September 28, 2014
Sunday
PART 2
[Insert background song: 'Down' by Jason Walker, Vampire Diaries OST]
"Cher asan ka na?"
FROM: Teacher Andie Secapero 3:37 PM
I decided to go home and change clothes. Init na init din ako kaya nag pusod ako ng buhok. Hindi naman ako nakabili ng regalo kay Aaron. Naisip ko yung car wall paper sticker. Mahilig naman ata yun sa cars. Binalot ko na muna. Wala lang akong mahanap na birthday gift wrapper kaya yung wrapper na may design na butterflies na lang. Then, umalis na ko going to BCDA. Natatandaan ko yung bandang Abad's Store. Alam ko tapat yung bahay nila ng computer shop. Kaso hindi ako sure. Kanina pa pala ko tinatawag ni T. Alva. Tama nga ako sa place. Hindi ko lang agad narinig kasi naka earphones ako.
Kami pa lang pala ni T. Alva. May mga ibang bisita din si T. Andie na dumarating. Kamag-anak ata niya and some oldies friends.
Yung birthday boy tulog pa. Wala tuloy kaming makulit masyado. Natatawa na lang ako kasi aminado sila Alva at Andie na puro issue sa main branch. Napakaraming teachers ang involved sa away. Lalong-lalo na daw sa batch last year.
Magkasamang dumating sina Shiene at Gina. Kinukulit nila ko kung ano daw bang mga alam kong balita.
T. Shiene: "Huy.. Magkwento ka naman. Tara. Usap-usap tayo. Anu-ano na bang nangyayari. Baka mas may alam ka pa sakin. Ako andun na pero hindi ako makasagap ng Wifi."
Ako: "Uh.. ayun. Pareho lang din naman ng alam ninyo. So far, di ko pa naman narinig pangalan ninyo na nainvolve. Except kay Symone. Tsaka madalas daw magbaba ng memo sa inyo. Sa paggawa ng exams tsaka paggawa ng bulletin boards."
T. Andie: "Naku cher, yung mga last year.. dating magbebest friends, ngayon mortal enemies na. Naiinggit nga sila sa batch natin kasi united tayo. Kaya may mga sinusubukang manggulo."
Ako: "Naku. Nalalaman ko lang yang mga yan dahil kay T. Jeane. Nakakasama kasi namin siya kapag may activities ang Intrepid Pen. Mukhang alam niya lahat kasi siya pala ang tagagawa ng memo. Kaya ikaw teach.. Huwag mo na lang kalabanin yun. Hayaan mo na lang siya."
T. Andie: "Nako ha.. Taga gawa lang siya. Pero wala siyang karapatang magsabi kung sino dapat ang nga dapat bigyan. Hindi ako natatakot sa kanya. Takot yun sakin. Dapat kasi dun, huwag mo lang papakita na kaya ka niya. Pareho lang naman kaming na hire no. Baka gusto niyang sabay kami umalis."
T. Gina: "Ahhh... ahh.. ikaw na."
T. Shiene: "Yun oh. Taray talaga."
Ako: "Ay naku. Haha. Bahala nga kayo."
May mga nabanggit din si T. Andie na mga bagay na hindi nabanggit ni T. Jeane. Hindi ko na tuloy alam kung kanino ko maniniwala. May conflicts kasi silang dalawa. Sila Gina at Andie, naikwento pa kung paano nila sakyan yung ibang ugali nung teachers. Ingat na ingat na din daw sila sa pagkekwento kapag nasa faculty sila. Nabanggit din nila si T. Sheila. Nagka conflict kami noon bago ko umalis sa Diego pero okay na naman kami ngayon.
Ngayon ko napatunayang, love talaga ko ni Lord kasi nilayo niya ko sa mga katulad nila T. Sheila. At binigyan ako ng pagkakataon na makasama at makakwentuhan at maka close ang mga ka batch kong teachers at hanggang ngayon intact pa din ang samahan namin kahit nalipat na ko ng branch. So far... I still believe na wala sa kanilang plastik.
Kumain lang kami ng kumain tapos nag-usap ng tungkol sa nangyari sa party ng anak ni T. Valen kahapon at nanuod ng kung ano mang napractice nilang sayaw para sa Teachers Night. They were trying to convince me to attend rehearsals pero mukhang malabo kasi talaga. Imagine.. My official time is 8:00 AM - 5:00 PM. Minsan over time pa kapag may mga gawaing dapat tapusin. Plus, I have an hour of tutorial with Hailey, Mondays to Thursdays. Imagine kung gaano kahaba ang pila papuntang Gate 3.. At ang trapik.. Pati na rin ang layo ng dapat lakarin papuntang IMC Diego. Tapos pagdating dun, sasayaw ng ilang ulit.. Oh please. Sa payat kong 'to..? Hindi ko po kelangan mag reduce. Mas lalo ata akong magiging zombie skeleton kapag pinatulan ko pa yang practice practice na yan. Iniisip ko pa lang, napapagod na agad ako.
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
Non-FictionThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?