Gumayak ako at nagbihis,
Tumindig at humarap sa salamin,
Nagmamadali kaya hindi na kumain.Lumabas ng bahay,
Tumayo sa kainitan ng araw,
Ilang tricycle na ang dumaan,
Pero ni isang sasakyan na kailangan, wala man lang isang napadaan.Limang minuto, sampu, labinlima hanggang tatlumpu.
Nakatayo pa rin na parang tuod,
Tinitingnan na ng mga kapitbahay,
Siguro wari nila'y para kong tangang nag-aabang.Jeepney strike, kaya walang pasok.
Bakit nga ba ko nag-aabang sa sasakyang suntok sa buwan ang pagdating,
Lumakad ako sa kainitan.
Hindi alintana ang gutom sapagkat may nais na puntahan.Mag-iisang oras, wala pa ring pag-asa,
Sinabi sa sariling mag-isip at tumigil muna,
Inilabas ang nag-iisang sandata para makaligtas sa kawalang pag-asa.Nang magkaroon ng bala'y,
ikinasa ang sandata...Dalawampu't-dalawang minuto,
Ito ang oras na kanina pa hinihintay,
Ngunit lumipas ang pag-aabang.Wala man lang pasabi kung darating o nagpaasa lang,
Pero sa kabila ng lahat, naghintay pa rin,
Hanggang sa dumilin na ng dumilim ang paligid.Lima, sampu... tatlumpung minuto, isang oras..
Nakatayo lang ako. Gutom.
At nauulanan.Patawad mahal ko.
Kung hinintay mo ako.
Gusto ko sanang mapalapit sayo,
Ngunit sa huli'y mas lalo lang akong napalayo sayo.Patawad mahal ko.
Uuwi ka na.
At uuwi na rin ako.
Sa bahay, ngunit magkaiba.Kailan kaya tayo uuwi ng magkasama?
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
Non-FictionThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?