Hanggang Tingin Na Lang

74 0 0
                                    

September 25, 2014

Thursday

Nanaginip na naman ako. Pero I don't care if I can't remember it. Napaka random naman kasi. Hindi ko pa mawari kung may kinalaman ba yun sa mga mangyayari paggising ko. Hindi ko din masabi kung may scientific explanation kung bakit parang dejavu na lang din minsan yung nga nangyayari sa palagid ko. Pero ewan ko. Basta magulo. Ang hirap ng pati pagtulog, nananaginip. Kahit tulog, may brain activity. Nakakaloka..

*****

At ewan ko ha... But this is just too weird for me. Or masyado lang akong mapag-assume? Or GGSS?

Kasi naman... Ganito ang senaryo tuwing umaga kapag papasok na ko sa school.

Gigising ako. Maliligo. Iisipin kung nanaginip ba ko. Kung meron, pipilitin na alalahanin habang nagbibihis ng uniform. Kukuha ng pagkain na pwedeng baunin. Magbaba-bye sa ZR kids, mga pamangkin ko. Lalabas ng bahay. Mag-aabang ng jeep bound to Pasig o kahit na anong byahe basta aabot sa Pateros. Kapag walang masakyan, maglalakad hanggang Bambang Barangay Hall. Sasakay. Magbabayad ng pamasaheng php 8.50. Habang nasa byahe, itetext ng routinal good morning greeting message si EJ a.ka. Peter Pan. Then, magtatype sa Wattpad para makapag entry sa diary ng kung ano mang maalala sa nangyari sa mga nagdaang araw at gabi. Bababa sa Petron, paglagpas ng Starter. Sasakay sa jeep bound to Tulay Guadalupe Bliss. Magbabayad ulit ng pamasahe na php 11.00. Ipagpapatuloy ang pagtatype sa Wattpad. Paminsan-minsan, ioobserve ang mga ibang kasakay na mga pasahero. Kapag napagod ang mga mata, saglit na pipikit. Didilat ulit. Titingnan ang bandang unahan kanan ng screen ng phone para sa oras. Maaga pa ba? Malelate na ba ko? Aabot ba ko? Bubuntung-hininga. Iisipin kung ano na naman ang mangyayari mamaya. Bababa bago lumiko pakanan papuntang terminal ang jeep. Swerte kapag dumiretso. Pero mas madalas, kailangan kong lakarin mula bago lumiko ang jeep papuntang school. At kapag nasa corner na ko ng Balagtas St. at Felipe St... Sa bakery malapit sa bahay nila Reign.. napapansin ko yung lalaking nagbabantay dun palagi. This time, he smiled at me. O baka guni-guni ko lang yun? Pero kung iisipin ko.. hindi ata ito yung unang pagkakataon. Pero kukumbinsihin ko na lang ang sarili kong masyado lang akong paranoid at nag-aassume.

****

What can we do today? What can we doooo?

Sobra ang pagka LSS ko sa mga kanta ng Pre-school. Waaaah! >_<

****

Pumunta mama ni Jana sa school, wanting to talk to T. Donna.

Nung lunch time, nagkausap kami.. Akala naman daw niya kung anong concern ni mommy. Nahihiya lang pala magsabi si Jana about sa grade niya.

****

Sinoli na ni An Marey yung book ni Prince kahapon kaya turn ko na to feed my curiousity. Kaya sa byahe pag-uwi mula kahapon binasa ko hanggang matapos. May mga nakakatawang part pero hindi talaga siya suitable para sa mga minors. Hay nako naman talaga. >_<

***

Hailey's (Dad's) Home, 5:45 PM

Hailey's Lolo: "Where's your small bag? The green bag?"

Hailey: "It's just here. But it's gone."

Hailey's Lola: "Are you sure you're able to bring it at home?"

Hailey: "Yes. It's just here. But I can't find it. It's gone."

Hailey's Lola: "It should be here if you brought it. Maybe, you left it in school again."

Hailey: "Nooo.. I was carrying it."

Hailey's Lolo: "Si Tita niya kasi ang sumundo. Hindi ata nun alam na may small bag pa kaya nakalimutan. Kapag ako kasi sumusundo, alam ko na eh."

Hailey's lolo left us and went back to school. Ilang metro lang naman ang layo. Good thing. After few minutes, dala-dala ni tatay yung bag ni Hailey. Grabe talaga sakit-kalimot nitong batang ito. >_< She was carrying it earlier daw kanina. Pambihira!

Before we start our session, nag psychologist mode muna ako sa kanya. Hindi maganda ang magkaroon ng short term memory loss. Ang bata bata pa niya. May problema kaya somewhere sa brain niya kaya madali siyang makalimot? Ang weird kasi eh.. Naaksidente ba to nung baby pa siya? O sadyang andami dami niyang iniisip at may pagka advance pa minsan?

Ako: "What do you think or imagine during free time?"

Hailey: "Uhmm.. I don't know. Nothing."

Ako: "How about earlier?"

Hailey: "Well, I was imagining that I was carrying my bag here."

Ako: "Do you think it's good when you're forgetful?"

Hailey: "Uh.. No."

Ako: "Hailey. You should focus. You should be here. Right now. Right at this moment. You have to separate your Imagination from Reality itself."

Hailey: "Okay."

Ako: "What do you think will happen in these kind of situations? For example, you're cooking food. Then someone knocked at the door and then you forgot that you're cooking. What will happen?"

Hailey: "The food will get burn."

Ako: "Exactly. Or it might cause a fire.. You see.. Not focusing and forgetting things just like that may also cause accidents."

Hailey: "Uhm.."

Ako: "When you left the faucet opened because you forgot to turn it off. What will happen? Do you get what I'm trying to tell you right now?"

Hailey: <Nods..>

Ako: <Sigh...>

A Teacher's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon