Around The World: Part 1

88 0 0
                                    

September 28, 2014

Sunday

PART 1

[Insert background song: 'Every Little Thing' by Dishwalla]

10:50 AM - I am on my way to meet up with Alex. Nung una, nagdadalawang isip ako.

"Di pwede si demie, may pasok, 11pm if its your preferred time, were good to go ;) see you."

FROM: Alexander Catigon 7:47 AM

First, I texted EJ. Niyaya ko siya but no reply. Malamang, tulog pa yun.. Nagpuyat siguro ulit.

Then, I checked my Messenger. Binasa ko muna yung conversation between Alex and Demie.

Alex: "Seen lang? Walang excuses? ;)"

Demie: "Ang taba ng utak niyong dalawa. Haha. I love you."

Alex: "May pasok ka?"

Demie: "330 out ko tapos naaya nko ng mommy nmin sa team e."

Alex: "Ikaw, so kami na lang ni borja?"

Demie: "Oras ba?"

Alex: "Umaga lang si borja pwede tas ikaw hapon lang ;("

Demie: "Oh eh un na nga"

Alex: "Kami na lang muna ni borja? ;)"

Demie: "Msaya naman ako kung kayo na tlg. Haha."

Alex: "Di ko alam hahaha."

Napagtripan na naman nila kong dalawa. -_-

Sige na nga kami na lang ni Alex. Hindi naman yun date. Magsisimba lang naman kami. Wala akong dapat ika-guilty. Wala naman yung malisya. Pambihira naman kasi. Bakit lalaki palagi ang mga nagyayaya saking magsimba? -_- Yung boyfriend ko naman.. hindi ko maaya. :(

"Kagigising ko lang, Good morning potpot Ü Nagising ako sa ingay ni papa, nagwawala na naman. Pinaglilinis kami

Kaen muna ako~ kaen ka na dn :*

Mahal na mahal kita~"

FROM: <3 Peter Pan 11:08 AM

Hindi na naman niya ata binasa yung content ng tinext ko kanina. >_<

Late na ko para sa 11:00. I sent a message to Alex, "I think i wont make it ng11. Im on my way pero di ko alam kung mabilis ang byahe. Ang layo ko kasi. Anyway, kung malelate ako. Lunch muna tayo tas 1pm na tayo mag attend. :D" He replied, "Ok.. Sa sta lucia na lang.. Sa food court ulit."

Pero bigla atang nagbago isip niya.

-------'---,-'--;--@

Wendy's, Sta. Lucia 11:30 AM

Dahil brunch na ang gagawin ko. Madami akong inorder. 1pc. chicken with spaghetti plus rice and then Frosty float. Maglalabas na sana ko ng pambayad pero pinigilan ako ni Alex. Treat niya daw. Nahiya naman daw kasi siya sa layo ng nilakbay ko.

Dahil wala si Demie, siya ang napagkuwentuhan namin. Nabanggit sakin ni Alex na parang pinagkakagastusan daw ata ni Demie yung guy. Ang problema lang kasi talaga, other woman lang si Demie. Number two. Reserba. Option. Kaya kung may masasaktan... Siya lang yun. Siya kasi single. Pero yung guy.. may girlfriend. Pero okay lang siya sa set up nila. Naniniwala siyang mahal siya nung lalaki. Kalokohan. >_< Ansarap iuntog ng kaibigan namin ng matauhan. Pero napag-usapan namin ni Alex na hindi din naman namin pwedeng pagsabihan si Demie na iwanan na niya. Alam naman kasi ni Demie ang dapat gawin. Ang problema lang, according to Alex... yun kasi ang gusto ng kaibigan namin.. Ang naghahabol.

A Teacher's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon