. Saklolo. Natutunaw ako.. 😍 "Uhm, oo naman. Grabe ka", nahihiyang sagot ko. "Kala ko kasi wala kang balak na kausapin ako. Ikaw pa man din nagyaya sakin dito." Buti na nga lang at pumunta ka..

"Tahimik ka na naman." Hindi ko alam kung awkward na pakiramdam niya dahil sa ikinikilos ko. Halos hindi rin ako makapagsalita. Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya. Tipong parang batang kinikilig kasi nakasama niya finally ang crush niya. Iba kasi ang pakiramdam. Para talagang may butterflies sa stomach. 😲

"Uh, ano... punta tayong Baywalk", yaya ko sa kanya. Iniwasan kong tingnan ang malalamlam niyang mga mata. "Sige." Narinig ko na lang na sagot niya sabay hablot sa kanang kamay ko.

Sumakay kami sa bus. Tayuan. Ang hassle pero okay lang. Kasama ko siya eh. May tumayo mula sa upuan na pababa na sa paparating na kanto. Naging hudyat para sa pagkakataon naming makaupo. Uupo na sana ako ng madulas ang puwet ko sa upuan. Natanggal ang upuang nakaibabaw at napabaligtad kaya nalaglag ako sa lapag. Nakita niya ko kaya namula ako sa hiya. Tutulungan na sana niya ko pero mabilis akong tumayo at inayos ang sarili sa pagkakaupo. Nakakahiyaaa. 😧😣😭

Bumaba kami sa bus at naglakad papuntang Baywalk. Naisipan muna niyang dumaan kami sa 7 Eleven para bumili ng maiinom. "Anong gusto mo?", tanong niya habang nasa harap namin ang sandamakmak na pagpipiliang inumin. "Inom tayo", dagdag niya. Napakunot ang noo ko at nasabing, "Oo nga. Kaya nga tayo nandito para bumili ng inumin, hindi ba?" Binuksan niya ang ref at kinuha ang isang bote ng beer at tumawa. "Hahaha! Ito ang ibig kong sabihin. Iinom ka ba? Eto San Mig Light. Masarap yan. Parang juice lang. Yan, apple flavor. Kung gusto mo, meron ding lemon." Ano ba yan. Napahiya na naman ako sa'yo. 😥

A Teacher's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon